Kabanata 46

87.3K 1.9K 175
                                    

KNOW

Mainit.

Iyon ang nararamdaman ko sa buong katawan ko.

Madilim.

Iyon ang nakikita ng mga mata ko.

Maingay.

Iyon ang mga naririnig ng tainga ko.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong nasa ilalim ng bangin. Lumulutang. Bakit madilim? Patay na ba ako?

Kung patay na ako, ang lungkot kung gano'n. Ang lungkot kasi hindi ko man lang nagawa ang lahat ng gusto kong gawin sa buhay. Palagi kong nililimitan ang sarili ko at ngayong huli na ang lahat, saka naman ako nagsisisi.

"Miss! Naririnig mo ba ako?"

"Pakibilisan! Ilagay agad sa loob ng ambulansya!"

"Miss, naririnig mo ba ako?"

Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Hindi ko maibuka ang mata ko at higit sa lahat, humihina na ang pandinig ko.

"Mama!" iyak ng isang bata.

"Hala, hindi ka puwede rito!"

Anak...

Gusto kong ibuka ang mata ko pero hindi ko kaya.

"Mama!"

Naging malinaw na ang pandinig ko. Maraming tao ang naririnig ko. May tunog ng ambulansya at iba't iba pa. Naaamoy ko na rin ang usok at higit sa lahat ang iyak ng anak ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Magiging maayos ang Mama mo, ha! Magaling kami. Doctor ako at nurse itong kasama ko. Hindi ka kasi puwede sumama."

"Mama ko iyan!"

Amer ...

"Oo naman at pagagalingin namin ang Mama mo kaya huwag ka nang umiyak, ha?"

Unti-unti ay inimulat ko ang mata ko. Hindi pa masyadong klaro pero naririnig ko ang tunog ng bombero.

"Where is she? I am coming with you..."

"Sige po, Sir!"

Nang malinaw na ang tingin ko ay unang bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Harry. Nakita ko ang pamumula ng mata niya habang nagdadalawang-isip na hawakan ako. Nakita ko na nanginginig ang kanyang kamay at napayuko na lamang.

Gusto kong ibuka ang bibig ko ngunit hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang na sinara na ang pinto ng ambulansya.

"Shit, this is all my fault!" narinig kong sambit niya.

Gusto kong sabihin na hindi niya kasalanan ngunit hindi ko talaga magawang ibuka ang bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Nang nakarating kami sa hospital ay agad akong idiniretso sa emergency room. Pilit pang lumapit ni Harry pero pinigilan na siya ng mga nurse. Tumulo ang luha ko at unti-unti ko nang ipinikit ang mata ko dahil na rin sa pagod.

***

Nagising ako na bungad ang maputing kisame. Malawak na private room ng hospital ang napansin ko. Nakita ko rin na may prutas sa gilid ng lamesa at pagtunog ng isang TV.

"Bea..."

Napasinghap ako nang narinig ko ang boses ni Harry. Agad-agad siyang lumapit sa akin nang nakita akong gising. Kita ko na namamaga pa rin ang kanyang mata at tingin ko ay wala siyang tulog.

Binabantayan niya ba ako buong magdamag?

"M-May masakit ba sa iyo? Should I call a nurse?" natataranta niyang tanong sa akin.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon