Kabanata 39

81.7K 1.6K 270
                                    

PILLS

"Pasensya na, Ma'am! Wala na pong stock ng pills!"

Umawang ang labi ko sa narinig. Bumagsak ang balikat ko at nanlumo.

"S-Sigurado ka ba?" paniniguro ko sabay lunok. "B-Baka naman may isa pa riyan!"

Imposibleng wala, ah! Pangatlong botika na ito, ah! Grabe naman!

Agad na umiling ang babae. "W-Wala talaga, ma'am, eh!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumabas na. Ang init-init pa naman at hindi talaga ako makapaniwala na halos lahat ng pinuntahan ko ay walang pills na stock! Super impossible! Pero baka wala talaga!

Huminga ako nang malalim at halos napairap nang tumawag si Harry. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang umuwi si Tiya Elena. Si Harry ay hindi pa rin bumabalik sa kanila. Hindi niya ako pinapatrabaho dahil mamamasyal daw kami. Pero, iyong pasyal niya ay hindi nangyari dahil palagi na lang niya akong ginagapang pagkatapos niyang ihatid si Amer!

Kaya nag-aalala ako na mabuntis niya ako. Kahit naman sinabi niya na wala siyang intensyon, pero kung araw-araw niya akong ginagapang, imposibleng hindi magbunga!

 Tama muna si Amer. Pero kung wala talagang pills at mabubuntis ako, wala akong magawa kundi tanggapin ang kapalaran ko. Kasalanan ko rin dahil nagpagapang ako.

Inis akong nagbuga ng hangin bago sinagot ang kanyang tawag. Tumakbo ako patungo sa waiting shed at umupo sa may upuan.

"Bakit?" inis kong bungad.

"Where are you?"

"Bakit mo ba tinatanong? Nagpaalam naman ako sa iyo, ah!" At saka ayokong malaman niya na bumili ako 'no?

Narinig ko ang kanyang mahinang tawa sa kabilang linya.

"You didn't tell me the specific place. Gusto kitang puntahan diyan..."

Inis akong nagbuga muli ng hangin. "Akala ko ba lalabhan mo ang mga damit ni Amer! Ikaw na nagsabi at saka babalik agad ako. May bibilhin lang ako!"

"And what is it, hmm?"

Kinilabutan ako sa lambing ng kanyang boses. Nai-imagine ko na agad ang mapang-asar niya na ngiti sa akin.

"B-Basta!" mabilis kong sagot. "Ang dami mo namang tanong, Harry!"

"Why are you so moody, hmm? You are so cute. Don't pout your lips, baby. It's tempting..."

Namilog ang mata ko at naibaba ang phone sa sobrang gulat. Agad akong tumayo at nagpalinga-linga. Bumilis ang tibok ng puso ko nang dumapo ang mata ko sa lalaking hindi kalayuan sa isang shop. Nakasandal siya sa kanyang kotse habang naka-shade. Umawang ang labi ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Inis kong in-off ang tawag at lumapit sa kanya. Umayos siya ng tayo nang nakita ako. Tinanggal niya rin ang suot niyang shade at ngumiti sa akin.

"Good morning, my wife!"

Sinimangutan ko siya. "Bakit ka narito?"

Napasinghap ako nang bigla niyang pinulupot ang kanyang braso sa bewang ko. Halos nabitiwan ko ang tote bag ko dahil sa kanyang ginawa.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"What are you trying to buy, hmm?" Niliitan niya ako ng mata. "Bakit kailangang hindi ako kasama?"

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. "W-Wala ka na roon!"

Humalakhak siya bigla at niluwagan ang pagkahawak sa akin. Ngumuso siya at binalingan niya ang kanyang kotse.

"Let's go," aniya at inilipat niya ang kanyang kamay sa kamay ko.

"H-Huh?" Agad kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya. "M-May bibilhin pa ako!"

Nagtagis ang kanyang bagang dahil sa ginawa ko. Marahas niyang kinuha ang kamay ko at tiningnan ako.

"Let's go!" ulit niya.

"Kailangan ba na naka-holding hands?" iritado kong tanong at inis na iniwakli ulit ang kanyang kamay.

Sinamaan niya ako ng tingin at kinuha muli ang kamay ko. "We are a couple! And I want to hold your hand. Bawal ba?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Simula nang bumalik siya sa akin ay naoobserbahan ko na ang pagbabago niya. From being a rude person to a sweet person. Wow, nice transition! Sa sobrang ganda ng transition, halos pagdududahan ko na ang kanyang mga galaw!

"Sabi mo magbabakasyon tayo!" pagmamaktol ko habang binubuksan niya ang pinto ng front seat. "Eh, hanggang kama lang naman ang destinasyon natin, eh! Kung sana hindi mo na lang ako pinaasa sa bakasyon mo, nagtrabaho na lang sana ako!"

Bumuntonghininga siya at binalingan ako gamit ang kanyang seryosong mata. "Bea, to be honest, you really don't need to go to work. I can provide for us. I can provide for our family."

Napalunok ako at mas lalo lang lumakas ang pagtambol ng puso ko. Tumikhim ako at pumasok na lamang sa loob ng kanyang kotse.

Kailangan ko sigurong bumili sa ibang bayan. Baka sakaling may pills. Pero kailangan pa ba iyon?

***

"Seryoso ka ba talaga, Harry?" naitanong ko habang nasa sasakyan kami.

"If you are talking about us, then I am serious," seryoso niyang sambit habang ang tingin ay nasa daan. Napansin ko ang higpit ng pagkahawak niya sa manibela.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. "Hindi. Tungkol sa pagtatayo mo ng bahay para kay Tiya Elena..."

"Oh!" Saglit niya akong binalingan. "Yup. I already bought a land at patatayuan ko siya ng bahay next week. Napansin ko rin kasi na luma na ang bahay ni Manang at gusto kong makabawi. You know, way ko iyon para pasalamatan siya. She was there when you were at your lowest and hardest time, Bea."

Umawang ang labi ko.

"At nasira ang gripo..." Humagikhik siya sabay ngisi sa akin. "I should thank that faucet too..."

Napasinghap ako at hinampas ang kanyang braso.

"Ouch!" reklamo niya.

"Ang landi-landi mo talaga!" inis kong singhal.

"What?" inosente niyang tanong sa akin. "It's normal for us because we are married. We can make love anytime, baby..."

At anytime, mabubuntis ako kapag hindi ako maka-inom ng pills.

Hindi na lamang ako sumagot at pumikit na lang.

***

"Mama, ang sabi ni Papa ay mag-impake raw tayo kasi aalis tayo..."

Kumunot ang noo ko at binalingan ang anak ko. Masayang mukha ni Amer ang bumungad sa akin paglingon ko. Dala-dala niya ang laruan niya at may lollipop pa sa bibig niya.

"Saan naman?"

"Hindi ko po alam, Mama!"

Bumuntonghininga ako. "Sige, saglit lang..."

Sinilip ko ang phone ko at naisipan ko na buksan ang Facebook ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagbukas dahil naging busy na rin ako sa life.

Napangiti ako nang bumungad sa akin ang mga successful na mga ka-batch ko noon. Most of them are married and they have a nice life. Hindi sila naghihirap at ang kanilang timeline ay napupuno ng mga pag-flex ng kanilang lugar na pinuntahan.

Pinindot ko ang heart react at saka nag-scroll. Nasa sala ako ngayon naka-upo sa bagong bili na sofa. Si Harry ay nasa labas, may katawagan. Si Amer ay nasa gilid ko pa rin, hinihintay ang paggalaw ko.

Kumunot ang noo ko at natigil sa pag-scroll nang mahagip ng tingin ko ang pangalan ni Ella. Bakit siya nasa news feed ko? Friends kami?

Umawang ang labi ko sa kanyang status.

"I will not let anyone take you away from me."

Sinilip ko ang kanyang profile at friends nga kami. Ngayon ko lang nalaman. Nag-random confirm ba ako noon? Kinagat ko ang ibabang labi ko at agad siyang b-in-lock. Ayokong makita ang pagmumukha ng kahit sinong babae ni Harry.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon