Tss. Ang gulo gulo nanaman panigurado.
"Good evening din, kilala mo pala si Lavie" nakangiting sabi ni mommy.
"Ah yes tita, she's my classmate" sabi niya kay mommy saka bumaling sakin.
Inirapan ko lang siya, feeling close.
"Mag kaklase pala kayo Theoden e bakit parang hindi ka niya kilala" natatawang sabi ng daddy niya.
"Tss. Kilala niya kaya ako, right Lavie? nakangising sabi niya.
Tumango nalang ako para tumigil na siya. At mabuti naman nagsalita na ang emcee na sisimulan na ang party.
Pumunta na kami sa labas at umupo na sa table na para samin.
Sinimulan ang party sa pagbibigay ng message kay mommy. Naunang magbigay ang mga kaibigan niya, next ang mga relatives namin.
"And next, let's call her daughter, Lavie Chandra" sabi ng emcee.
Nagulat ako dahil hindi ko alam na tatawagin pala ako dito.
Nakaupo padin ako, at nakita ko ang mariing titig ni daddy at mommy. Kaya nahihiya akong tumayo at umakyat sa stage.
Ibinigay sakin ng emcee ang mic at nanginginig na tinanggap ito.
Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay sa madaming tao na nakapalibot sakin.
"H-happy B-birthday po M-mommy" nauutal kong sabi habang nakayuko, inangat ko ang aking paningin at nakita ko ang mga taong nagbubulungan.
Pero pilit kong pinalakas ang loob ko. At ipinagpatuloy ang aking sasabihin.
Ano ba yan naiiyak ako, pero pinigilan ko ito. Huminga ako ng malalim.
"Thank you for everything mommy, I-ilove you" dagdag ko. Tinignan ko si mommy.
Nakangiti siya.
Pero hindi yung genuine smile.
Yung peke.
Nahihiya siguro siya sa message ko. Sumenyas siya sa emcee na next na. Kaya ibinigay ko na ang mic at bumaba na ng stage.
Nakita ko ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sakin, bakit ba ganto sila, gusto ko na tuloy umalis dito.
Gusto ko na muli ng tahimik na lugar.
Tahimik akong umupo sa table at nakita ko ang tila galit na tingin ni daddy sakin.
Yumuko nalang ako at hinayaan na magpatuloy ang party. Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na din alam kung ano ang nangyayari.
Napabalikwas ako nang may tumapik sa braso ko at nakita ko si Avery na tila nag alalang nakatingin sakin.
"Are you okay?" tanong niya at tumango naman ako sa kanya.
"Kakain na daw, anong gusto mo kainin? ako na kukuha ng pagkain" sabi niya.
"Hindi ako kakain, busog pa ako" tahimik kong sabi.
"Pero dapat kumain ka, let me ge-" pinutol ko siya sa pagsasalita.
"I don't want, just leave" walang emosyong sabi ko.
Tumango naman siya at humingi ng sorry. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si mommy at daddy na nakikipagkwentuhan kina tita at tito.
Dumako ang tingin sakin ni tita at sumenyas na pumunta daw ako don. Tumayo naman ako at nagtungo sa kanila.
"Oh Lavie, ang sincere naman ng message mo sa mommy mo, pinaghandaan ba kamo" sarkastikong sabi niya.
"I don't know with her, napahiya tuloy ako kanina" sabi naman ni mommy.
