Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng operahan si DJ at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sabi ng mga doctor kailangan lang magpahinga ng kakambal ko dahil hindi kinayanan ng katawan niya ang pagkuha ng bone marrow at ang pag-opera sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na hindi ko gustong isakripisyo niya ang kanyang sarili. Lalo pa akong nagsisisi dahil ilang beses pang nagpadala ng mensahe sa amin si Hanna.
"Kuya, kailangan mong sabihin kay ate Hanna kung anong nangyari kay kuya DJ dahil kaibigan rin naman niya ito." sabi sa akin ni EM.
"Alam ko pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin." Pag-amin ko sa kanya.
"Hindi ko na alam sa'yo kuya." Sabi na lamang sa akin ni EM.
Ilang araw kong pinag-iisipan kung paano ko sasabihin sa kanya dahil kahit kapatid ko si DJ, kaibigan rin niya ito. Kahit ilang beses ko pang-isipin kung paano ko sasabihin sa kanya ay hindi ko maiisip kung ano ang maaari niyang sabihin.
Pinulot ko ang cellphone na nasa bedside table ko at hinanap ang numerong gusto kong tawagan. Nang sumagot siya ay sinabi ko sa kanya ang mga nangyari at hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihin hanggang sa tumulo na lamang ang aking luha.
"Oh my god! Is he okay?"
"Yeah, he is just sleeping." Sabi ko sa kanya at narinig ko ang pag-iyak niya.
"Are you okay?"
"I'm sorry. I'm sorry." Tanging sabi niya.
"Why are you saying sorry?"
"I shouldn't accept you as my boyfriend." Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. "You are a nice guy, a loving person, John. But, I don't love you. I am in love with someone else. I am in love with David, John. I am sorry."
"Okay." Napalunkot ako para hindi niya maramdaman ang sakit na sinabi niya sa akin. "I'll keep you posted for his recovery." Sabi ko sa kanya at pinatay ko na ang tawag.
Tama nga ang hinala ko noon pa. Gusto kong magwala, gusto kong magalit. Gusto kong magalit kay DJ dahil siya ang mahal ng mahal ko.
"JJ." Takbo sa akin ni kuya AN. "May masakit sayo?"
"Bakit pakiramdam ko ayoko ng mabuhay?" Nilingon ko si kuya at kitang-kita sa mga mata niya ang gulat. "Hindi niya ko mahal, si DJ yung mahal niya. Magkamukha kami kuya! Mukha ko ay mukha niya bakit siya ang minahal niya pero ako iyong minamahal siya!"
Sa sobrang pagwawala ko ay nakaramdam naman ako ng pagkahilo at unti-unting nagdilim ang aking paningin.
Paggising ko ay napansin ko si EM na nakaupo sa may tabi ng higaan ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin na lamang ako sa madilim na silid. Sa tuwing tumititig ako sa kawalan ay umuulit sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya.
"Kuya, mabuti naman at gising ka na." Narinig kong sabi ni EM pero hindi ko siya pinansin. "Makakauwi ka na raw bukas." Dugtong niyang sabi at doon ako napalingon.
"Si Dj, kamusta na?"
"Gising na siya kuya, baka mamaya aalisin na siya sa ICU at dadahil rito."
"Mabuti naman. Para masabi ko kay Hanna."
"Kuya, hindi mo obligasyon sabihin sa kanya na gising na si Kuya DJ."
"Ikaw na ang nagsabi kaibigan niya yun at saka mahal niya ang kuya DJ mo."
"Oo, kuya sinabi ko yun pero ngayon sinaktan ka niya wala siyang karapatan malaman ang kalagayan ni Kuya DJ galing sa'yo. Maghanap siya ng ibang paraan para malaman ang kalagayan ni Kuya DJ."
"Kay Aimee siya magtatanong."
"Edi magtanong siya kay ate. Wala akong pakialam. Ang kailangan mo, magpagaling. Physical, mental, and psychological."
Hindi ko na lamang pinansin muli si EM pagkatapos niyang sabihin iyon at hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang nakalipas ng bumukas ang pintuan at tinutulak DJ habang nakaupo siya sa wheelchair.
Pinagmasdan ko na lamang siya hanggang sa pagkaupo niya sa higaan niya at umalis na ang nurse na nagdala sa kanya.Nakita ko siyang tinignan ako at ngumiti sa pagngiti niya ay bigla akong nakaramdam ng pagsisisi dahil nabuntong ko sa kanya ang galit ko.
"Sinabi sa akin ni EM kung anong nangyari sa inyo ni Hanna."
"Yeah." Simpleng sagot ko.
"Then tell her that I died."
Napalingon ako sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na iyon ang gusto niyang mangyari.
"Look, JJ. She is my friend, yes. But, if having a little revenge from your pain is making me dead in her eyes then do it. You are my brother, half of my soul. I want you to feel a little relieved."
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.