John Joseph Dela Cruz, JJ for short. I do have a twin brother, David Joseph and DJ for short. We shared everything – luckily, we do not share underwear. Our parents are into biblical names: My older brother is Abraham Noah; my little sister is Elizabeth Mary and then us – the twins.
I hope you get the picture.
Simple lang ang buhay namin – driver ng cargo truck si tatay at sekretarya si nanay. Habang kami naman palihim na naglalako ng kakanin na kinukuha pa namin sa suki namin sa Divisoria. Mahirap man ang buhay pero simple, nakakaya at masaya.
Tandang-tanda ko pa uniform namin ni DJ ay limang piraso lang at ang size large dahil medyo malaki ako sa kanya ay siya lagi ang nag-aadjust sa mga pangitaas na damit habang ako namang ay lagi kong tinutupi ang mga pantalon namin dahil may katangkaran naman siya.
Ayos lang sa amin yun, dahil alam namin na wala naman kaming kaya sa buhay para maghangad ng sariling damit. Dahil kahit si kuya AN ay puro second-hand clothes lang ang meron, yung mga pinaglumaang damit ng anak ng amo ni nanay. Habang si EM naman pinaglumaang damit ng pinsan naming babae.
Kahit may gustuhin kaming gamit ay hindi naming mahingi sa magulang namin dahil alam naming ang hirap sa buhay. Lalo na't apat kaming nag-aaral at nasa kolehiyo pa si kuya AN, tapos kami ni DJ ay malapit ng magkolehiyo.
Laking tuwa ni kuya AN noong nagkaroon siya ng cellphone noong eighteenth birthday niya. Ilang buwang pinaghirapan iyon ni tatay at nanay. Alam kong gustong-gusto na rin ni EM na magkaroon pero hindi siya makaimik dahil alam niya ang situwasyon namin.
April 2006: nasa trabaho si tatay at si nanay, si kuya AN nag summer job at si EM ay nagluluto ng pananghalian. Pupunta kami ni DJ sa Divisoria para kumuha ulit ng kakainin pero Nakita ko siyang nakadukdok sa kanyang higaan at may iniindang sakit. Masakit raw ang kanyang ulo, binigyan ko naman siya ng gamut pero ang sabi niya sa akin ay nakainom na raw siya at wala pa raw isang oras ang nakakalipas. Sinabi ko na lang sa kanya na ako na lang ang pupunta ng Divisoria para makuha yung ilalako namin pero tumanggi siya dahil alam niyang maraming kakanin iyon at hindi ko kakayanin.
Pinilit niyang tumayo, nang makatayo siya ay nagpaalam ako kay EM kung saan kami pupunta. Tinanguan naman niya kami dahil alam na niya na ito ang ginagawa namin lagi. Kinuha ko ang paborita kong baboy kong sombrero at palabas na ako ng bahay ng marinig kong sumigaw si EM. Nagmadali akong bumalik at nadatnan ko siyang tumatakbo puntang kwarto. Kitang-kita ng mga mata ko nakahiga si DJ sa sahig at walang malay.
Nataranta ako kaya nagmadali akong nanghingi ng tulong, laking pasasalamat ko na lang at dumating si Kuya AN gallng sa kanyang summer job at naisugod nala si DJ sa ospital. Nagpaiwan ako para isara ang bahay at ipaalam sa magulang namin ang nangyari. Pagkarating namin sa ospital ay wala na sa emergency room si DJ kung hindi nasa kwarto na at nakaconfine na siya.
Marami ang kailangang gawin sa kanya at alam kong hindi na alam nila nanay at tatay kung saan kukuha ng pera. Pati si kuya AN naririnig kong titigil na sa pag-aaral para magtrabaho.
Isang araw narinig ko ang doctor na nagsabi na kailangan raw ipa-CT scan si DJ dahil nalaman nito mula kay EM na laging sumasakit ang ulo nito. Mahal ang magpa-CT scan at alam kong hindi kakayanin nila nanay. Pananatili pa nga lang ni DJ sa ospital ay halos di na makaya nila nanay, CT-scan pa kaya.
Naglakad lakad ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko dahil hindi ko alam paano ako makakatulong. Sa paglakad-lakad ko ay nakarating ako sa opisina ni nanay, hindi ko alam kung bakit, pero doon ako dinala ng paa ko.
Nakita ko ang pinsan ng anak ng amo ni nanay na may kausap na babae. Mukhang may kaya ang kasama niya pero alam kong mayaman naman ang pinsan ng anak ng amo ni nanay. Ang pagkakatanda ko Erika Chui ang pangalan niya at hindi ko kilala ang kasama niya.
Narinig ko sila na nag-uusap tungkol sa isang concert na papanoorin nila. Aalis na sana ako pero napansin ako ni Erika at tinanong kung anong ginagawa ko roon. Umiling naman ako, ayokong sabihin na may problema kami ng pamilya ko.
"Are you okay?" Biglang tanong ng kasama ni Erika. Umiling ako ulit pero mukhang nahalata na ni Erika.
"May nangyari ba kay kuya DJ?" Tanong ni Erika at doon na ko napaiyak. Hindi ko alam kasi ang gagawin ko. Wala akong magawa, hindi ko alam paano makakatulong. Hindi ko namamalayang nasabi ko na pala sa kanila ang problema. Hanggang sa may nilagay sa kamay ko ang babaeng kasama ni Erika.
"Ito pang-CT scan at dagdag sa pambayad sa ospital." Sabi niya. Tinignan ko naman ang nilagay niya sa kamay ko.
Pera.
Sampung pirasong tig-iisang libong piso.
Tinignan ko ang babae na may pagtataka. "Pangconcert ko yan pero mas kailangan niyo yan. Yung concert naman na yun kaligayahan ko lang yan pero yung sayo buhay ang nakasalalay." Nakangiti niyang sabi.
Nakarinig kami ng busina at nagsabi ang babae na nandiyan na raw ang sundo niya.
"Thank you, Miss. Babayaran ko to sa'yo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko sinabing utang yan. Huwag kang mag-alala kapag nakita kita rito hindi kita sisingilin." Sabi niya sa akin. Lumingon siya kay Erika, "Hatid mo siya sa ospital." Sabi niya at lumalis na ang babae.
Hindi pa nakakalayo ang sasakyan na sinakyan ng babae ng niyaya na ako ni Erika papasok sa kanyang kotse at hinatid niya ako papuntang ospital. Tinanong ko naman sa kanya ang pangalan ng babaeng tumulong sa akin at masaya niyang sinabi ang pangalan nito.
"Aimee, her name is Aimee. Pumunta siya rito para magpractice kami ng badminton since lalaban kami sa palarong Pambansa."
I will never forget those sweet smile, caring eyes and her loving face. I will never forget her name because she is the reason why would I could help my brother.
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.