Chapter Ten

6 3 0
                                    

Maya maya lang ay nakarating na ako sa bahay at sinalubong ako ni ate Jane sa may gate.

"Mam inaantay na kayo ni mam at ser, maghanda na daw po kayo" sabi niya.

"Ah sige ate, pasok na po ako" sabi ko at tumango naman siya.

Nakaayos na ang pag gaganapan ng party, may stage na din at sobrang engrande ng mga designs.

Paniguradong madaming bisita mamaya. Kinabahan tuloy lalo ako.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at natagpuan ko si mommy at daddy.

"Akala ko ba 11:30 ang uwian nyo, kanina ka pa namin hinihintay" sabi ni daddy.

"Ah 12:30 po ang uwian namin daddy" totoong sabi ko.

"Maligo kana, huwag kang pabagal bagal ng kilos at mamayang 5 pm mag stastart ang party" sabi ni mommy.

"Happy birthday po mommy" bati ko sa kanya ng may maliit na ngiti sa labi.

"Sige, dalian mo maligo kana" sabi niya ng nasa cellphone ang paningin.

Tumango ako at umakyat na para maligo, mamaya nalang siguro ako kakain.

Naligo ako ng mabilis para may time pa ako para kumain, nagsuot ako ng malaking shirt at cotton short.

Bumaba na ako at nakita kong dumating na ang make up artist at iba pang assistants niya.

"Mommy kakain lang po muna ako" sabi ko kay mommy.

"Okay, dalian mo, at ikaw ang uunahing make upan" sagot niya.

Mabilis akong kumain at nag toothbrush umakyat muli ako para suotin ang robe ko para hindi masira yung make up ko.

Hindi ko pa alam kung anong itsura ng isusuot ko, kaya naman bumaba na ako para makapag pa make up na at makita ko din ang susuotin ko.

Pinaupo na ako sa chair ng make up artist, uunahin niya siguro yung buhok ko ayusin.

"Omg Phelia, ang ganda ganda naman ng anak mo, oh huh wala pang make up yan huh" maarteng sabi niya.

Nag aalangang ngumiti lang si mommy sa kanya at tumingin ang make up artist bigla sakin.

"Thanks po" mahina kong sabi sapat na para marinig niya.

Pinagpatuloy niya ang pag aayos sa buhok ko.

Kinulot niya lang naman ang baba ng buhok ko kaya mabilis siyang natapos.

Nagsimula na siyang mag make up sakin.

Pagkatapos ng kalahating minuto ay sa wakas tapos na din.

"You look so gorgeous girl" sabi niya habang pumapalakpak.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nabigla din ako sa itsura ko, hindi naman kasi ako nag mamake up kaya naninibago ako.

"Barbie, Maggie tulungan nyo siyang magbihis" sabi niya sa assistants niya.

Sumama ako sa dalawa at ipinakita nila sakin ang susuotin ko.

Nabigla ako sa nakita, it is gold high neck halter dress and it looks so elegant! Grabe ang ganda naman nito.

Tinulungan ako ni Barbie at Maggie mag ayos. Ilang sandali lang ay tapos ko ng maisuot ang dress at kasyang kasya ito sakin. Ipinasuot na din sakin ang gold na sandals ko.

"Wow ang ganda ganda mo lalo sis!! sister na tayo ngayon dahil jan" sabi ni Barbie.

"Oo nga, nagmana siya sakin no! Pero wala pa din makakatalo sa beautyness ko" sabi naman ni Maggie sabay flip ng hair niya.

Seaside TreasuresWhere stories live. Discover now