LOST
"Marami namang guest room dito, hija. Huwag muna kayong umalis," pakiusap ni Manang sa akin.
Nasa may ikalawang palapag na kami ng mansyon nila Harry habang pinipilit kami ni Manang na manatili rito. Okay lang naman na manatili kami rito kahit isang gabi lang lalo na't inaantok na ang anak ko kaya lang ay masyadong nakakahiya.
"Manang, who's that?"
Namilog ang mata ko nang narinig ko ang boses ni Tita Fely. Naka-daster lang siya at mugtong-mugto ang kanyang mata. Parang wala siyang tulog at hinang-hina na.
"M-Ma'am..." Lumapit si Manang kay Tita Fely.
Noong una ay nakakunot pa ang noo ni Tita dahil mukhang hindi niya ako nakilala pero nang tuluyan na siyang nakalapit ay namilog ang mata niya at agad hinawakan ang kamay ko.
Gulat siyang pinasadahan ako ng tingin. "Ikaw na ba iyan, Bea?"
Tumango ako at naibaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"N-Nakikiramay po ako, T-Tita..." Kinagat ko ang ibabang labi nang nautal ako.
"Maraming salamat," malungkot niyang sambit sabay baba ng tingin kay Amer na ngayon ay mahigpit na ang hawak sa damit ko.
"Siya na ba ang anak ninyo ni Harry?" tanong niya sabay tingin sa akin. "Sayang at hindi siya nakita ng asawa ko..."
Sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ng konsensya. Hindi na ako makatingin sa kanya dahil sa sakit na naramdaman.
"M-Ma'am, magpahinga na po kayo. Ito kasing si Bea ay uuwi na—"
"Iiwan mo ulit ang anak ko?" malungkot niyang tanong sa akin na mas lalong ikinasikip ng dibdib ko.
"T-Tita—"
"Hindi na rin 'Mama' ang tawag mo sa akin," mas malungkot pang sambit niya. "Ang laki ba ng kasalanan ng anak ko para hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon?"
"T-Tita—"
"Hindi ko basta-basta binibigay ang anak ko sa kahit sino na babae," pagputol niya sa akin. "Nagkulang kami sa anak ko. We were so busy with our works. Huli na nang napagtanto ko ang kahalagahan ng anak. Hindi namin siya nabigyan ng pagmamahal na hinagad niya noon pa man. Naging mailap siya at tango na lang palagi ang sinasagot tuwing tinatanong. Kaya pinili kita kasi alam ko na mamahalin mo ang anak ko."
Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ito sinabi sa akin?
Niyakap ni Tita Fely ang kanyang sarili at nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
"Maraming pinagdaanan ang anak ko, hija. Hindi siya nag-open up sa amin. He was rude to everyone. He never shared his problems. Masakit siyang magsalita. It was his way to protect himself..." lumuluha niyang sambit.
Naibaba ko ang tingin ko at humigpit ang hawak ng anak ko sa akin.
"Kung inaakala mo ay ako ang pinakaapektado sa pagkawala ng asawa ko, nagkakamali ka, hija. Kahit pinagkasundo lang naman kami ng asawa ko ay minahal ko rin naman siya kalaunan kasunod no'n ay ang pagmahal ko sa mga anak namin. Si Harry, gusto niya na maging proud ang daddy niya sa kanya. He is very competitive. Kahit hindi sila minsan magkasundo, role model niya ang kanyang daddy. Alam ko na makakaya ko ang sakit na ito, hija...Pero ang anak ko..." Napahagulhol siya kaya dinaluhan na siya ni Manang. "He once lost his treasure. Please save him, Bea," halos pagmamakaawa niya sa akin. "Please save my son. Alam ko na huli na ang lahat para sa akin. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ako naging mabuting ina kaya nagmamakaawa ako sa iyo. Please..."
Nanginig ang labi ko at tumulo ang luha ko.
"Ayokong bumalik ang anak ko sa dati. Ayokong sisihin niya muli ang sarili niya to the point na patayin niya ang sarili niya. He...he lost his sister..."
Umawang ang labi ko at napasinghap.
"Back when they were in high school, my daughter killed herself. She was a victim of bullying and Harry blamed himself.
Nangatog ang binti ko sa nalaman.
"Galit sa akin si Harry, Bea. Galit siya sa akin. Sinisisi niya rin ako kasi wala akong nagawa. Sa kapatid niya lang naramdaman ang tunay na pagmamahal. My eldest, Hera, was very kind, loving, and caring. She treated Harry like her own. Iyon ang pinagsisihan ko sa buhay kasi sila lang dalawa ang nagdadamayan tuwing kami ay nagpaka-busy sa negosyo. At wala akong kaalam-alam na b-in-ully na pala ang anak ko, hija..." Humikbi siya. "When he lost his sister, he also lost his will to live. He was cold and harsh. He was very eager to take over the company. Please save him..."
Halos lumuhod siya sa harapan ko kaya dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.
Si Amer ay nakatayo lang, takang-taka sa nangyayari. Napapikit na lang at halos hindi makahinga sa sikip ng dibdib.
Wala kaming magawa kundi ang mag-stay sa mansyon. Hindi na rin naman kami makakauwi ng anak ko dahil wala na sigurong byahe pabalik sa probinsya sa ganitong oras.
Hanggang sa paghiga ay iniisip ko ang sinabi ni Tita Fely sa akin. Hindi ko akalain na may kapatid pala si Harry. Akala ko ay siya lang mag-isa.
Napailing na lamang ako at niyakap ang sarili.
Hindi niya naman ako mahal kaya bakit ko siya ililigtas? May Ella naman siya. Si Ella ang magliligtas sa kanya at hindi ako.
***
Kinaumagahan ay niyaya ako ni Manang na mag-breakfast. Ang anak ko ay tahimik lang habang pinagmamasdan ang buong bahay. Siguro ay nalula siya dahil sobrang laki at ganda ng bahay.
"Hindi maipagkaila na kamukhang-kamukha siya ni Harry, Bea," ani Manang at bumaling sa akin. "Hanggang ngayon din, hindi pa umaalis sa tabi ng kabaong si Harry. Halos hindi na siya kumakain..."
Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa kanya. Ngunit, baka naman hindi siya nagutom dahil may Ellang nag-aasikaso sa kanya.
"Uuwi na kayo ngayon?" tanong ni Manang sabay lapag ng pinggan sa harapan ko.
"Oo, may pasok din kasi ang anak ko," rason ko.
"Babalik ka ba sa araw ng libing?" umaasang tanong niya.
Matagal bago ako nakasagot. "Hindi ko po alam, eh. Titingnan ko po."
Matapos naming kumain ay bumyahe na kami ng anak ko. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Tita at Harry dahil na rin sa dumami ang nakiramay at wala nang panahon.
Kailangan ko rin kasing bumalik sa trabaho dahil baka wala na kaming makain ng anak ko kapag hindi ako babalik.
"Mama, hindi na po ba babalik si Papa?" tanong ng anak ko habang nasa bus na kami. "Doon na po siya titira?"
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung babalik pa siya. Sa ngayon, kailangan niyang mapag-isa. Iyon lang ang alam ko.
"Hindi ko alam anak, eh," sagot ko at napalunok. "Gusto mo bang kumain ng chicharon?" pag-iiba ko sa usapan.
Napayuko siya. "Mama, gusto ko po makasama si Papa," malungkot niyang sambit.
"Anak..." Napasinghap ako at nahirapan sa sitwasyon namin.
Hindi na lang ako nagsalita at kinagat na lang ang ibabang labi. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Hindi ko naman hawak ang buhay ni Harry kaya hindi ko alam.
***
A/N: Thank you po sa follow and votes! Kung gusto niyo ng dedication, huwag sa comment section magcomment ng username. Sa post ko po sa Facebook.
Facebook account: Mavi WP
BINABASA MO ANG
Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)
RomanceStarted: February 10, 2021 Finished: August 13, 2021