Chapter Five

13 5 0
                                    

"Hey miss" nakangisi niyang sabi.

Nagtataka pa din sa presensya niya dito.

"May hinihintay ka?" tanong ko.

"Uhh yeah" sabi niya habang sinusuri ako. "Hindi ka na mapula" nakangisi niyang sabi.

Sabi na e kukulitin nanaman ako nito.

"Sige una na ko" sabi ko ng hindi siya tinignan at saka siya nilampasan.

"Hey wait" sigaw niya, ano bang trip nito, don't tell me isasama niya ako sa paghihintay niya.

"Akala ko ba may hinihintay ka? Uuna na ako kasi kahiman samahan pa kita." taas kilay kong sabi sa kanya.

"Ahh no, wala na akong hinihintay" sabi niya. Hay nako may sayad talaga tong lalaking to, kakasabi niya lang na meron.

"Why? Baka hanapin ka nung hinihintay mo" tila naiinip ko na sabi sa kanya.

"Hindi yon" agad niyang sabi.

"Hahanapin ka non for sure" bawi ko. Ang kulit naman nito, syempre sa totoo lang baka hanapin talaga siya.

"Hindi nga miss" natatawa niyang sabi.

"Ang kulit mo sabi't hahanapin ka non e" medyo inis kong sabi sa kanya.

"Hahanapin mo ako?" nakangisi niyang sabi.

W-what? Ano daw?

Ilang beses among napakurap tila pinoproseso ang sinabi niya. Wait ako ba yung...

"B-bat naman kita hahanapin huh?" patay malisya kong sabi sa kanya.

"E kase ikaw yung hinihintay ko miss, at ikaw din mismo ang nagpipilit na hahanapin mo ako" mayabang na sabi niya.

A-ano daw? B-bat niya naman ako hihintayin kung ganon.

"Why?" tanong ko.

"Anong why?" taka niyang tanong.

"Bakit mo ako hinihintay?" tanong ko muli.

"Ah, yayain sana kitang kumain" tila nag aalangan niyang sabi.

"For what? Anong dahilan?" taka kong tanong,

Bakit niya naman ako yayain? Yes, we shared problems to each other but we're not friends.

"Kanina kasi diba? Di ka nakakain ng breakfast dahil sakin, so babawi lang ako, dapat kasi kaninang lunch kaso" sabi niya ng hindi tinuloy ang kanyang sasabihin.

"Kaso?" tanong ko.

"Kaso may kasama kang maglunch e, saka magkaaway pa ata kayo kanina" natatawa niyang sabi.

So andito siya kaninang lunch? At nakita niya kami ni Avery?

"Ah si Avery yon, di kami magkaaway, gutom lang talaga ako kanina" sabi ko sa kanya.

"Ahh yiee ikaw ha, kahit pala ang taray mo may nakakatiis sayo." nang aasar niyang sabi.

"What do you mean?" taka kong tanong.

"Kahit pala ang taray mo e may boyfriend ka" sabi niya.

"Ay ang tanga mo" sabi ko sa kanya.

Agad nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Wow miss, grabe naman makatanga to" natatawa niyang sabi.

Nabigla din ako sa nasabi ko. E kasi naman magkasama lang mag boyfriend/girlfriend na?

"Ikaw kasi e, porke magkasama mag jowa na? nakapamewang kong tanong sa kanya.

"Pwede din" sagot niya.

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now