Chapter Nine

3 3 0
                                        

Nawala ang ngiti sa labi ko at nagtaka kay Avery.

Nakangiti padin kasi siya kahit wala na sa akin ang paningin.

Weird.

Hindi ko na siya pinansin at tumingin sa unahan dahil nagsisimula na si Sir mag discuss.

Nagfocus ako sa pakikinig sa mga discussion ng mga teachers ngayong umaga. Kahit di ko magets talaga yung iba pero laban lang.

Natapos din ang lahat ng subjects namin ngayong umaga kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay ko na sa bag ko.

Palabas na ako ng room ng may humarang sa pintuan.

"Sabay na tayo umuwi" nakangiting sabi ni Avery.

"Why? Wala namang dahilan para mag sabay tayo" mataray kong sabi.

"Woah, meron kaya" natatawa niyang sabi.

"What is it then?" inip kong sabi.

"Dahil gusto ko" nakangisi niyang sabi

"Ayaw ko" totoong sabi ko.

Sumimangot siya at nilampasan ko na siya.

"Wait Lavie, gusto ko lang naman na uh ano magsabay tayo kasi uhh.." hindi niya na naituloy ang sinasabi ng nagsalita ako.

"Hindi porke pumayag ako before sayo, e papayag na ako kada yaya mo sakin, sobrang gutom lang talaga ako non kaya ako pumayag okay? una na ako" diretsong sabi ko at umalis na.

Hindi na ako lumingon at thank God wala na akong naririnig na tumatawag at tumatakbo palapit sakin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit may naririnig akong bagong chismis na nilalandi ko daw si Avery.

What the hell is wrong with these people, hindi ko sila pinansin dahil ayakong maulit ang nangyari kanina.

Sobrang nainis lang talaga ako kay Chloe kanina, she's a friend of my ate at ewan ko kung bakit siya galit sakin.

Binati muli ako ni manong guard at lumabas na ako ng school namin,

Ang init naman hay nako.

Itinali ko ang buhok ko at nagsimula na akong maglakad.

Paiba iba ako ng direksyon dahil nasilong ako sa mga puno, sobrang init talaga, nalimutan ko kasi yung payong ko kainis.

Naisipan kong tumigil muna sa may puno para magpunas ng pawis.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang panyo ko, habang nagpupunas ako nagulat ako sa batang lalaki na nakatigil sa harapan ko.

May dala siyang navy blue na payong na inaabot sakin.

"Miss ganda, hiramin niyo na po muna to" nakangiti niyang sabi.

Nagulat ako sa tawag niya sakin, tss bakit ko ba kasi siya naiisip tuwing naririnig ko ang salitang yon.

"Nako okay lang ako, gamitin mo na yan" sabi ko"

"Hindi ko naman po to magagamit saka hindi naman po akin to may nagpapabiga-" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil tinakpan niya ang bibig niya.

May nagpapabigay lang sa kanya? Hmm hindi talaga nagsisinungaling ang bata.

"Sino nagpapabigay?" tanong ko sa bata.

"Wala po wala po" umiiling iling niyang sabi.

"Oh? sabi ni God bawal mag sinungaling, sige ka, baka di ka papasukin sa langit nako" pananakot ko sa kanya.

Nakitaan ko ng takot ang mukha niya at napangisi ako, so may nag abot nga lang sa kanya ng payong.

"So sino nagpapabigay? be honest nako, nanonood si God sayo"

"Ah hindi ko po talaga kasi alam yung pangalan niya, pero ang tawag ko sa kanya ay kuya gwapo" nakangiti niyang sabi.

"Oh? Gwapo?"

"Opo, gwapo po siya, idol ko nga po yon e. Saka po yung mata niya kulay gray" natutuwa niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya dahil alam ko na, isa lang ang kilala kong gray ang mata. Siya lang.

"Ah talaga ba? Nasaan siya?" tanong ko.

"Ah wala na po e, nagmamadali po siyang umalis kanina pagkabigay niya sakin ng payong" sabi niya.

"Ah ganon ba"

"Miss ganda, tanggapin nyo na po ito nangangalay na ako e hehe" natatawa niyang sabi.

Tinignan ko ang payong at nag isip pa muli kung tatanggapin ko ba ito, pero naisip ko na mainit nga naman, wala naman masama kung hihiramin ko na muna.

Kaya kinuha ko ang payong at tumingin sa bata na nakangiting nakangiti.

"Thank you ha" sabi ko.

"Nako miss ganda, dapat kay kuya gwapo din mag thank you ka ha, saka bagay po kayo ni kuya gwapo" kinikilig  na sabi niya.

Ang bata bata pa nito kung ano ano na nasa isip, hay nako.

"Oo mag t thank you ako sa kanya, ingat ka pauwi madaming sasakyan"

"Opo, bye bye po" sigaw niya habang naglalakad.

Binuksan ko ang payong at nakitang mukang alagang alaga ito muka pa ngang bago e.

Nagsimula na muli akong maglakad, Saan kaya nanggaling si Zyaire kanina bakit siya nandito, saka akala ko ba may project siya na ginagawa, ah ewan bahala na.

Naisip kong mag thank you sa kanya sa text pero hindi ko ginawa. 

Saka na siguro pag ibabalik ko na to.

Naisip ko na may party nga pala mamaya, sana talaga magustuhan ni mommy yung gift ko.

I'm excited but I'm really really nervous. Alam kong makakarinig nanaman ako ng kung ano ano from my tito and tita's at sa mga friends din ni mommy at daddy.

Wala talagang takas, kasi lahat nga si ate yung mas gusto nila, para sakin naman okay lang naman yon, na mas gusto nila si ate kasi magaling naman talaga si ate sa lahat, kahit ako hanga ako sa kanya.

Pero kasi sobra nilang pinapamuka na wala akong kwenta, na wala akong kayang gawin, na kahit anong gawin ko hindi ko mapapantayan si ate.

Pero wala na akong magagawa, hindi ko naman sila pwedeng pigilan sa gusto nilang gawin.

Pero dapat hindi na muna ako magpaapekto sa kanila ngayon, today is my mommy's special day, so hangga't kaya kong magtimpi gagawin ko.

Binilisan ko na ang paglalakad ko para makarating na agad ako sa bahay.

 
























Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now