Ika-siam na kabanata

16 3 0
                                    

Ilang buwan matapos simula ng nakita namin muli si Aimee ay naging malapit na kami sa isa't-isa. Kapansin-pansin ang kasiyahan nito sa mukha pero paminsan minsan ay para siyang tumitigil.


"Ayos ka lang?" Hindi ko na matiis tanungin si Aimee isang araw habang kumakain kami sa Jollyjeep.

"Yup." Sabi nito habang sinusubo ang kutsara na may lamang pagkain. "Nakakamiss lang kumain ng ganitong kasarap." Dugtung niya.


Napatigil naman ako sa pagsubo at tinignan siya at doon ko lang napansin na simula nong huli naming nakita ay nangayayat siya. Kapansin-pansin rin ang malalalim at maiitim sa ibaba ng kanyang mga mata, hindi na ganoon kakintab ang kanyang buhok. Oo, marahil ay nagbago siya pero masasabi kong hindi ito ang pagbabagong gusto niya.


Magsasalita na sana ako ng biglang may naglapag ng isang Mercury Drug na paperbag. Paglingon ko ay ang anak ng amo ni nanay - si Sir Xander.


"AJ! Sabi kong huwag na." Sabi niya rito.

"Tatanggapin mo o isasalaksak ko sa bibig mo?" Masungit na sabi ni sir Xander.

"Alam mo di ko alam bakit ka nagustuhan ni Mia. I mean, you are so mean and a bully."

"Let's just say, I have a charm." Sabi nito at paalis na subalit tumigil ito nilingon muli si Aimee. "Tanggapin mo yan o isusumbong kita kay Kenji."


Nang makaalis na ng tuluyan si sir Xander ay kitang-kita na ang pangingilid ng luha ni Aimee pero nawala ito kaagad na parang tinatago niya ang nangyayari sa kanya. "Ano ba yan?" Tanong ko na lang at balak ko sanang tignan ng hablutin niya at itinago.


"Naku band-aid lang yan. Nagpaltos kasi yung paa ko. Alam mo naman kailangan mag heels."


Nararamdaman kong may tinatago siya. Hindi kaya lumala ang kanyang sakit?


Paalis na kami ni DJ kasama si nanay ng mapansin namin si Aimee na naglalakad una sa amin. Wala na itong suot na heels at napalitan na ito ng tsinelas, kapansin-pansin rin ang buhok nito ay nakatali na ng napakataas na mukhang may kausap. Nilingon ko naman ang kapatid ko na sobrang abala sa pagtitipa sa cellphone namin. Nilingon ko siya at nilingon ko si Aimee.


"Kayong dalawa ba ang nag-uusap?" Tanong ko tapos nakita kong namula ang kakambal ko.

"Nagte-text lang naman." Sabi niya at ipinasok na ang cellphone sa bag.

"Nililigawan mo ba?" Tanong ko at mabilis naman siyang umiling. Natawa na lamang ako hanggang nakauwi kami sa bahay.


Pagdating namin sa bahay ay naroon na si kuya AN at masaya ang mukha nitong sinabi na natanggap siya sa Kyoto University Hospital sa Japan. Marami siyang sinabi sa amin na alam kong nakamit na niya ang kanyang pangarap maging isang nurse pero sa mga sinasabi niya ay alam ko rin kami ang inaalala niya.


Japan ang plano ni Kuya pero kailangan niyang asikasuhin kaagad ang mga kailangan niya para makaalis siya at kailangan niyang magtrabaho doon ng isang taon para makasama kami sa insurance niya at mapagamot niya kami roon. Ang inaalala ko kung makakaabot ba ang isa sa amin sa pinaplano ni kuya dahil hiyang-hiya na kami sumandal sa amo ni nanay.


Ilang linggo ang lumipas at ang ganda ng ngiti lagi ni Aimee dahil raw dumarami na ang mga nagbabasa ng kanyang sinulat. Hindi namin sinasabi sa kanya na marami sinasabi namin iyon sa mga kakilala namin dahil tuwing naririnig kong magkausap sila ni DJ ay parang magpag-aalinlangan siya.


"Hey, who is this Hanna?" Tanong ni DJ sa kanya isang araw na tumambay kami sa kanyang opisina.

"Kaibigan ko." Simpleng tanong niya.


Tumango naman si DJ at pinakita sa akin ang isang komento sa isang post ni Aimee. Napangiti naman ako pero nawala bigla iyon ng biglang napahawak siya sa lamesa at mukhang matutumba. Mabuti na lamang at nasalo kaagad ni DJ ito bago bumagsak.


"Ayos ka lang" Nag-aalalang tanong ni DJ sa kanya. Tumango naman si Aimee at nagpaalam itong aalis na muna. Nang makaalis si Aimee saka ko kinompronta ang kakambal ko.

"Sabihin mo nga ang totoo, may gusto ka ba kay Aimee?" Tumango naman siya at matutuwa na sana ako pero napansin ko ang malungkot nitong mga mata. "Bakit parang hindi ka masaya? Basted ka ba?"

"She loves someone else but that someone doesn't love him back."

"'O, 'di ba dapat paibigin mo siya?"

"Okay lang, kasi baka itong nararamdaman ko hindi pagmamahal baka gusto lang. Ang tulad pa naman ni Aimee kailangan may nagmamahal sa kanya."


Tumango naman ako at hindi na nagkomento dahil kahit kakambal ko siya ay nararamdamn kong tama rin naman ang kanyang sinabi. Pagkalipas ng ilang oras ay nagyaya si Aimee na manood ng sine dahil araw naman ng sahod.


Pumayag naman kami dahil wala namang pasok at may natira kaming ilang pera. Minsan lang magyaya sa amin si Aimee dahil ang madalas ay kami ang nagyaya. Pagkarating namin ay hindi namin alam kung ano ang gusto namin panoorin kaya napagdesisyunan na lang namin na maglibot sa loob ng mall.


Napansin kong humugot ng malamin na hininga si DJ at alam ko ang nangyayari sa kanya. Nahihirapan na siyang maglakad at pinipilit na lang niya. Magsasabi na sana ako kay Aimee ng bigla itong nawalan ng malay at unti-unting nahulog sa sahig.


Naisugod namin siya sa ospital at laking gulat ko ng makita ko sa emergency contact niya ay ang anak ni sir Alex. Pagkarating niya roon ay gusto kong magtanong pero mabuti na lamang at sinagot niya ang tanong ko na hindi ko na kailangang tanungin.


"She doesn't want her family to know that she is getting weaker." Panimula ni Xander. "Tumigil siya sa pag-aaral para sa kapatid niya, then she became battered daughter. She is enduring all this pain, now she is getting weaker because the man love with all her heart gives her false hopes that he loves her too. She is losing her will to fight."


Piniga ang puso ko dahil ang taong nagligtas sa kapatid ko ilang taon na ang nakakaraan ang nahihirapan ngayon.


"Anong kailangan namin gawin para makalaban siya?" Tanong ni DJ na hindi ko alam na nakikinig pala.

"Make her feel that she is not alone. I am here, my cousins are here but it is not enough. She thinks she is not enough." NIlingon niya ako at saka tinignan niya si DJ. "Please make her feel that she is enough. She doesn't need too much effort so that the people she wants make her feel enough. Because we all know how much we tried, as long as a person doesn't give you a damn, he or she will never give you damn."

"Is she - "

"Yes, she is already diagnosed with depression, anxiety and panic attacks. Right now, she is having this facade that she is happy and not needing any help. She needs to learn to give a damn about herself and not just the others."


Mahirap man ang tungkuling iyon pero gusto kong tumulong sa makakaya ko. Kahit bilang na lang ang panahon ko.

MananatiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon