Chapter Two

35 7 0
                                        

Nakabalik din agad ako ng bahay dahil lakad-takbo na ang ginawa ko dahil baka maabutan ako nina mommy, alam ko na aalis sila before 6, as usual may business trip nanaman sila. Pero okay nga yon e atleast may pahinga din yung sermon sakin, kaso sobra sobra naman pagkabalik nila.

Walang tao sa sala pagpasok ko, kaya dali dali akong tumaas at pumasok sa kwarto ko at agad na humilata sa kama ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at agad kong naalala ang nangyari kanina. I have trust issues so I wonder why I told him my problems without hesitation. Ewan, parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Siguro dahil nakatagpo ako ng katulad ko na napapagod na sa buhay na to, nakakalungkot isipin na hindi lang ako yung ganito, madami kami.

Sunday na ngayon, may pasok nanaman bukas. Ang ingay nanaman ng paligid ko sigurado. Minsan talaga nakakatamad pumasok, paano ba naman kase kahit sa school kinukumpara lagi ako kay ate. Hindi ako nagagalit, nakakasawa lang talaga.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako, si Manang Ely lang yung nakita ko na nandon, tatlo lang yung kasambahay namin at si Manang Ely lang yung malapit sakin, yung dalawa kase hindi ako kinakausap, baka akala nila masama ako dahil sa mga naririnig nila kay daddy.

Hindi ako napansin ni manang na bumaba kaya balak ko siyang gulatin.
Kinuha ko yung aluminum na plangganita at ibinagsak ito.

"Ay kalabawww!" sigaw ni Manang

"Hi manang, mukang busy busy ah" nakangiti ko sa kanyang sabi pero natawa ako dahil gulat na gulat pa din ang ekspresyon ng mukha niya.

"Jusko ka talagang bata ka! Aatakihin ako sayo jusmeyo ka ako ay ninerbyos talaga ka!" sunod sunod na sabi niya.

"Sorry na manang love you" pangsusuyo ko kay manang.

"O siya, kumain ka na ba iha?" tanong niya.

Laging ganito si manang sakin, para niya na akong anak kung ituring. Nakakagaan ng puso kase kahit hindi ko siya kadugo,  nakikitaan ko siya ng pagmamahal at pag aalala sakin, samantalang yung mga magulang ko, wala.

"Manang, sina mommy po?" tanong ko kay manang kahit alam ko na yung sagot.

"Nako iha, hindi ba sila nakapag paalam sa iyo? Kanina pang bago mag ala sais sila tumulak eh" taka niyang tanong sakin.

"Ah hindi po e, baka po ayaw nila akong gisingin kaya po ganon" peke akong ngumiti sa kanya.

Sige lang Lavie, lokohin mo lang sarili mo. Kase simula palang alam mo na hindi talaga sila nagpapaalam tuwing aalis sila. Kahit nga magbabakasyon sila ay hindi ka nila isinasama, pero okay lang baka masira ko pa yung moment nilang dalawa e, nakakahiya naman.

"Ah ganon ba iha, aba'y ikaw ay kumain na at parang hindi ka kumakain namamayat ka" puno ng pag aalala niyang sabi.

"Opo manang, basta sumabay po kayo sakin" nakangiti kong sabi. "Pleasee??" pamimilit ko pa nag beautiful eyes pa ako para effective.

"Ikaw talaga o sige na, umupo ka na doon sa lamesa at iaandar ko lang ito" sabi niya sakin. Ngiting tagumpay naman ako dahil napilit ko siya, mas gusto ko pa siyang kasabay kumain kaysa kina mommy, mas naeenjoy ko yung pagkain ko.

Nagsimula na kaming kumain at kung saan saan na napunta ang usapan namin. Tinatanong ako ni manang ng kung ano ano tungkol sa school, kung may mga kaibigan daw ba ako at kung ano ano pa.

Sana ganito din sina mommy at daddy, sana kahit man lang kamustahin nila ako, kung okay lang ba yung pag aaral ko, kung okay lang ba ako.

Kase yung kinuha kong strand ay hindi talaga madali at lalong hindi ko gusto. Sila ang may gusto non, sila lang ang may gustong kuhanin kong strand ay STEM para sa pagdodoctor ko. Their main reason? Syempre para ipagpatuloy ko daw yung gusto ni ate, ito kase yung greatest dream ni ate gusto niyang maging doctor, kase gusto niyang makatulong sa mga nangangailangan ng tulong lalo na yung mga kapos palad.

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now