Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng makita namin si Hanna at naging kaibigan rin namin siya. Tuwing nag-uusap kami ay nahihirapan akong dahil habang tumatagal ay nararamdaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya pero hindi ko alam kung gusto rin siya ni DJ.
"Maganda si Hanna, no?" Biglang sabi ni DJ na biglang nagpakabog sa dibdib ko.
Ito na ba ang araw na tuluyang madudurog ang puso ko?
"Nagagandahan ka sa kanya?" Tanong ko. Tinignan naman niya ko ng kakaiba na parang may mali sa sinabi ko.
"Bakit hindi ka nagagandahan sa kanya?" Balik na tanong niya.
Sa tingin niya sa akin ay alam kong sinusuri niya ako. Ako ang nag-aaral na maging doctor at pinag-aaralan namin yang mga bagay na ito pero sa magiging salita ko ay maha-hot seat ako ng wala sa oras.
Tumawa naman siya bago siya nagsalita. "Kahit hindi mo sabihin, alam ko."
"Anong alam mo?" Kinakabahang tanong ko naman sa kanya.
"May gusto ka kay Hanna." Napatigil ako ng kaunti pero tumalikod ako at tinanggi. "Hindi ako tangga, JJ. Kakambal kita at ang nararamdaman mo ay napapakiramdaman ko rin."
"Ano naman ngayon kung gusto ko siya?" Tanong ko sa kanya habang nakatalikod sa kanya at nagkukunwari na may ginagawa sa aming damitan.
"JJ, ligawan mo kung gusto mo. Maiksi ang buhay lalo na ngayon may sakit ka, hindi natin alam hanggang kailan lang tayo. Hindi pwedeng ang sakit mo ang maging hadlang sa kaligayahan mo. Tandaan mo iyan ang sinabi mo sa akin noon." Sabi niya sa akin na hindi ko naramdaman na nakalapit na pala sa akin at saka tinapik niya ang aking balikat.
Ilang araw kong pinag-isipan ang sinabi ni DJ sa akin at alam ko namang tama siya pero ang iniisip ko talaga ay paano kung may gusto pala siya kay Hannah tapos ligawan ko yung tao edi nasaktan ko ang kapatid ko.
"Kuya DJ, nakakahilo ka na alam mo ba yun?" Narinig kong sabi ni EM.
Napatigil naman ako sa paglalakad sa loob ng kwarto ko at nilingon ko si EM. Kampante siyang nakaupo sa higaan ni DJ at nakatingin sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at napansin kong may hawak-hawak siyang libro - libro ko sa internal medicine.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat naman siya na parang wala lang pero alam kong meron iyon at hindi ako nagkamali ng magsalita siya matapos ng ilang minuto, "sabi ni kuya DJ kailangan mo raw ng payo pagdating sa buhay pag-ibig."
"At paano ka makakatulong? NBSB ka pa."
"Oo pero sa dami ng nabasa kong romance novel sa tingin ko medyo may alam na ko ng kaunti diyan."
Umupo naman ako sa tapat niya. "Okay, shoot."
"Kuya sa ugali mo alam ko na ang iniisip mo kaya ayaw mong ligawan itong sinasabi ni kuya DJ na kaibigan ni ate Aimee. Nag-aalala ka na baka may gusto si kuya DJ.
"First of all, kung may gusto si kuya DJ matagal mo ng alam. Hindi natitikom bibig nung taong yun. Second, paano mo malalaman na hindi ka gusto nung tao kung hindi mo susubukan - kaya nga liligawan mo, eh. Third, alam kong takot ka na baka malam niyang may sakit ka at iwanan ka niya. Kaya ngayon pa lang ipaalam mo na para kung liligawan mo siya at nagpaligaw siya tapos sinagot ka edit alam niya kung ano ang pagsubok na ikakaharap niya."
"Hindi madaling sabihin na may sakit ka."
"Duh, kuya. 'Wag mong sabihin na may sakit ka ipakita mo na may iniinom ka ng gamot. Panigurado magtatanong yun sa kaibigan niya"
Matapos umalis ni EM ay tinawagan ko na kaagad si Hannah at laking gulat ko ng sinabi niya sa akin na alam niyang masakit raw kami ni DJ at nanghingi pa siya ng tawad at pinagpupuyat niya kami dati.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil alam na niya o matatakot dahil baka kaawaan niya lamang ako kapag nanligaw na ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/159925441-288-k837069.jpg)
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.