Kabanata 43

81.1K 1.6K 101
                                    

ISANG GABI

Guminhawa ang buhay ko nang umalis si Ella. Pero hindi porket gano'n nga, bati na kami ni Harry. Hangga't hindi niya napatunayan na hindi siya ang ama o hindi buntis si Ella ay hindi ko muna siya papansinin. Kahit hindi man halata sa kinilos ko, nasaktan pa rin ako.

Nasaktan na ako noon, lumayo pa nga upang magbagong buhay. Kung gagawin ko ulit ngayon, walang magbabago sa buhay ko. Kung tatakbuhan ko na lang ang lahat, isa pa rin akong talunan.

Suspicious din sa akin ang mga kinikilos ni Ella kapag binabanggit ko ang kapatid ni Harry. Pilit kong iwala sa isip ko ngunit hindi mawala.Ang ending, hindi ako nakatulog nang maayos.

***

"Bea, hija," si Tita Fely. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, ha? Pero maniwala ka sa kanya. Matagal na silang hiwalay ni Ella."

Kami lang ang narito sa sala habang tulog pa sina Harry at Amer. Napansin ko na bumalik na sa dati si Tita pero alam ko na nangungulila pa rin siya sa asawa na. Masyadong biglaan ang lahat at tingin ko hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang asawa niya.

Hindi ako sumagot at sumimsim na lamang sa kape. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Alam kong wala na sila ni Ella pero hindi pa rin ako mapapanatag.

"Bea," si Tita at saka ibinaba niya ang kanyang tasa. "Alam kong masakit sa iyo ang magtiwala ulit, pero paniwalaan mo ang anak ko. Hmm?"

Sumikip ang dibdib ko.

"Tita, bakit nasa buhay niyo pa rin si Ella hanggang ngayon?" tanong ko at tiningnan siya. "Pasensya na rin po. Ngunit hangga't narito ang babaeng nagpapababa sa akin nang husto, hindi ako mapapanatag. Sana naiintindihan niyo rin ako. Hiniwalayan ko si Harry dati dahil na rin sa gusto ni Harry. Sinunod ko ang gusto niya pero hindi niya pinasa ang papel na iyon."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Binigyan ko siya ng pagkakataon dahil tingin ko...tingin ko naman deserve niya naman." Pumiyok ang boses ko. "P-Pero k-kung totoo ngang nabuntis niya si Ella, h-hindi ko na alam ang gagawin ko."

Diniinan ko ang pagkagat sa labi ko dahil ayokong umiyak sa harap niya.

Lumunok ako. "K-Kung hihiwalayan ko siya para sa nabuntis niya, magsasaya naman si Ella dahil iyon ang gusto niya. Masasaktan naman ang anak ko at kakamuhian siguro ako kapag ginawa ko iyon. K-Kung hindi ko naman iyon gagawin, habang buhay kami pepestehin ni Ella. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ayaw niyang umalis! Bakit ayaw niyang lubayan si Harry?"

Natahimik si Tita. Kinurap-kurap ko na lang ang mata ko at saka inubos na ang kape.

Akmang magsasalita na sana muli ako nang biglang tumunog ang phone ko. Ngumiti ako kay Tita at saka sinilip ang phone.

Umawang ang labi ko nang nakita na si Tiya Elena ang tumawag. Binalingan ko muli si Tita at saka inangat ang phone ko.

"Sasagutin ko po muna ito," ani ko sabay tayo.

Tumango lang siya sa akin at saka sumimsim muli sa kanyang kape. Bumuga ako ng hangin at saka nagtungo sa porch. Ngumuso ako bago ko sinagot ang tawag ni Tiya Elena.

"Hello," sagot ko at umupo sa upuan malapit sa may pinto.

"Bea, Hija? Hindi ka ba busy?" agad na bungad sa akin ni Tiya Elena.

Kinagat ko ang labi ko. "Hindi naman po. Bakit po? May problema po ba?"

"Pasensya ka na, ah. Alam kong nagbabakasyon kayong mag-asawa pero kasi nangangailangan ng ilang tao ang restaurant kasi darating ang boss. Baka naman puwede kang umuwi rito, hija. Isang gabi lang naman."

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon