Sa buong dalawang buwan ay nakalikom ako ng mahigit walong-pung libong piso. Ibibigay ko nasa iyon kay nanay ng may pumunta sa bahay namin at may sinabi ito kay nanay. Umalis ito ng bahay na walang sinasabi si nanay hanggang sa umiyak ito. Nilapitan ko naman kaagad si nanay at nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"... bakit kung kailan pa kailangan kita." Sabi ni nanay. Kaya kinabahan ako napansin ko naman si kuya AN na sinundan yung taong pumunta sa bahay. Pagkabalik niya ay inilayo niya si nanay sa akin.
"Nanay, kailangan tayo ni tatay. Kailangan natin pumunta doon."
Kinabahan ako sa sinabi ni kuya AN kay nanay. Kitang-kita ko na sa mata ni kuya AN na nagpapakatatag na lamang siya. Anong nangyari kay tatay para umiyak ng ganito si nanay at ganito ang emosyong pinakikita ni kuya AN?
"JJ, kunin mo si DJ kailangan nating puntahan si tatay. EM, bantayan mo muna si nanay may kukunin lang ako." Iyon lang ang sinabi ni kuya AN kaya nagmadali na rin akong pumunta sa kwarto namin ni DJ.
Nagtanong si DJ at tanging nasabi ko lang ay may nangyari kay tatay kaya kailangan naming pumunta sa ospital. Kinuha ko naman ang pitaka ko para kahit papaano ay makatulong ako kila nanay at kahit medyo nahihilo pa si DJ ay tumayo siya at dahan-dahan pero mabilis kaming lumabas ng kwarto. Nadatnan naman namin si kuya AN na may nilagay na pera sa kanyang pitaka at sabay-sabay kaming umalis ng bahay. Laking pasasalamat na lamang rin naman dahil isa sa kapitbahay namin ang nasakyan naming jeep at dinala kami sa Ospital ng Sampaloc.
Pagkarating namin sa ospital ay maraming tao ang sana emergency room. Si kuya AN ay nagmamadaling pumunta sa isang doctor roon at mukhang may tinanong. May tinuro naman ang doctor at giniya kami ni kuya AN palabas sa emergency room at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hanggang sa makarating kami sa basement ng ospital, kinabahan na ko dahil madalas sa mga napapanood ko ay ang nasa basement ay ang morgue.
Tinignan ko naman si nanay na kanina pa iyak ng iyak ng nasa bahay pa kami habang si kuya na naman ay nakakuyom ang mga palad nito.
"Kuya?" Hindi na ako nakatiis at tinawag ko na si kuya AN. Tumango naman siya sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha pero yung kanyang mga mata ay puno ng emosyon. Hindi na lamang ako kumibo at hinayaan kong dalhin kami ni kuya AN sa morgue kung nasaan si tatay.
"Nasa morgue na si tatay?" Bulong sa akin ni DJ. Tumango naman ako at tinignan siya.
Tumigil siya sa paglalakad at pumikit. Maya-maya ay may luha ng tumulo sa kanyang mga mata at ganun rin ako. Hindi namin mapakita ang emosyon na ito kay EM dahil sobra niya kaming tinitingala.
Ilang minuto ang tumagal ng pinunasan namin ang mga luha naming naglabasan at nagmadali kaming sumunod kila EM. Pagkarating namin sa loob ng morgue ay nakalabas na si tatay sa isang freezer, si nanay at si EM naman ay umiiyak. Hindi ko alam kung kailangan ba namin ilabas itong nararamdaman namin pero inaalala ko sila nanay at EM dahil kami ang sandalan nila kapag kami bumagsak tulad nila sino na ang mag-aangat sa amin.
Lumapit sa amin ang isang lalaking mukhang nagtatrabaho sa morgue at may inabot sa amin isang malaking sealable bag. Nandoon ang cellphone, wallet at kung anu-ano pa ang naroon pero isa ang napansin ko, mayroong isang envelope na makapal ang laman. Binuksan ko ang sealable bag at saka ko binuksan ang envelop, laking gulat ko ang laman.
Ilang daang libong piso.
Tinawag ko si kuya AN at sinabi niya sa akin kung anong ginawa ni tatay ngayong araw. Lumapit naman si kuya AN sa mga nagtatrabaho sa morgue at inasikaso niya si tatay para sa kanyang lamay.
Nakaharap kami ngayon sa kabaong ni tatay at hindi pa rin tumitigil si nanay sa kakaiyak. Si EM naman ay nahimasmasan sa pag-iyak. Hindi pa rin ako makapaniwala na may mga taong gagawa ng masama para lamang sa pera.
Hiniram ni tatay sa may ari ng kumpanya ang pera nasa envelope na naglalaman ng isang daang libong piso at may gustong kumuha nito kay tatay dahil hindi binigay ni tatay ang pera ay walang awang pinatay nila si tatay. May nakakita at tumulong kay tatay pero huli na ang lahat, ang sabi na lamang ng nagresponde kay tatay ay mabuti na lamang hindi nakuha ang pera dahil mukha raw nakailangan namin iyon.
Napalingon ako kay kuya AN ng tinawag niya ako. Umalis naman ako sa kinauupuan ko at pumunta kay kuya AN. Inabot niya sa akin ang cellphone ni tatay at pinakita niya sa akin ang text message ng doctor na tumingin kay DJ noong nasa ospital.
Mr. Dela Cruz, kailangan nating maoperahan ang anak niyo kaagad. Alam niyo ang maaaring mangyari dahil cancerous ito.
Sa nabasa ko ay napaupo ako sa sahig at hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Niyakap naman ako ni kuya AN at sinabi sa akin na ilabas ko raw lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Pero paano siya? Kanino siya tatakbo para mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
Doon ko lang napagtanto kung bakit hindi masabi sa amin ni nanay at tatay ang kalagayan ni DJ dahil maaaring mawala siya sa amin. Sa di inaasahang pangyayari si tatay nawala dahil sa kakahanap nila ng paraan para kay DJ.
Matapos kong umiyak ay nagpaalam ako kay kuya AN na aalis muna ako para makapag-isa at pinabantayan ko muna si DJ sa kanya dahil lagi itong nahihilo. Pumunta lamang ako sa basketball court ng lugar namin at tinignan ko itong mabuti dahil tandang-tanda ko si tatay ang gumawa ng basketball hoops na iyon para may maging libangan kaming mga bata.
"Salamat, tatay." Iyon ang bulong ko habang tinitignan ko ang basketball hoops na ginawa niya. "Salamat dahil kahit buhay mo ang nakasalalay hindi mo pinabayaan si DJ, di mo kami pinabayaan. 'Wag kang mag-alala tutulungan ko si nanay at kuya AN para mataguyod namin ang pamilyang ito. Kaya namin ito. Gabayan niyo na lang kami tulad ng dati. Salamat sa pagmamahal at gabay. Hindi ko pababayaan si DJ at EM, pangako ko yan sa inyo."
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.