Padilim ng padilim ang paligid at pero patuloy pa rin kong ginagawa ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ilang buwan o taon na ang nakakalipas mula operahan kami pero isa lamang ang alam ko, dumidilim ang lahat.
Masaya ako para kay DJ na sinabing wala ng tumor ang kanyang utak pero kailangan pa rin niyang ingatan ang sarili dahil maaari raw bumalik iyon. Habang ako patuloy pa rin sa paglaban sa sakit ko. Parang hindi na tumatalab ang chemotherapy at ang mga gamot na binibigay sa akin pero patuloy ko pa ring tinatanggap.
"Good morning, John!" Maligayang pagbati sa akin ni Aimee.
Tinignan ko naman ang orasan ko at malapit ng mag-alas dose ng tanghali. "Hindi na umaga, tanghali na." Sabi ko naman sa kanya.
"Alam ko pero para maganda ang pasok ng biyaya dapat laging morning." Paliwanag niya na may ngiti sa labi.
Tinanguan ko na lamang siya at nagpatuloy kaming maglibot sa mall kung nasaan malapit ang ospital na pinagtatrabahuhan ko. Kahit kailan manghang-mangha ako kay Aimee dahil kahit alam na ng lahat ng kaibigan niya na may pinagdadaaan siya ay nagpapakita pa rin siya ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Paano mo nagagawang ngumiti kahit may problema ka?" Tanong ko sa kanya at napatigil naman siya sa pagsubo ng kinakain niyang somai.
Ilang minuto kong hinintay ang kanyang sagot at maya-maya ay tinignan niya ako na may malungkot na ngiti, "hindi madali pero iniisip ko na ang problema ko hindi dapat pasan ng iba dahil may pasan-pasan rin naman kayong problema. Kaya kahit papaano ngingiti ako para makagaan."
"Pero mabigat ang pakiramdam mo." Puna ko.
"Matagal ng mabigat simula ng maging teenager ako. Simula ng naging babae ako sa paningin ni papa."
"Pero babae ka."
"Lalaki tingin niya sa akin noong bata ako kahit nagpapalda ako. Kaya 'di ba tawag sa akin ng mga pinsan ko transgender ako. I just claimed that title since kilos lalaki naman ako minsan at saka bisexual ako." Sabi niya
"Hindi ka ba naooffend dahil lang identity ang binibigay nila sayo?"
"Maooffend ako edi sasabihin nilang pikon ako? Kung naging kamag-anak mo sila siguradong natakwil mo na sila." Patapos niya sa usapan namin at nagpatuloy na lang kami pagagala hanggang sa oras na ng duty ko sa trabaho.
Hindi ko na lamang tinanong sa kanya kung bakit ganoon ang tingin sa kanya ng tatay niya at ng kamag-anak niya dahil paniguradong magagawan niya ng paraan para mailabas ko ang nararamdaman ko ngayon. Ako ang nsasa medical field at nasanay na nakakasama ang mga Psychologist pero kapag ginagawa ko sa kanya yun ako naibabalik niya sakin at nagdala na ko kaya hindi ko na ginawa pang muli.
Matapos naming magkita ni Aimee ay bumalik na ko sa ospital at ginawa ko ang dapat kong gawin.
Sa bawat araw na lumipas hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung bakit unti-unting nawawala ang makulay na kulay ng mundong ginagalawan ko parang nawawalan na rin ng sigla.
"JJ, you okay?" Tanong ni kuya AN. Tumango na lamang ako at dumiretso sa kwarto namin ni DJ. Alam kong balak akong pigilan ni kuya AN pero hindi ko siya pinansin. Ayokong mamroblema pa siya sakin. Problemado na nga siya sa pag-aaral ni EM at mga gastusin sa bahay.
Pagdating ko sa kwarto ay nakaramdam naman ako ng pagsakit sa katawan ko. Nilingon ko ang medicine box ko at naiisip kung iinom ba ko ng pain reliever pero napagdesisyunan kong hindi uminom at humiga na lang sa kama. Kahit masakit ang nararamdaman ko ay pinikit ko ang mga mata ko at pilit kong itulog ang nararamdaman kong sakin. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakatulog ako sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na kong tulog pero naging gising ako dahil sa sobrang liwanag nalumilitaw sa nakapikit kong mga mata. Pagbukas ng aking mga mata ay sobrang makulay ng mga nakikita ko na ikinatulo ng aking luha dahil hindi ko na to naranasan simula ng maghiwalay kami ni Hanna.
"Bakit ka umiiyak?" Napalingon ako sa taong nagsalita.
"Tatay." Napatayo ako at doon ko lang napansin na nasa isang talahiban kami.
"Bakit ka umiiyak?" Umiling ako dahil alam kong panaginip lang to. Wala na si tatay kaya hindi pwedeng makasama ko siya. "Ikaw talaga. Nagagandahan ka rito?"
Tumango naman ako na ikinangiti ni tatay. "Naghihintay na ang lolo't lola mo." Sabi niya sa akin matapos ng ilang minuto.
Sa sinabi ni tatay ay biglang kumirot ang puso ko at nilingon ko ang aking likuran. Walang daan kung hindi puro puno at magandang hardin.
Mukhang nakuha ni tatay ang gusto kong ipahiwatig at nararamdaman niya ang maaari kong gawin sa paglingon ko. "John, kaya ni Abraham ang pamilya. Aalagaan ni David si Elizabeth wala kang dapat ipag-alala."
"Nangako ako sayo."
"At natupad mo naman iyon, anak. Sa sobrang sakripisyo mo napabayaan mo na ang sarili mo kaya pinsusundo ka na sa akin para naman sarili mo naman asikasuhin mo."
Hahakban na sana ako ng maalala ko ang kakambal ko at kung ano ang mararamdaman niya. "Paano si DJ? Malulungkot siya di niya na mararamdam yung nararamdaman ko. Si Hanna magiguilty siya."
"Tama ka malulungkot si David kasi hindi ka niya mararamdaman pero matutuwa siya dahil hindi ka masasaktan pa. Ang pagkawala mo ang susubok sa pagkatao ni Hanna pero sa tingin ko si Aimee ang magiguity at alam mo kung bakit." Ngumiti ulit si tatay. "Halika na, maraming naghihintay na sayo sa loob." Nilahad ni tatay ang kanyang kamay. Tinignan ko muna iyon at saka lumingon muli kay tatay.
"Hindi kaya galit sila sa akin?"
"Hindi sila galit pero para malaman mo ang totoo kailangan mong sumama." Itinaas niya ang kanyang palad para ipahiwatig na hawakan ko iyon. Tinangap ko naman iyon at sabay kaming naglakad ni tatay papuntang sa isang malaking gate kung saan alam na alam ko kung ano iyon.
Walang problema, walang sakit, at puro kasiyahan lang ang mararamdaman. Sa paglakbay ko patungko kung nasaan si tatay ay sana maging maayos ang pamilya at mga kaibigang iniwanan ko.
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.