Kabanata 19

94.4K 2.1K 248
                                    

PUSH AND SLAP

Nag-overtime ako sa work ko dahil bukod sa maraming customers, ayaw ko rin makaharap ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil natatakot ako.

Paano kung seryoso siya sa sinabi niya? Na sasama siya sa Papa niya? Paano naman ako?

"Bea, umuwi ka na lang," ani Oreo nang nadatnan niya akong tulala at inagaw sa akin ang kutsilyo na hawak ko. "Lungkot na lungkot ang mukha mo. Magpahinga ka na dahil mukhang pagod ka."

Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Salamat, Oreo, pero kasi—"

"Ang anak at asawa mo ay nasa restaurant pa rin," pagputol niya sa sinabi ko at inilingan ako. "Mukhang hinihintay ang paglabas mo."

Naibaba ko ang tingin ko sa lamesa.

Bumuntonghininga siya at tinapik ang balikat ko kaya napalingon muli ako sa kanya.

"Ako na rito. Overtime ka na."

Mahina akong tumango at nagtungo na sa stock room. Kinuha ko ang bag roon at hinubad ko na ang apron at hairnet. Huminga ako nang malalim at inayos ang buhok ko.

Kailangan kong magtimpi. Ayokong magalit ngayon. Pagod ako. Sana makisama si Harry dahil ayaw ko rin siyang makausap.

Nang lumabas ako ay nakita ko ang anak ko at si Harry na nakasandal sa kanyang kotse. Natigilan pa ako sa paglalakad ngunit nang nakita ako ni Amer ay nagpatuloy ako.

"Mama!" maligayang tawag sa akin ni Amer sabay turo sa kotse ni Harry. "Mama, mamamasyal daw tayo!"

Napalunok ako at inilipat ang tingin kay Harry na ngayon ay naka-maong at puting T-shirt. Napansin niya ang malalim na paghinga ko kaya kumunot ang noo niya.

"Are you okay?" tanong niya sabay bukas ng kanyang pinto sa front seat. "Are you tired?"

Hindi ko siya pinansin at hinila ang anak ko na siyang ikinagulat niya.

"Mama!"

Kinuyom ko ang kamao ko sa gilid ng damit ko na napansin naman agad ni Harry. Umigting ang kanyang panga at huminga nang malalim.

"If you are tired, we can postpone it. Amer will understand," kalmado niyang sambit.

Umiling ako at mariin siyang tiningnan. "Sige, mamasyal na tayo at bumalik ka na sa inyo pagkatapos."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Bea..."

Nangilid ang luha sa aking mata at sinubukan kong maging kalmado dahil nasa gilid ko ang anak ko.

"Hindi talaga kita kayang pakisamahan, eh." Tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinalis. "Hindi ko alam kung bakit."

"Mama..." Tumingala si Amer sa akin at lumungkot ang mukha niya nang binalingan ko siya. "Why are you crying?"

"Hindi ako umiiyak, anak." Nginitian ko siya. "Pagod lang si Mama sa trabaho."

Nilingon ko si Harry na ngayon ay nakatunganga lang.

"Mamamasyal tayo, hindi ba?" sarkastiko kong tanong kay Harry na ngayon ay tahimik na. "Aalis na tayo."

"We are not going," pagpigil niya sa akin. "Let's talk."

Tumango ako at naglakad na patungo sa backseat at binuksan ko ito para makapasok ang anak ko.

"Sige, mag-usap tayo, Harry." Mariin ko siyang tiningnan. "Gusto kong mag-usap tayo nang malinawan ka."

Inis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at inangat ang anak ko para makaupo siya sa backseat. Sinara ko ang pinto at pumasok na rin sa loob ng kotse niya. May balak pa sana siyang ayusin ang seat belt ko pero pinalo ko ang kamay niya sa inis.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon