Kabanata 18

96.1K 2K 269
                                    

SUMAMA

"Hindi yata maganda ang mood mo ngayon, Bea," sabi ni Jessica sabay siko sa akin.

Naghihiwa ako ngayon ng sibuyas para sa bago naming lulutuin. Medyo marami ang customer ngayon dahil linggo. Marami ang maliligo ng Kawasan falls kaya marami rin ang customer.

"Wala, pagod lang ako," mahina ko na sagot at inilagay kona sa pinggan ang hiniwa ko na sibuyas.

"Pinagod ka ba ng asawa mo?" kinikilig na tanong ni Jessica. "Sino naman ang hindi mapagod sa gano'ng tao. Baka araw-araw ka nang inaararo. Sa postura pa lang, alam ko na malaki."

Napapikit ako at iniwasan na mainis sa kaibigan ko.

"Hindi ko na asawa iyon," pagtanggi ko sabay lipat sa ibang lamesa.

"Sus, kuwento mo nga ay hindi niya ipinasa ang annulment niyo kaya asawa mo pa rin siya," ani Jessica sabay tabi muli sa akin. "Hindi ba puwedeng ibalik ang pag-ibig?"

Napangiwi ako. "Hindi niya naman ako inibig. Hindi mo ba na-gets? Kinuwento ko na sa iyo, hindi ba?"

Humalakhak siya at sa gilid ng mata ko, nakita ko na naghubad siya ng apron. "Oo nga. Medyo harsh nga siyang tao kaya siguro nasa table siya ngayon."

Umawang ang labi ko at gulat siyang binalingan. "Ha?"

Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napaatras ako.

"Gaga! Nandito ang asawa mo!"

Namilog ang mata ko at biglang kinabahan. Matapos ko siyang sabihan ng gano'n kahapon ay hindi na siya umimik. Siyempre medyo nakonsensya ako sa sinabi ko pero wala na, eh, naiputak ko na. Dala lang siguro ng regla ko ang mood na ito at malas niya dahil siya ang nabuntungan ko.

"Hindi mo ba pupuntahan?" takang tanong ni Jessica sabay nguso.

Nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi na."

Marahan niyang tinulak ang balikat ko. "Uy, may LQ siguro ang mag-asawa. Para siyang nawawalang tuta roon. Wala pa siyang order. Mukhang hinihintay kang lumabas."

Umirap ako. "Hayaan mo na iyan!"

"Uy! Mga chismosa! Magsibalikan na kayo sa trabaho niyo. Maraming customer!" saway ni Oreo sa amin at napailing.

Nilingon ito ni Jessica. "Tumahimik ka diyan, Oreo. Iidlip lang, eh."

"Aba, umuwi ka sa inyo! Pero seryoso, mamaya na kay mag-chismisan. Marami tayong customer at baka maubusan tayo ng pagkain, hindi pa tapos mga niluluto niyo," seryoso niyang sambit at iniwan na kami.

"Kailan ba kasi babalik si Tiya Elena?" nakangusong tanong ni Jessica at malungkot na isinuot pabalik ang kanyang apron. "Mas magandang narito siya kasi magiging madali ang trabaho."

Bumuntonghininga ako. "Hindi ko alam. Ang sabi niya ay isang buwan siya doon," ani ko at kumuha na ng karne sa refrigerator at nilagay sa palanggana na may tubig.

***

"Mama!" Kumaway ang anak ko nang nakita akong papalapit sa table nila.

Hindi ko pinansin ang paninitig ni Harry sa akin at nginitian ang anak ko. Tapos na siguro ang school niya kaya narito na naman sila.

"Kumusta ang school, anak?" tanong ko at umupo sa katabing upuan ng anak ko. "Pawis na pawis ka, oh!"

"He was playing with his classmates," sabat ni Harry.

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang face towel na nasa bag ng anak ko.

"Huwag kang masyadong magpawis, Amer. Madali ka pa naman ubuhin," ani ko at pinunasan ko ang kanyang pawis gamit ang towel.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon