Chapter Eight

9 4 0
                                        

Maaga muli akong nagising at napagdesisyunan ko na kumain na muna after ko maligo, mahirap na baka di nanaman ako makakain ng breakfast e.

Ilang minuto lamang ay natapos na ako maligo at magbihis kaya bumaba na ako para kumain.

Natagpuan ko sina mommy at daddy na paalis na.

"Manang, alis na kami. Pakisabi nalang po kay Lavie yung binilin ko sainyo" sabi ni daddy kay manang.

"Opo ser, kayo ay mag ingat sa byahe" sagot ni manang.

Tumango si mommy at daddy at umalis na.

Napatingin sakin si manang at ngumiti.

"Oh iha, ang aga mo nanaman ngayon ah, magandang umaga sa iyo" bati ni manang.

"Good morning din po manang, ano po yung pinapasabi ni daddy?" tanong ko.

"Ah ang sabi ng daddy mo, maaari ka na daw na lumiban sa klase mo mamayang hapon, ipinaalam na daw iyon sa iyong guro"

"Ah ganon po ba, sige po manang"

"Mag agahan kana muna iha, maaga pa naman"

"Opo manang, kumain na po ba kayo?"

"Oo iha, maaga akong nag agahan e, hindi kita masasabayan ngayon at ako ay magdidilig pa ng halaman"

"Ganon po ba, sige manang" tumango naman si manang at nag paalam na siya ay magsisimula na sa pagdidilig.

Nagtungo na ako sa table at nagsimulang kumain.

Hindi ako madami kumain kaya mabilis lang ako natapos at umakyat na para mag toothbrush.

Pagkatapos ko mag toothbrush ay inayos ko na ang sarili ko at isinukbit na ang bag ko sa aking balikat.

Bumaba na ako at hinanap si manang para magpaalam, natagpuan ko naman agad siya na nagdidilig ng mga bulaklak.

"Manang, alis na po ako"

"Sige iha, si Romel ang maghahatid sayo ngayon, wala si Kanor dahil yon ang kasama ng mga mommy mo"

Dalawa ang driver namin, si Mang Kanor at Mang Romel. Dalawa lang din ang sasakyan namin. Maunti lang naman kami dito sa bahay kaya hindi na kailangan ng maraming sasakyan, yun ang sinasabi lagi ni daddy kay mommy.

"Ah hindi na po uli ako magpapahatid ngayon, mas gusto ko po kasi na maglakad" sabi ko.

"Sige iha, basta ikaw ay mag ingat lamang ha, ako na ang magsasabi kay Romel, maiging tumulak kana" nakangiting sabi ni manang.

"Sige po manang, thank you po"

"Sige iha, ingat ka"

Pagkalabas ko ng gate ay may naramdaman akong nag vibrate.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at may texts nanaman si Zyaire. Hindi ko pa din sinasave ang number niya.

Unknown Number:
Grabe ka talaga miss, napakatipid mo naman hahaha

Hi miss good morning :)

Ingat ka.

Tsh. Inis pa din ako sa kanya. Lagot yon sakin pag nakita ko siya ngayon.

Pinatay ko ang phone ko at itinabi na muli sa bag ko, hindi na ako nagreply.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, malapit na ako sa school pero wala pang Zyaire na nasulpot.

Inilibot ko ang paningin ko at baka nasa tabi tabi lang, at pinagtritripan ako.

Pero wala, wala akong nakita.

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now