MAG-ARAL
Ilang linggo na ang nakalipas at hindi na muli nagparamdam si Harry. Narinig ko na lang na siya na talaga ang nag-take over sa kompanya na ang daddy niya noon ang namamahala.
Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa anak ko sa tuwing nagtatanong siya kaya minsan nagsisinungaling ako.
"M-May trabaho kasi ang Papa mo, anak, kaya hindi siya makauuwi rito," agad kong sagot sa anak ko nang nagtanong siya ulit.
"Mama, baka hindi na tayo love ni Papa kaya gano'n!" pagalit niyang sinabi sabay patid sa mga bato na aming nadaanan. "Huwag na siyang bumalik, Mama!"
Napasinghap ako at kumirot ang puso ko dahil sa narinig mula sa anak ko. Siguro ay na-realize na rin ni Harry na hindi worth it ang pagpunta niya rito dahil hindi naman bagay sa kanya ang lugar na ito.
Bumuntonghininga na lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay.
***
Kinabukasan ay hinatid ko nakabusangot ko na anak sa kanyang school. Bumalik na naman siya sa pagiging masungit simula nang hindi bumalik si Harry. Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa anak ko.
"Anak, smile ka naman," ani ko at nagbaba ng tingin sa kanya. "Magiging sad ako kapag sad ka rin."
Ngumuso siya at mukhang naiiyak na. Tinuro niya ang isa niyang kaklase na kasama ang mga magulang.
"Mama, bakit po ang kaklase ko ay kasama niya palagi ang Mama at Papa niya? Bakit kayo hindi? Bakit si Papa hindi?" naiiyak niyang sinabi at nadungisan pa ang kanyang uniporme.
Tuluyan na akong naupo upang mag-level ang aming paningin. Sinapo ko ang kanyang mukha at pinalis ang luha sa kanyang mata.
"A-Anak, pasensya na kasi may trabahao si Mama..." Mariin na kinagat ko ang ibabang labi. "P-Para rin naman ito sa iyo. Para makabili na ako ng bagong laruan mo, mga damit mo. At saka ang papa mo, m-may trabaho rin."
Hinaplos ko ang namamasang pisngi ng anak ko at humugot ng malalim na hininga.
"G-Gagawa ng paraan si Mama para makausap mo muli ang Papa m-mo, ha?" Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. Niyakap ko siya nang mahigpit pagkatapos. "K-Kahit mahirap para sa akin, kung para sa iyo, gagawin ko."
Kahit magmamakaawa pa ako ng kaunting oras niya para sa anak ko, kahit iyon lang. Hindi na rin naman ako umaasa sa kanya. Kung sila nga nila Ella, sana tatanggapin ni Ella ang anak ko. Kapag tanggap niya, mapapanatag na ang loob ko.
***
"Tamlay mo ngayon, ah!" Siniko ako ni Jessica.
"May bumasag ba sa heart mo, girl?" maarteng tanong ni Erika na ngayon ko lang ulit nakita. "Para ka kasing walang ganda diyan at baka maapektuhan iyang niluluto mo."
Umirap si Jessica sabay baling kay Erika. "Porket matamlay ay may bumasag na, eh, kung basagin ko kaya ang mukha mo riyan. Kanina pa nasa lamesa iyang ibibigay mo sa customer mo, hindi mo pa ginawa!"
Mas lalong umirap si Erika. "Feeling savage ka, girl. Wala ka namang cleavage."
Umawang ang labi ko at umusok na ang tainga ni Jessica sa narinig.
"Aba't—Hindi required ang malaking putahi sa pagluluto! Gaga ka, restaurant ito, hindi bar!" inis na sambit ni Jessica at padabog na inayos ang kanyang apron.
Nagtawanan ang mga kasamahan ko dahil sa bangayan ng dalawa. Napailing na lamang ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
"Hindi ko man lang malandi-landi si Oliver nang dahil sa babaeng iyon! Tangina, kinalmot ba naman ako!" pagkuwento ni Erika at kinuha na ang tray. "Bakit ba kasi nagpatira ng dogs si Oliver? Hindi ko tuloy siya malandi!"
Humagikhik si Jessica nang nakalayo na si Erika. "Ang feeling talaga ni Erika. Akala niya naman ay papatulan siya ni Oliver."
Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita.
Nang matapos ang trabaho ko ay dumiretso na ako sa bahay. Si Amer ay sumama na sa pag-uwi sa pamangkin sa pamangkin ni Tiya Elena. Mabuti naman dahil matatagalan pa naman ako minsan.
"Mama, ayoko na po mag-aral. Sasama na ako sa iyo palagi," desisyon ng anak ko habang nakasimangot. "Wala pong silbi ang three stars kung hindi naman kita makikita!"
Naibaba ko ang bag ko at agad lumapit sa anak ko. Tumabi ako sa kanya at hindi makapaniwala siyang tiningnan.
"Anak..." Nalukot ang mukha ko. "Hindi puwede."
"Mama, ayoko na mag-aral!" sigaw niya na ikinagulat ko. Nakita ko rin na nagulat siya kaya tuluyan na siyang umiyak at niyakap ako. "Sorry, Mama! Ayoko na po mag-aral! Sama na lang ako sa inyo..."
Sumikip ang dibdib ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang epekto sa hindi pagparamdam ni Harry. Hindi ko alam na sobrang attach na pala siya sa ama niya nang hindi ko namalayan. Marami na siguro silang bonding habang wala ako.
Hinawakan ko ang balikat ng anak at kinalas ko ang pagkayakap niya sa akin. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mukha niya na basang-basa.
"Sisiguraduhin ko na babalik ang Papa mo...basta huwag ka na iiyak anak..." Nanginig ang boses ko. "Gagawin ko ang lahat makausap mo lang siya ulit."
Nagpatuloy pa rin sa pag-iyak ang anak ko at niyakap ako ulit. Dinama ko ang kanyang iyak at ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya. Mahirap. Hindi ko alam ang gagawin ko para para pabalikin dito si Harry. Ako naman ito palaging nagtaboy sa kanya paalis sa buhay ko pero ngayon...
Hindi siya gaano kadali dahil una pa lang ay tinaboy ko na siya. Parang kinain ko na ngayon ang mga katagang ibinato ko sa kanya noon.
Kailangan pala namin siya. Kailangan siya ng anak ko. Kaya susubukan ko ng isang beses at kapag ang isang beses na iyon ay hindi magiging tagumpay, tuluyan ko nang puputulin ang koneksyon namin sa kanya. Ayokong masaktan ang anak ko.
Huminga na lamang ako nang malalim at pinalis ang luha na tumulo sa aking mata.
BINABASA MO ANG
Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)
Lãng mạnStarted: February 10, 2021 Finished: August 13, 2021