Nagising ako sa alarm ko dahil isinet ko nga pala ito ng 5:00 am para may time pa ako para mag review.
Kahit ilang beses ko na binasa ng mabuti at ni review hindi parin ako kuntento kase feeling ko makakalimutan ko. Hindi naman kase ako sobrang galing mag memorize, at hindi rin ako ako sobrang talino. Kaya pahirapan talaga kapag may inaaral ako.
Pagkatapos ko magreview ay agad akong nag prepare ng sarili ko.
Natapos ako ng 6:30 am masyado pang maaga kapag papasok na ako dahil ang oras ng pasok namin ay 8 am.
Hindi pa pala ako nakain, sa school nalang ako kakain, wala naman masyadong tao don pag ganitong oras.
Tama lang pala na umalis na ako ngayon baka maabutan ko pa sina mommy at daddy kapag mamaya pa ako umalis.
Baka mawala ako sa mood sa pagsagot sa exam namin mamaya kapag may narinig ako ngayon kay mommy at daddy.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at sinilip ang kusina kung nandon ba sina mommy at daddy. At buti naman wala sila, dali dali akong bumaba at palabas na sana ako kaso may narinig akong nagsalita.
"Ano ba iha at dali dali ka? Hindi ka pa kumakain ikaw ay papasok na agad?" tanong ni manang.
Nakahinga ako ng maluwag dahil si manang lang pala yon.
"Ahh manang sa school nalang po ako kakain, kase po madami po kami gagawin ngayon at may exam pa po kami kaya aagahan ko po." paliwanag ko kay manang.
"Ah ganon ba? Sigurado ka bang doon ka na kakain?" tanong muli niya.
"Opo manang kakain po talaga ako sa school, pakisabi nalang po kina mommy kapag po tinanong nila ako sainyo." pakisuyo ko.
"Oo iha, babanggitin ko mamaya sa mommy at daddy mo, sige na tumulak kana mabuti naman at maagang nag andar si Kanor maihahatid ka niya kaso'y hindi pa ata nag aagahan yon, mag ingat kayo iha." paalam niya.
"Sige po manang salamat po." nakangiti kong sabi sa kanya.
Nakita ko agad si Mang Kanor na nakatayo sa labas ng sasakyan namin. Malamang ay inaantay ako pero mas gusto ko maglakad ngayon tutal maaga pa naman talaga kahit maglakad ako ay makakain pa ako sa school.
"Mang Kanor mas gusto ko po kase maglakad ngayon, maaga pa naman po at kaya ko nanaman po, maigi pong mag breakfast na po muna kayo habang inaantay sina mommy." sabi ko sa kanya.
"Nako ma'am hindi naman po ako gutom kaya ko naman po mag drive." nahihiya niyang sabi.
"Mang Kanor okay lang po talaga ako saka para po may exercise din po ako." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sigurado po kayo mam?" tanong niya pa.
"Opo, sigurado po ako, alis na po ako Mang Kanor mag breakfast na po siya sa loob." kumakaway kong sabi sa kanya.
"Sige po mam, ingat po kayo." nakangiti niyang sabi.
Nakalabas na ako ng gate namin at huminga ng malalim, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag payapa ang paligid. Kaya gusto ko maglakad lakad kapag umaga o gabi kase wala masyadong tao, tahimik ang paligid.
Malapit lang naman yung school namin kayang kayang lakadin.
Napatigil ako sa paglalakad dahil tumama ako sa isang katawan, nahulog tuloy ang mga dala dala ko. Agad ko namang nalanghap ang kanyang bango. Pero grabe naman to hindi man lang siya naalis sa pwesto nung tumama ako sa kanya, samantalang ako muntik na tumalsik.
"Hindi mo ba ako tutulungan ha?!" naiinis kong sabi sa kanya hindi ko pa din inaangat ang paningin ko, pano naman kase hindi siya naalis sa pwesto niya, hindi man lang ako tulungan.
"Aba hoy lalak-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung inangat ko ang aking paningin ay nanlaki ang mata ko ng makitang ang nakatayo sa aking harapan ay si Zyaire na fresh na fresh, halatang bagong ligo.
Bigla naman siyang lumuhod at walang hirap na dinampot lahat ng nahulog kong gamit.
"Here, miss" abot niya sa akin ng mga gamit ko. Agad ko naman itong kinuha.
"Thank you Zyaire" sabi ko sa kanya ng hindi inaalis ang paningin sa kanya.
Ngayon ko lang napansin na nakauniform siya ngayon, ang linis niya tignan dahil lahat puti ang suot niya na bumagay sa kanya. Mas naging gwapo nga siya sa paningin ko.
"Welcome?" tila hindi pa siya sigurado sa itatawag sakin aba aba nakalimutan na pala agad ako ng lalaking to.
"I'm sorry I forgot your name" sabi na e tila may inaalala pa siya, so nakalimutan niya nga talaga. Magsasalita na sana ako para sabihin ang pangalan ko kaso nagsalita siya.
"Can I call you mine?" nakangisi niyang sabi.
Agad kumalabog ang puso ko, alam kong nagbibiro lang siya pero yung puso ko tinatraydor ako. Pero dapat di ako magpahalata na naaapektuhan ako sa kanya.
"Mine your face! My name is Lavie kung nakalimutan mo!" mataray kong sabi sa kanya.
"Easy easy, I'm just kidding hindi kita nakalimutan, masyado kang HB" nakangisi niya pa ring sabi. At ano daw? HB? I didn't know that.
"What's HB?" kuryoso kong tanong sa kanya.
"Highblood, masyado kang highblood" natatawa niyang sabi.
"Epal ka kase" bulong ko.
"Ako pa ang epal huh" na narinig niya pa pala.
"Tss sungit" bulong niya.
"Bulong bulong ka pa diyan, bahala ka na pasok na ako." Lalampasan ko na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko. Agad akong kinabahan sa simpleng hawak niya. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, kaya agad niyang inalis.
"Saan ba school mo?" tanong niya.
Hay nako ihahatid niya ba ako nako bahala siya jan di ako papayag.
"At bakit naman? Ihahatid mo ako no? Hay nako hindi ako papayag kaya ko sarili ko duh" mayabang kong sabi sa kanya.
"Feelers ka din no! Nagtatanong lang ako, paniguradong magugustuhan kasi ng pinsan ko yung uniform nyo, sasabihin ko sa kanya yung name nung school nyo okay?" natatawa niyang sabi.
Sheett nakakainis napahiya tuloy ako don, tss akala ko kasee! Pero act normal lang Lavie!
"Okay, bakit SHS din ba pinsan mo?" tanong ko sa kanya, para lang maibsan yung pagkapahiya ko kanina.
"Ahhhh SHS ka pala" tumango tango niya pang sabi. "Nah, elementary pa lang yon." natatawa niyang sabi.
Muntik ko na siyang mahampas ng notebook sa sinabi niya. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Pinagtritripan talaga ako nitong lalaking to.
"Elementary palang pala, e bakit mo pa tinatanong huh mukha ba akong elementary?!" inis kong sabi sa kanya, duh ang tangkad ko naman para mapagkamalang elementary.
Lalo akong nainis nung tumawa pa siya.
"Bakit bawal ba magtanong miss? Mahilig kase sa mga uniform na ganyan yon, saka wala akong sinasabi na mukha kang elementary, ikaw lang nagsabi nan" natatawa niya pa ding sabi.Well, madami naman talagang nakakamaganda ng uniform namin.
Hindi ko na siya pinansin at nilampasan na siya, tumingin ako sa relo ko at nakitang 7:12 am na, hay nako imbes na nasa school na ako ngayon at nakain na.
Hindi talaga ako siguro papatahimikin nitong lalaking to at sumunod pa din siya.
"Miss, teka lang may naiwan kang importante, sayo ba to?" seryoso niyang sabi.
Anong naiwan ko? Tinignan ko naman yung mga gamit ko kumpleto naman, pero baka nga may naiwan ako kaya humarap muli ako sa kanya.
"Ano yon? Nasaan?" taka kong tanong sa kanya kase wala naman siyang dala na kung ano.
"Tss, Ako" nakangisi niyang sabi.
Di ko na napigilan ang sarili ko at hinampas siya ng notebook.
YOU ARE READING
Seaside Treasures
Ngẫu nhiênSky above, Sands below, Love within, and You, next to me