Kabanata 45

81.4K 1.5K 162
                                    

PLEASE

Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon. Bigla, takot, lito at kaba. Nasusunog na ang bahay ngunit narito ako sa kwarto, kasama si Ella. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Ella! Masusunog ang bahay!" singhal ko.

Iniisip ko pa rin na hindi niya kayang manakit ng tao kaya kahit ginawa niya ito, iniisip ko pa rin na may kabutihan sa katawan ang babaeng ito.

"I don't care." At biglang umilaw ang buong kwarto.

Umawang ang labi ko nang nakita ko si Ella na may dalang lubid at sa gilid niya ay isang gallon ng gas. Umawang ang labi ko at mas lalong kinabahan.

"Props lang iyong nakita mo kanina," aniya sabay ngisi. "Hindi pa masusunog ang bahay mo."

"Hayop ka!" sigaw ko sabay tayo.

 Akmang hihilain ko ang buhok niya ngunit bigla niyang pinatid ang paa ko kaya napahiga muli ako sa sahig. Hindi pa man ako nakabawi ay agad siyang umupo at saka hinila ang buhok ko. Napasinghap ako sa kanyang ginawa.

Galit ang nakikita ko sa mata ni Ella.

"Kailangan mong mawala sa mundong ito para mahalin ulit ako ni Harry!" sigaw niya.

"Nababaliw ka na ba?" sigaw ko pero agad napatili sa sakit nang mas lalo niyang nilakasan ang paghila sa buhok ko.

"Baliw na kung baliw! Pero hindi ko hahayaan na mabuhay ang mga taong paepal sa plano ko," sigaw niya at ngumisi kalaunan. "Kapag namatay ka, makaka-move on din si  Harry. Don't worry. I will take good care of your kid. Magiging mabuting asawa ako ni Harry at ina ng anak mo."

Tumulo ang luha sa mata ko.

"B-Bakit mo ito ginagawa? W-Wala naman akong ginawang masama sa iyo, ah?" Nanginig ang boses ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at saka pinaharap sa kanya.

"Tutal ay mamamatay ka na rin naman. Sasabihin ko na lang sa iyo ang lahat. Pakikumusta ako sa paepal na kapatid ni Harry sa impyerno, ha?"

Namilog ang mata ko. "A-Ano ang ibig mong sabihin?"

Ngumisi siya sa akin at saka binitiwan ang mukha ko. "Alam mo na, right? Kaya ang lakas ng loob mo na gano'n gano'nin ako dahil alam mo na ako ang pumatay sa kapatid ni Harry."

Umawang ang labi ko at biglang kinilabutan. Hindi ko alam na siya ang pumatay sa kapatid ni Harry. Inamin niya talaga sa harapan ko.

Natawa siya nang nakita ang reaksyon. "Gulat ka ba? Depress na kasi ang babaeng iyon kaya tinuluyan ko na." She grinned. "Paepal kasi ang babaeng iyon. Kaibigan niya raw ako pero ayaw niya sa akin para sa kapatid niya."

Tuluyan nang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masakit sa akin na malaman na hindi nagpakamatay ang kapatid ni Harry. Pinatay siya at ex-girlfriend pa ni Harry ang gumawa.

"At matalino ako, Bea Samantha. Malaya ako at walang nakakaalam na ako ang gumawa kasi ang pera ang gumawa ng paraan. I fabricated the autopsy report!" Humalakhak siya. "Ako ang nagsulat at ginaya ang sulat-kamay niya! Sinira ko ang record ng CCTV. Ginawa ko ang lahat para makita na suicide ang nangyari!"

Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig.

"Kita mo ang lubid na ito?" Inangat niya ang lubid. "Ito ang dahilan ng pagkamatay niya. At katulad lang din sa kanya, mamamatay ka rin gamit ang lubid na ito."

Kinuyom ko ang kamao ko at kahit masakit ang ibang parte ng katawan ko ay tumayo ako at sinubukan siyang lapitan.

"Hayop ka! Baliw ka!" sigaw ko at nang nahila ko ang buhok niya ay hindi ko ito binitiwan.

"Aray!" sigaw niya at saka hinila niya rin ang buhok ko at itinulak patungo sa pader at paulit-ulit na pinokpok ko ang ulo ko roon.

Para akong naubusan ng hininga dahil sa kanyang ginawa. Umikot na rin ang mundo ko at parang wala na akong nakita dahil sa kanyang ginawa. Nang binitiwan niya ako ay napaupo ako sa sahig.

"Hoy, mga tanga! Isaboy niyo na ang gas sa buong bahay!" narinig kong sigaw ni Ella. "Lumalaban ka pa, ah! Huwag kang mag-alala, magkikita naman tayo sa impyerno. Mauuna ka na muna."

Iyon lang ang narinig ko bago niya ako sabuyan ng gas sa buong katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina. Naramdaman ko ang lubid na inilagay niya sa aking leeg.

Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha sa aking mata. Hindi ko akalain na ganito ang sasapitin ko. Walang masyadong tao sa mga kapitbahay ko kaya malamang walang makakatulong sa akin dito.

"Mamamatay ka katulad lang din ng paepal na kapatid ni Harry. Bago lang ito sa iyo kasi may apoy. Ginawa kong aesthetic ang pagkamatay mo kasi deserve mo rin naman ng pasosyal na kamatayan," aniya at saka tumawa.

Hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko dahil sa panghihina. Ang tanging ginawa ko na lang ay ang umiyak.

Anak...

Amer...

"Jusko, ang gwapo naman ng sanggol na ito!" puri ni Tiya Elena habang kinakarga ang bagong silang na si Amer.

Mahina akong napangiti at saka nag-iwas ng tingin.

"Ano ba ang ipapangalan mo rito, hija? May naisip ka na ba?" tanong ni Tiya at bahagyang inilapit sa akin ang anak ko.

Ngumiti ako at saka pinagmasdan ang anak ko. Hindi maipagkaila na anak siya ni Harry. Halos kay Harry namana ang lahat.

"A-Amer," naisambit ko na lang. "Amer David."

Napangiti na lamang ako habang umiiyak. Amer...Hindi ko akalain na iyon na pala ang huling yakap ko sa iyo. Kung sana...kung sana hindi lang ganito ang buhay natin. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin. Bakit ba ito nangyayari sa atin?

"Oh, may naalala ka ba?" si Ella at saka umupo sa tapat ko. "Huwag kang mag-alala. Sigurado naman ako na hindi ka makakalimutan ni Harry."

"N-Naalala ko lang ang anak ko," mahina kong sabi habang lumuluha.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ella. "Huwag kang mag-alala, magiging mabuti akong ina sa anak mo, Bea Samantha. Sa oras na mawala ka sa mundong ito, magiging masaya na ang lahat."

Kinagat ko na lang ang labi ko at saka nagpatuloy na lang sa pag-iyak. Ang hina-hina ko. Hinayaan ko na lang na maging ganito ang lahat. Hindi man lang ako lumaban.

"Ang boring mo talaga, Bea! Bakit ka kaya nagustuhan ni Harry?" Iyon ang huling narinig ko kay Ella bago niya ako iniwan mag-isa sa kwarto.

Sobrang hina ko na pero amoy na amoy ko na ang apoy. Natatakot ako na mamatay. Ayoko pang mamatay pero may magagawa pa ba ako? Palaki na nang palaki ang apoy at hindi na ako makahinga dahil sa usok.

"H-Harry..." bulong ko at napangiti. "Mahal na mahal kita. P-Pasensya na. Mukhang hindi ko na maranasan ang pagmamahal mo..."

Sumikip ang dibdib ko dahil sa naamoy ko na usok. Basang-basa na ang damit ko dahil sa pagsaboy sa akin ng gas ni Ella at hindi pa ako makalayo dahil may lubid na nakatali sa leeg ko.

Kapag makarating na ang apoy sa kwarto ko, sigurado akong masusunog ako.

Marami pa akong gustong gawin sa mundong ito, pero may mga tao talaga na ayaw tayo maging masaya. May mga tao na gusto tayo maging miserable.

Sa sobrang panghihina ko ay unti-unti ko nang ipinikit ang aking mata. Hinahabol ko na ang aking hininga at baka sa oras na ito, wala na ako sa mundong ito.

Kahit imposible...Kahit sobrang impossible. Please ilabas niyo ako sa impyernong ito. Sinubukan kong idilat ang mata ko ngunit hindi ko na kaya.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon