Kabanata 5

152K 2.9K 626
                                    

HATID

Balisa ako nang nakauwi sa bahay. Agad iyon napansin ni Tiya Elena kaya lumapit siya sa akin at tinanong ako.

"Okay ka lang ba, hija?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling ako at umupo sa kawayan na upuan. Nanginginig pa rin ang kamay ko at hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na't siya nga iyon. Naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin dati bago ako umalis sa puder niya. Na kukunin niya ang anak ko kapag nanganak na ako at pipirmahan ko ang annulment paper. Pero inunahan ko na siya at umalis ng walang paalam.

"Balisa ka..."

Nilingon ko si Tiya na nagtatakang nakatingin sa akin.

"Si Amer?" Iyon agad ang unang tanong ko.

Agad akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto namin.

"Tulog na kakahintay. Kinuha ko siya mula kay Crisanta."

Mahina kong binuksan ang pinto at tinanaw ang anak ko na mahimbing na ang tulog. Natatakot ako sa posibleng mangyayari lalo na't nandito na si Harry. Hiling ko lang ay sana hindi na niya ako guguluhin dahil hindi ko ibibigay ang anak ko kahit ano ang mangyari.

At saka siguro naman ay may asawa na siya lalo na't ilang taon na rin ang nakalipas. Siguro may anak na rin siya kaya huwag sana niyang pag-interesan ang anak ko. Namumuhay kami ng tahimik dito.

Kinabukasan ay dumiretso na ako sa trabaho sa isang native restaurant malapit lang sa Kawasan falls. Isa ako sa mga taga-luto, kaming dalawa ni Tiya Elena. Ang iba naman ay nasa isa pang restaurant malapit sa Lambug beach. Kadalasan sa mga customers namin ay mga dayuhan. Mamahalin kasi ang mga pagkain dito ngunit masarap kaya dito kumakain ang mga galing at papunta pa lang sa falls. Minsan nga, may sikat na ring mga artista ang dumadayo. Ang iba ay mga vlogger at mga sikat sa social media.

"Pinuri pala kagabi ng mayor ang luto mo, Bea," maligayang sambit ng manager namin nang nilapitan ako.

Tipid akong ngumiti at saka nagpatuloy sa ginagawa. Ayaw ko nang maalala pa ang kagabi. Ang kanyang madilim na titig at ang kanyang nakakalusaw na tingin. Lahat ng iyon, pamilyar sa akin.

Ipinilig ko ang ulo ko at napapikit saglit. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganoon. Ang mga katulad ni Harry ay ang mga lalaking walang kuwenta at walang magawa kundi ang manakit ng damdamin ng iba.

"Talaga ba?" manghang tanong ni Tiya sabay baling sa akin. "Hindi ka man lang nagkwento sa akin kagabi, hija! Mabuti at nagustuhan ng mayor ang luto!"

Nagmulat ako ng tingin at napatingin kay Tiya.

"Oo, Tita Els. Hindi ko akalain na malaki na ang pinagbago nitong alaga mo sa pagluluto. Naalala ko pa rati na hindi pa siya masyadong marunong!"

Bumuntonghininga na lamang ako at saka nag-iwas ng tingin.

"Bea, may lechon pa ba?" Tumingala ako galing sa pagyuko nang lumapit si Leo sa akin na ngayon ay nakahilig na ang siko sa counter habang ang kanyang mata ay nakatingin sa akin.

Sinilip ko ang lalagyan at nang nakita ko na meron pa, tumango ako.

"May bagong customer. Gustong kumain ng lechon. 'Yong special daw!" aniya bago umalis.

Napailing na lamang ako at saka kumuha ng pinggan para ilagay ang lechon doon. Gumawa rin ako ng sauce na original na gawa ko. Natutuhan ko iyo dahil paborito ng anak ko ang mga sauce na gawa ko. Siya kasi ang inspirasyon ko sa pagluluto.

Maya-maya ay bumalik si Leo para kunin ang in-order ng customer. Pero ilang saglit lang din, bumalik si Leo na hinihingal dahil gusto raw ng juice. Kumuha naman si Erika at binigay kay Leo. Ngunit, nagtaka muli ako nang bumalik muli si Leo, pagod na pagod na.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon