"Aray naman miss! Grabe ka ha nagjojoke lang naman e" nakasimangot niyang sabi habang hinihimas ang kanyang braso.
"Wag mo ko mabiro biro malalate na lang ako e" naiinis kong sabi sa kanya.
"Tss di pa ako nakain e" bulong ko pa."Ano? Di ka pa pala nakain? Bat di mo sinabi?" angil niya.
Grabe naman ang pandinig nito ang hina hina na ng bulong ko narinig pa din.
"Nakakahiya naman po kase sayo mister" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Sige tara na nga" sabi niya.
Agad akong nagtaka? Bakit tara na? May sayad ata talaga to.
"Bakit? Kaya ko ngang pumasok mag isa" sabi ko sa kanya.
"Sabay na tayo kase madadaanan ko naman yung school nyo, kaya tara na" paliwanag niya.
Hindi padin ako umaalis sa pwesto ko, nag aalangan.
"Miss? Kala ko ba malalate ka na?" natatawa niyang sabi.
Agad kong naalala na malalate na pala ako. Agad akong napabalikwas at sumabay na sa kanya sa paglalakad.
"Tss arte kase" parinig niya.
"Duh hindi ako maarte no, gusto ko lang maglakad mag isa," mataray kong sabi sa kanya.
"Ah sigee" tahimik niyang sabi.
Bigla siyang tumahimik at agad akong naguilty pero wala naman ako sinabing nakaka offense, masyado ba ako naging mataray? Mataray naman talaga ako.
"Uhmm bat madadaanan mo yung school namin? Uhmm I mean wala na namang ibang school jan na pang SHS" tanong ko, sobrang tahimik niya kase.
"College na ako miss" tipid niyang sagot
Uh oh, so he's older than me. Well hindi naman kase masyadong halata sa kanya.
"College ka na pala" normal kong sagot.
"Yeah, med student" tipid niya na namang sagot.
Nagulat ako, so med student pala siya. Kaya pala ganyan yung itsura niya ngayon.
"Tss bat ang tahimik mo?" Di ko na napigilan. Ang awkward kase e.
"Why? Na bobother ka ba miss?" tanong niya.
"Tss, hindi naman, di lang ako sanay" sabi ko sa kanya at umirap.
"Sabi mo kasi gusto mo maglakad mag isa, so tumahimik na lang ako para pakiramdam mo mag isa ka lang." paliwanag niya.
Agad akong natulala sa kanya, so kaya pala siya tumahimik.
"Miss baka matunaw ako nyan" nang aasar niyang sabi.
Ano ba Lavie! Lagi na lang napapatitig, wag ka ma distract sa itsura nya okay? Calm down.
"Tss, may chineck lang" palusot ko.
"Huh alin? Yung kagwapuhan ko ba miss?" nakangisi niyang tanong.
"Chineck ko lang kung makapal" sagot ko.
"Huh ano yon?" taka niyang tanong.
"Yung mukha mo, makapal pala talaga" biro ko.
"Grabe miss, I know makapal talaga yan 3 layers e, epidermis,dermis,hypodermis, bat sayo ba miss hypodermis nalang?" natatawa niyang sabi.
"E nakakatawa yon Zyaire?" naiinis kong sabi.
"Yes Lavie Chandra Amore" sabi niya sabay kindat.
Ponyeta yung puso ko, bakit ba ang bilis ng tibok nito. Bakit parang ang ganda ng pangalan ko kapag siya ang bumanggit Di ko na alam kung anong itsura ko ngayon, siguradong pulang pula na ako, maputi ako kaya mabilis makita yung pamumula ko.