Tahimik na nakaupo lang kami ni Zyaire sa palagi naming pinepwestuhan.
"Birthday ni Mommy ngayon" sabi ko sa kanya sa gitna ng katahimikan.
Napatingin siya sakin tila nag aabang ng sasabihin ko.
"Nagbigay ako sa kanya ng gift kaso ipinamigay niya kasi madami nanaman non sa bahay" peke akong natawa.
Nakita kong dumilim ang kanyang ekspresyon.
"Hindi ba pwedeng tanggapin niya yung regalo ko kahit kunwari lang" sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.
"Hindi ba pwedeng tanggapin nila ako?" bulong ko habang nakatingin sa kalangitan.
"Alam mo naiinis ako kasi bakit ganyan sila sayo, sobrang naiinis ako kasi wala akong magawa" tila galit niyang sabi.
"No, don't stress yourself ng dahil lang sakin" sabi ko sa kanya.
"Masisisi mo ba ako?" sabi niya at biglang tumayo at naglakad patungo sa kanyang motor.
Nakita kong pabalik na siya at may dala dalang gitara. Naupo muli siya sa tabi ko.
"You can play?" tanong ko.
"Yes" sagot niya.
So maalam din siya mag gitara. Namiss ko tuloy gumamit kaso nakakahiya naman manghiram kasi baka limot ko na kung paano gamitin.
Napatingin ako sa kanya nang nagsimula siyang mag strum.
"You with the sad eyes
Don't be discouraged, oh I realize
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
The darkness inside you
Can make you feel so small"
Damn.
Sobrang ganda ng boses niya para akong nakalutang sa lamig nito.
"Show me a smile then
Don't be unhappy
Can't remember when
I last saw you laughing"
Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa kanyang dalawang matang nakatingin ng diretso sa akin habang kumakanta.
"This world makes you crazy
And you've taken all you can bear
Just call me up
'Cause I will always be there"
Ngunit may kung ano sa kanya kaya hindi ko napigilan ang sariling tumingin at damhin ang bawat lirikong binabanggit niya na pakiramdam ko ay para sakin talaga."And I see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So don't be afraid to let them show"
Pinakinggan kong mabuti ang kanyang pagkanta hindi inalintana ang bilis ng tibok ng aking puso.
"Your true colors
True colors are beautiful
Like a rainbow""Ayos ba?"napabalikwas ako mula sa aking pagkatulala sa kanya.
"Uh pwede na" sagot ko.
"Alam mo gusto ko na ngang itigil kanina e" natatawa niyang sabi.
"Huh bakit?"
"Nakakadistract yung titig mo"
"Ako tumitig sayo? Ang assuming mo talaga"
"Hindi masamang umamin minsan miss" natatawa niyang sabi.
"Wala namang aaminin"
"Sige sabi mo yan ha" nakangisi niyang sabi na inirapan ko naman.
"Gusto mo bang turuan kita mag gitara?" tanong niya bigla.
"Hindi na, maalam naman ako before di ko lang alam kung hanggang ngayon" sagot ko.
"Woah! Maalam ka pala e, sample nga oh!"
"Ayoko, next time na lang"
"Sige, antayin ko yang next time mo ha"
Tumango ako sa kanya, try ko uli mag practice pag may time ako.
"May atraso ka nga pala sakin" sabi ko ng may naalala.
"Ano naman yon?" natatawa niyang sabi.
"Hindi ka naman talaga nakitext, kinuha mo yung number ko"
"Hindi mo naman kasi ibibigay sakin pag hiningi ko"
"E bat mo ba hihingin kasi?"
"Wala lang gusto ko lang"
"Ganon ba yon porke gusto mo?" tanong ko.
"Yes, if I want something I will do anything to get it"
"What if I want to be happy?" bulong ko.
Madami akong gusto mangyari pero bakit kahit anong gawin ko hindi ko makuha.
Sobrang unfair lang talaga ng mundo.
"Let me do it for you"
"What?"
"Hayaan mong ako ang magpasaya sayo" seryosong saad niya.
Hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi niya.
"B-bakit mo naman g-gagawin yon?" nauutal kong tanong.
"Miss, you deserve to be happy, you deserve everything"
He's always like this.
He always make me feel special.
And I'm starting to love that feeling.
"U-uhm di ka pa ba uuwi?" pag-iiba ko ng usapan.
"Maya maya pa miss, uuwi ka na ba?"
"Hindi pa naman"
Maliwanag ang paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan dagdag pa ang sa mga nagkikinangang mga bituin.
"Aray!" nagulat ako sa sigaw ng kalapit ko.
"What happened?" tanong ko.
"There's something wrong with my eyes" sabi niya habang kinukusot ang kanyang mata.
"Come closer, hipan ko"
Lumapit naman siya at itinigil ang pagkusot at hihipan ko na sana ngunit..
"I can't take them off u" nakangising sabi niya.
Nahampas ko tuloy ang mukha niya ng kamay ko.
"Aray! Miss totoo na napuwing na talaga ako may buhangin ata yung kamay mo"
"Hala oo nga, Ayan kase ang napapala mo sa kacornyhan mo" natatawa kong sabi.
Hindi ko mahipanhipan ang mata niya dahil natatawa pa din ako.
Napatigil ako sa pagtawa ng makita ko siyang nakangiti habang nakatingin sakin.
"Why? Anong nginingiti ngiti mo dyan?"
He gave me a warm smile. "Ang ganda mo"