Hindi na ako nagtaka kung sino ang nag text sakin, at siya lang naman ang tumatawag sakin ng miss.
So hindi siya nakitext huh, malilintikan sakin yung kumag na yon.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay. Wala pa ang isang kotse kaya malamang wala pa sila mommy.
"Oh iha? Medyo late ka ata ng uwi?" salubong ni manang sakin.
"Ah may pinuntahan lang po ako manang" sagot ko agad sa kanya at nakita ko agad ang makahulugang tingin niya.
"Nako iha, hindi naman magagalit si manang, aminin mo na may nobyo ka na, sikreto lang" bulong ni manang sakin.
Eto nanaman siya, ang kulit talaga ni manang. Hay nako.
"Manang, wala nga po akong boyfriend, saka wala pa po sa isip ko yon" nakasimangot kong sagot.
"Oh sige, basta kapag ikaw ay may napupusuan na, huwag mo ako kalimutan sabihan ha"
"Opo, ikaw unang una kong sasabihan manang, don't worry"
"Sya nga pala iha, ikaw ba ay may regalo na sa mommy mo? Kaarawan niya nga pala bukas"
"Wala pa po manang e, pero naisip ko pong magbake nalang ng cake mamaya"
"Oh sige iha, kailangan mo ba ng tulong ko?"
"Sige manang, kaso plano ko pong mga 9 pm para po nasa kwarto na sina mommy, surprise po sana" nakangiti kong sabi.
"Ah ganon ba iha, kaya ko naman sigurong magpuyat ngayon" natatawa niyang sabi.
"Nako manang, ayos lang po sakin na ako nalang po, ayako na pong makaabala sainyo"
"Hindi, ako'y tutulong mamaya"
"Sige manang, taas na po muna ako" paalam ko kay manang, at tumango naman siya.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong nagpalit ng pambahay.
Excited na akong magbake mamaya, isa kasi ito sa mga hobbies ko.
Sana magustuhan ni mommy yung gift ko. Her favorite flavor is chocolate so yon ang ibabake ko later.
Dumako ang paningin ko sa aking bag. Bumalik na naman sa isipan ko ang nagtext sakin, Si Zyaire.
Agad kong kinuha ang phone sa bag ko, at nagulat na may nagpaload sakin ng pang text at pang tawag.
What?! Seriously?!
Nahihibang na talaga ang lalaking yon, wala ng magawa sa buhay.
At agad naman akong napabalikwas dahil nag vibrate ang phone ko.
Unknown Number:
Hi miss, nakauwi ka na ba?
Tsh. Nakakainis sana di ko nalang pinahiram yung phone ko kanina.
Ilang sandali lang ay nag vibrate na naman ang phone ko.
Unknown Number:
Reply na miss, wag ka masyadong kiligin grabe ka.
Gusto kong magreply dahil sa kakapalan ng mukha niya, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Bahala siya magsisi, dahil pinaloadan niya pa ako.
Kaysa maistress ako kay Zyaire, naisip ko na maglinis nalang ng room ko.
Hindi naman madumi ang room ko pero gusto ko lang abalahin ang sarili ko.
After an hour I already finished cleaning my room.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong bumaba na.
