Chapter Twelve

13 5 0
                                    

TW: SELF HARM

Sobrang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko kaya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi ang hina hina ko.

Bakit ba hindi nila ako kayang tanggapin.

Mommy, Daddy tulungan niyo naman po ako na makita na sobrang ganda at may halaga yung buhay ko.

Huwag niyo naman po akong lunurin masyado.

Hindi na ako makahinga e, hindi ko na kaya.

Gusto ko na lang matigil ng lahat ng ito.

Kinuha ko sa drawer ang solusyon para matigil na to.

Nagtungo ako sa banyo at binuksan ang blade.

Nakapikit kong hiniwa ang wrist ko.

Hindi ako nakuntento at humiwa pa muli.

Hindi ko maramdaman ang sakit.

Isa

Dalawa

Tatlo

Bakit andito pa din ako, bakit ganito.

Gusto niyo talagang saktan lang ako ng saktan, bakit hindi niyo pa ako kunin.

Napaupo ako nang maramdaman ko ang sakit. Naiiyak na hinugasan ko ito naghilamos na din dahil kalat kalat na pala yung make up ko.

Tumingin muli ako sa sugat na ginawa ko at dugo pa din ito ng dugo.

Hinugasan ko muli ito at lumabas ng banyo para kumuha ng gamot.

Naupo ako sa kama ko at ginamot ang aking sugat.

Kailan matatapos yung sakit? O may katapusan nga ba talaga. Hindi ba pwedeng pahinga muna, hindi ba pwedeng ihinto.

Pagkatapos kong linisin ang sugat ko ay nagbihis na ako ng oversized shirt at pajama.

Nahiga ako sa kama ko at matagal lang na nakatulala.

Tinignan ko ang oras sa orasan at nakitang 10:30 pm na. Hindi nanaman ako makatulog, madaming bagay ang naglalaro sa isipan ko.

Isa din sa pampawala ng stress ko ang pagbabake, pero makakawala nga ba ito ngayon sa tuwing maiisip ko yung regalo ko kay mommy.

Pero naisip kong magbake pa din, sana may ingredients pa, gusto ko lang gumawa ng cake ngayon ulit, hindi ko din alam kung bakit.

Sumilip ako at nakitang wala ng tao sa baba kaya bumaba na ako para makapagsimula na.

Nakita kong may mga natira pang ingredients. Maliit na cake lang ang magagawa ko dito.

Sinimulan ko na ang pag babake. Medyo wala ako sa focus pero alam kong tama naman yung ginagawa ko.

Ilang sandali ang lumipas at tapos na din ako magbake at nilagay ko ito sa ref.

Nakita kong 11:40 pm na, at naisip kong pumunta sa Seaside para magpaantok at mag relax.

Tumaas ako at kumuha ng jacket at isinuot ito, kinuha ko din ang phone ko.

Bumaba ako ng hagdan at nag vibrate ang phone ko, tinignan ko naman agad kung anong meron.

Nag text si Zyaire.

Unknown number:
Hi miss, busy ka nanaman ba?

Nagtype ako ng irereply sa kanya.

Me:
Papunta akong seaside.

Isinend ko na ito sa kanya. Nagba baka sakali na pumunta siya kaya tumaas ako muli para kuhanin ang payong niya na ipinahiram. Buti naman maibabalik ko na to.

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now