Ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang kulay ng kanyang mga mata, sobrang ganda nila pero sobrang lungkot ng mga ito. Napagtanto ko na inaasar nga pala niya ako, aba aba di ko sasabihin sa kanya na gwapo siya at ang sarap niyang titigan kahit buong magdamag pa no.
"Aba ako? Nagwagwapuhan sayo? Tss in your dreams!" pagtanggi ko.
Hindi siya nagsalita at bumaling na uli sa harapan. Hindi na rin ako sumubok pang umimik at tumingin na lamang sa kalangitan. Ang ganda ng mga bituin siguradong isa dyan si ate, lagi kong kinakausap si ate habang nakatingin sa mga bituin, alam ko kase na nakikinig siya sakin.
Ate, bakit ganito sina mommy at daddy bakit parang kung ituring nila ako ay hindi nila ako anak? Ang swerte mo ate sobrang mahal ka ng lahat, lalo na ni mommy at daddy sa sobrang pagmamahal nila sayo simula nung nawala ka kinalimutan na nila na may isa pa silang anak, kinalimutan nila ako. Pagod na ako ate, pagod na pagod na, I'm tired of living with this life that I don't want anymore.
"Oh panyo, hindi ko yan nagamit wag ka mag alala" naputol ang aking pag iisip dahil sa kanya. Hindi ko namalayan na tumutulo pala ang luha ko, agad ko itong pinunasan ng kamay ko.
"Huwag na, salamat" tahimik na sabi ko. Isinilid niya din naman ang panyo sa bulsa niya. At nagulat ako ng bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Agad kong nalanghap ang bango niya. Grabe naman to kung hindi lang sana siya malungkot at mukhang may malaking problema iisipin kong perfect siya e.
"So may problema ka uli at napabisita ka dito?" dahan dahang sabi niya.
Agad akong nagtaka sa kanyang sinabi, bakit niya alam na dito talaga ako pumupunta pag may problema. Itatanong ko na sana sa kanya kung paano kaso naunahan niya ako.
"Matagal na kase kitang nakikita dito, hindi mo lang ako napapansin. Kaya naisip ko na baka may malaking problema ka uli" sabi niya gamit ang kanyang mababang boses.
Sa paglingon ko sa kanya ay napansin ko muli ang kanyang kagwapuhan, mas gwapo siya sa malapitan. He is a really tall guy, His skin is white and fair. He has two of the most mesmerizing and sincere gray eyes that I've seen. He also has a natural on fleek eyebrows, long eyelashes, pointed nose good jawline and he has pouty lips, it's very red and looks soft.
"Miss kanina ka pa huh? May pa in your dreams, in your dreams ka pa e halata naman na nagwagwapuhan ka sakin." nakangisi niyang sabi.
Agad akong namula, shit! sobra bang halata na tinititigan ko siya, kairita naman e.
"Tss" tanging nasabi ko na lang hindi ko na itatanggi masyado mas mahahalata pa lalo ako.
"Uhm, may problema ka nga uli? tanong niya.
"Kailan ba nawala?" I mean yeah I have." sagot ko sa kanya habang nakatitig sa dagat, ayaw ko na siyang tignan baka tumagal na naman nakakahiya na no.
"Oh I'm sorry" tahimik na sabi niya.
"Nah don't feel bad, it's not your fault" sabi ko sa kanya.
Kailan kaya, kailan ko maririnig yung salitang sorry sa mga magulang ko. Kahit huwag na yung sabihin nilang mahal nila ako, kase kahit kailan hindi ko naramdaman yun, maglolokohan lang kami. Okay na ako sa sorry, para sa mga salitang binitawan nila na siyang patuloy na sumisira sa pagkatao ko.
"Alam mo sawa na akong gumising sa araw araw, yung problema sa buhay ko sumusobra na, sobra na sila. Masyadong mapanakit, gusto ko nalang maging manhid para kahit papaano di ko na maramdaman. Kaso hindi e ramdam na ramdam ko. Sobrang sakit hindi ako makausad." puno ng hinanakit na sabi niya sakin. Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko akalain na sasabihin niya sakin to. Tama nga ako, sobrang bigat ng problema niya.
