Chapter Fourteen

11 1 0
                                    

Agad na nag-init ang pisngi ko at kung kumakain lang ako ngayon paniguradong nabulunan na ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ewan ko sayo" inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako.

"Anong oras ka ba uuwi?" tanong niya.

"Uhm uuwi na ako, maaga pa ako bukas saka ikaw din"

"Yeah, you're right, let's go" yaya niya sakin.

Hindi kami nawalan ng topic habang pauwi. Actually, madami akong natututunan sa kanya. He's fun to talk to. Kaya gusto ko lagi siyang makausap , totoong nag eenjoy ako kapag kasama ko siya.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nag alarm may kaunting oras pa akong pwedeng matulog.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko at agad akong bumangon at nagsimulang mag ayos ng sarili.

Mabilis akong natapos at nagpaalam kay manang para pumasok na balak kong magpahatid kay Mang Kanor ngayon.

Nakita ko si Mang Kanor na nag aantay sakin sa labas ng sasakyan, binati ko siya bago ako sumakay.

Sa kalagitnaan ng byahe nag vibrate ang phone ko tinignan ko ito at nakitang may text message.

Unknown Number:
Good morning miss, ingat ka :)

Agad na tumibok ang puso ko sa di malamang dahilan, kailangan ko na siguro tigilan ang pagkakape.

Maya maya lang ay nag vibrate uli ang phone ko.

Unknown Number:
Kain tayo mamayang lunch, my treat😉

Agad akong nagtipa ng irereply sa kanya.

Me:
May pera ako

Kakasent ko pa lang ng message ko ay nag vibrate agad ang phone ko.

Wala ba tong ginagawa at ang bilis mag reply.

Unknown Number:
I know hahaha, gusto lang kita ilibre haha

Me:
lagi nalang aq libre

Nag angat ako ng tingin pagkatapos ko isend ang text message ko at nakita ko si mang Kanor na nakatingin sakin.

"Pasensya na mam, kanina ko pa ho kasi kayo tinatawag nandito na po tayo"

Agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid, at nandito na nga kami sa school. Hindi ko namalayan dahil busy ako sa pakikipagtext kay Zyaire.

Paniguradong nagtataka si mang Kanor sakin ngayon, hindi naman kasi ako nag phophone sa byahe at lalong hindi ako nakikipagtext.

Sana lang hindi niya mabanggit ito kay mommy at daddy. Bumaba na ako at nagpaalam sa kanya. Binati ko si manong guard at naglakad na patungo sa room.

Kaunti palang ang tao sa room namin, umupo na agad ako sa upuan ko at inilabas ang phone ko.

Binuksan ko ang text message ni Zyaire.

Unknown Number:
may kapalit yon miss, libre ka dyan

Me:
What?

Wala pa ilang segundo ay nakatanggap agad ako ng reply sa kanya.

Unknown Number:
your smile :)

Agad na nag init ang pisngi ko at nagtipa ng irereply.

Me:
che

Unknown Number:
hahaha bye miss, magstastart na class namin, sunduin kita mamaya :>

Hindi na ako nakapagreply sa kanya dahil dumating na din si sir.

Hindi ko magets ang mga lesson namin ngayon. Ito ang mahirap sakin hindi ako fast learner, siguro ilang araw pa ang lilipas bago ko ito maintindihan.

Kaya naman nang matapos ang mga subjects namin ngayong umaga ay lumabas na ako agad dahil pakiramdam ko ay nahihilo na ako dito sa loob.

Dali dali akong lumabas ng room at agad akong nagulat nang may maramdaman akong malamig na likidong tumapon sakin.

Agad akong napatingin sa uniform kong basang basa na at nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko sina Chloe na natatawang nakatingin sakin.

"Oopss! hindi ko sinasadya" nang aasar na sabi niya. "I'm sorry, may tao pala" dagdag pa niya sabay tawa kasama ang mga alagad niya.

Sinamaan ko sila ng tingin at nilampasan sila. Ayoko ng gulo.

Pero mahirap nga atang intindihin yon para sa kanila.

Dahil bago ako makalabas ng school ay may humablot sa braso ko at nagulat ako ng may mainit na tumapon sa akin.

Kahit nakauniporme ako ramdam ko ang init nito, nagbaba ako ng tingin sa uniporme ko at nakitang may mantsa.

Pinalampas ko ang ginawa nila kanina, pero sobra na sila. Ramdam ko ang hapdi na nanunuot sa aking balat dahil sa init ng kapeng isinaboy saakin.

"Anong problema mo?" mahina ngunit matigas kong tanong kay Chloe na mukang nasisiyahan sa ginawa niya.

"Oh no! I'm just helping you my poor Lavie, eh bakit hindi mo kasi maintindihan na ayaw namin sayo, na ayaw ng lahat sayo?" natatawa niyang sabi.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Dahil totoo ang sinasabi niya. Ayaw ng lahat saakin, walang taong masisiyahan na makasama ako.

"That's the reason why I'm doing this to you, para naman tumatak dyan sa isip mo na wala kang kwenta"

Alam ko naman, alam ko na ang lahat ng yan. Tama naman sila wala naman talaga akong kwenta, sanay na ako masabihan ng kung ano ano pero bakit masakit pa din talaga.

Hindi ako makaalis sa pwesto ko tila hindi ko kayang humakbang paalis dito.

Nakita ko ang isang cup ng kape na binubuksan ni Chloe na mukang ibubuhos uli sakin.

Gusto kong manlaban pero parang napagod na sa lahat lahat ang katawan ko.

Yumuko ako at inintay ang pagbuhos niya ngunit iba ang nasaksihan ko nang inangat ko ang aking ulo.

Nakita ko si Zyaire na mahigpit ang hawak sa cup ng kape na kanina'y hawak ni Chloe.

Tila may karera sa loob ng dibdib ko dahil hindi ko maipaliwanag ang mabilis na pagkabog nito.

"Leave her alone!" mahina ngunit tila galit na sabi niya.

Ngunit hindi pa din naalis sina Chloe kahit na gusto ng umalis ng mga alagad niya. Dahil tinitignan niya ng maigi si Zyaire.

"Subukan nyo lang ulitin na saktan siya, hinding hindi nyo magugustuhan ang mangyayari sainyo" matigas na sabi niya kina Chloe, at agad naman silang umalis.

Ano bang ginagawa niya dito, Oo nga pala kakain kami ng lunch. Pero hindi niya na dapat ginawa yon. Madadamay pa siya.

Alam ko na hindi pa din ako titigilan nina Chloe, hindi sila basta basta titigil.

Pagkaalis nina Chloe ay umalis na din ako, iniwan ko siya don.

Napatingin ako sa uniporme ko na puno ng mantsa, wala pa man din akong pamalit. Ramdam ko pa din ang hapdi, Nakita ko din na namumula na ang braso na nasabuyan ng kape.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang may humawak sa palapulsuhan ko.

"Matagal na ba nilang ginagawa sayo yun? tanong niya at nagbaba siya ng tingin sa braso ko. "Namumula ang braso mo, samahan mo ako bibili ng gamot kailangan na yan mapahidan bago lumala" bakas ang pag- aalala sa mga mata niya.

Hindi ako sanay ng ganto, wala siyang karapatan na mag- alala sakin.

Hindi ako sumagot at tinanggal ang hawak niya sa palapulsuhan ko.

"Uuwi na ako" paalam ko sa kanya.

Ayako na pag- usapan, nakakapagod na din isipin ang dahilan kung bakit ganito ang tingin nila sakin.

Sobrang baba. At parang kahit anong gawin ko lahat yon mali, lahat yon walang kwenta. Kasi ako lang to.


































You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now