Chapter Six

13 7 0
                                    

"Uhmm, Zyaire yung kamay ko" sa wakas nagkaroon na din ako ng lakas na magsalita. Nakakapanghina kasi yung hawak at titig niya e.

"Uh sorry" sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

Medyo nakahinga na din ako ng maluwag. Kaya nagpasya na akong umupo muli sa tabi niya at kinuha yung mogu mogu ko.

"Sorry nga pala kanina" mahina niyang sabi.

"Okay lang"

"So do you want to know?"

"Ang alin?" taka kong tanong.

"The reason why I don't want to use my car." tahimik niyang sabi.

"Uhm, actually it depends on you. Okay lang naman sakin na hindi mo sabihin sakin yung dahilan." totoong sabi ko tumango naman siya at nag iwas ng tingin.

"Nasabi ko sayo na may girl best friend ako before right?"

"Yes" so siya yung dahilan kung bakit.

Tumahimik siya at tumingin sa langit.

"Noong araw na yun aamin na ako sa kanya e, yung araw na yun susugal na ako sana, nagkaroon na ako ng lakas ng loob e" yumuko siya at huminga na malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Kaso, alam mo yung nangyari, nabalitaan ko na lang na wala na siya, wala na yung babaeng gusto ko, iniwan niya na ako." nasaksihan ko kung gaano siya nasasaktan hanggang ngayon ng may nakita akong luha sa kanyang mga mata na pilit niyang pinipigilan.

"N-naaksidente siya?" mahina kong tanong.

"Yes, naaksidente siya. That's the reason why I hate cars now, naalala ko siya. sobra akong na dissapoint sa sarili ko nung time na yon, kase sana nandon ako, sana naprotektahan ko siya. Kaso wala e, wala ako don sa tabi niya, mag isa siya, mag isa lang.

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya kasalanan, wala siyang kasalanan sa nangyari. Kaso naisip ko yung pinagdadaanan niya, sino ba naman ako para sabihin yon ng ganon ganon nalang.

"Mahal na mahal mo no?" tanong ko.

Napatingin siya saakin at ngumiti ng malungkot.

"Yes, sobra" bulong niya.

Tumango lang ako at tumingin sa harap.

The sun is setting down, The slanting rays of the setting sun gave a warm orange tinge to the sky. What a beautiful sight.

Ano kayang pakiramdam kapag may nagmamahal, kailan ko kaya mararanasan na mahalin, protektahan, at ipagmalaki. Ang sarap siguro sa pakiramdam non.

Yes, I always want to be alone but I wonder how does it feel when there's someone always by your side through ups and downs.

"How's your day?" bigla niyang tanong sa gitna ng katahimikan.

"Fine" sabi ko ng nasa palubog na araw pa rin ang paningin.

"Anong strand nga pala kinuha mo?" tanong niya.

"STEM" simpleng sagot ko.

"Ahh why?"

"Mag dodoctor ako" sabi ko saka tumingin sa kanya, nagulat ako dahil nakatingin na pala siya sakin.

"Wow really?"mangha niyang sabi.

"Tss, hindi ko naman gusto yon" pagtatapat ko sa kanya.

"Ahh soo... Your parents?" dahan dahang sabi niya.

"Yes, gusto nila mag doctor ako kase gusto yon ni ate" sabi ko sabay inom sa mogu mogu.

"Bakit ka pumayag?"

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now