Prologue

77 9 4
                                    

TW: SELF HARM

"Wala ka talagang kwenta pag aaral na lamang ng mabuti ay di mo pa magawa walang wala ka talaga sa ate mo!!" galit na sigaw sakin ni Daddy.

Alam ko naman na wala akong kwenta sa tingin nila at wala akong laban kay ate, alam ko naman yon ngunit masakit pala talaga marinig to sa mismo kong ama. Sobrang sakit.

Iniyuko ko na lamang ang ulo ko, at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw ko ng sumagot sa kanya dahil alam ko na hindi matatapos ito. Gusto ko lang kumain ng payapa.

"Aba aba Vie wag mo ako binabastos bata ka! Kanino ba to nagmana ng kabastusan? Kinakausap kita at wala kang ginawa kundi hindi ako pansinin!" Sigaw na naman niya.

Muli hindi ko siya pinansin kahit gustong gusto ko ng magsalita, pero pinigilan ko ang sarili ko ayaw ko ng palalain to.

"Talaga to! hindi ka talaga magsasalita haa?!!!" Galit na galit na sigaw niya sa akin, ibinato nya pa ang baso kaya napaangat ako ng tingin dahil sa tunog ng pagkabasag nito.

Napabuntong hininga ako at nagpasyang sumagot na, maybe he will stop shouting and we will have a peaceful dinner.

"Gagawin ko po ang lahat sa susunod, daddy." Tahimik na sabi ko

"Aba dapat lang hindi ka tumulad sa ate mo sobrang talino, masipag, magalang at may magandang plano sa buhay samantalang ikaw wala, bwisit ka sa buhay namin."diretso niyang sabi na parang hindi siya nasasaktan sa kanyang mga sinasabi sa sarili niyang anak.

Di ko na napigilan ang sarili ko, sobrang nasasaktan ako gusto kong humingi ng tulong kay mommy pero hayun siya at tahimik na nakikinig na parang wala lang ang sinasabi ni daddy sakin, hindi man lang niya pinipigilan.

"Can't you see dad? Kumakain tayo dito oh pwede po bang pagkatapos nalang yung sermon ny-"

Di ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad siyang tumayo at lumapit sakin at sinampal ako ng sobrang lakas.

"Wala ka talagang galang, wala kang modong bata ka! Bakit kase hindi pa ikaw ang namatay at hindi ang ate mo!" Galit na galit na sabi niya, sa sobrang galit niya ay namumula na ang kanyang mukha.

Hindi ko na talaga sila maintindihan kapag hindi ako sumasagot sa kanila at piniling manahimik na lamang ay wala akong galang, kapag sumagot naman ako magagalit pa din sila at wala padin akong galang. Nakakapagod kayo intindihin sa totoo lang.

"Honey, stop that's enough, pagpapahinto at pagpapahinahon niya kay daddy, at saka ito bumaling saakin "Vie, go to your room now, sumusobra ka na!" mariing sabi niya.

Akala ko ipagtatanggol na ako this time ni mommy pero hindi, sumusobra pa pala ako. Agad akong kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko at mabilis na nilock ang pinto.

Nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, dahil ayaw kong umiyak sa harapan nila, dahil alam kong hindi nila kayang pagaanin yung loob ko sa halip sasabihan pa nila ako ng kung ano ano.

Sana nga Daddy ako nalang yung nawala, mas pipiliin kong mawala sa mundong ito. Buhay nga ako pero araw araw akong pinapatay ng mga salita nyo
Bumabaon, tumatagos hindi ko makalimutan, hindi mawala yung sakit. Bakit ba ganito yung buhay ko? O buhay pa ba ito?

Hindi ako makakalma, iyak pa din ako ng iyak sobrang hirap kumalma. Gusto nila gawin ko na, parang may nagsusuksok sa isipan ko na iyon lamang ang magpapakalma sakin.

Dahil tama, ito lang ang magpapakalma sakin, makakapagpatigil ng lahat ng sakit, Sa wakas, magiging payapa na din yung pakiramdam ko.

Agad kong hinanap yung blade sa drawer at agad ko naman itong nakita, nagtungo ako sa banyo at nanginginig na binuksan ito.

Kahit isa lang basta malalim, and I cut it deeply in my wrist. At nagulat ako dahil sobrang daming dugo ang dumadaloy sa braso ko, agad ko itong hinugasan at nakaramdam ng hapdi, sobrang hapdi. Nagawa ko nanaman ng hindi ko namamalayan, pero bakit hindi pa din ako nawala.

Nakaramdam ako ng kaunting hilo ngunit agad kong ginamot ito, hindi na ako nahihirapan sa paggagamot nito dahil sanay na ako.

Hurting myself physically is my escape. Everytime I cut my wrist I felt at ease and my problems disappear for the moment.

It's 1 o'clock in the morning and I can't sleep, I'm too occupied with things running in my mind. I tried to sleep but I can't. And later on, I have a idea pop on my mind.

Dali dali akong kumuha ng hoodie at sinuot ito, hindi ako gagamit ng kotse dahil hassle lang, baka iyon pa ang dahilan na mahuli ako nina mommy, naglalakad lang ako palagi papunta don dahil masaya maglakad lakad ngayon dahil tahimik at payapa na ang paligid, at masarap damhin ang hangin tuwing ganito ang oras.

Ilang minuto ako naglakad patungo doon. Ilang sandali lamang ay nakarating na ako.

I finally felt at peace again when I saw the sight of this beautiful place, white sands, big waves, dark sky, bright moon, and shining stars.

This place is my comfort zone, others said that the best comfort zone is our home, but I'm not agree on that, my own home literally like hell.

I was enjoying the moment until I heard someone sigh.

Awtomatikong lumingon ang aking ulo sa pinanggalingan ng ingay, and that I saw the image of a man handsomely sitting on the sand staring intently in the sky with those sad eyes.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig lamang sa kanya, marahil nagtataka lamang ako kung bakit andito siya at alam niya din ang lugar na ito. Halatang may problema ito dahil sa kanyang itsura ngunit nangingibabaw pa din ang kanyang kagwapuhan.

"Masyado ba akong gwapo miss, para titigan mo ng mahigit sampung minuto?" mayabang na sabi niya sakin.

Agad kumalabog ang puso ko sa bigla niyang pagsasalita. Lalo na nung magtama ang mata naming dalawa sa ilalim ng nagkikinangang mga bituin at maliwanag na buwan.


















Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now