Ilang araw kong pinag-isipan ang plano ko kung liligawan ko si Hanna at nang tanungin ko siya ay pumayag siyang magpaligaw naman. Ilang buwan ang nakalipas ay sinagot naman niya ako.
Ang pinagtatakahan ko lang ilang beses akong nagsabi sa kanya na dadayo ako sa Cavite upang doon pormal na manligaw pero hindi siya pumayag. Hindi ko alam kung ayaw ng magulang niya na may manligaw sa kanya o talagang ganun lamang talaga siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ni DJ sa akin.
"May iniisip lang." Sabi ko naman sa kanya
"Ano iniisip mo si Hanna o ang paglihim mo sa akin na match tayo para sa bone marrow mo?" Nakataas niyang kilay na sabi.
Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil halos isang taon kong tinatago sa kanya iyon at gumagawa ako ng paraan para hindi niya malaman pero nalaman pa rin niya.
"Oh, natahimik ka? Dahil nabuking kita sa lihim mo?"
"Paano mo nalaman tungkol doon sa -"
Napatayo ako kasabay ng pagsalita niya, "akala mo ba malilihim mo sa akin. Tangina naman JJ, kakambal mo ako tapos itatago mo sa akin yung bagay na iyon?"
"Iyon nga ang dahilan. Dahil alam kong magpriprisinta ka kapag nalaman mo. DJ, tandaan mo may sakit ka rin hindi lang ako ang may sakit sa pamilyang 'to."
"Yung sakit ko sa utak! Tumor, hindi dugo na pwedeng kumalat ang cancer."
"May ibang paraan hindi pwedeng isakripisyo mo ang sarili mo." Sabi ko sa kanya at tatalikod na sana upang matapos na itong pag-uusap namin.
"Paano kung wala? Paano kung ako lang ang paraan mo? Hahayaan mong lumalala bago ka humingi ng tulong sa akin?
"JJ, pwedeng pagsabayin ang pagkuha ng bone marrow sa pagtanggal ng tumor ko. Hindi pwedeng laging ikaw na lang ang magsasakripisyo para sa ating dalawa. Oo mas matanda ka ng ilang minuto pero hindi ibig sabihin kailangan mo ng magpaka-kuya sa akin. Iniwan tayo ni tatay dahil alam niyang kaya natin itong pagsubok na 'to, ang pagsubok na 'to ay hindi para kay kuya o sayo lang dahil para sa akin, kay nanay at kay EM rin 'tong pagsubok na 'to."
"DJ -"
"Nagsabi na ko sa doktor ko kung pwede pagsabayin ang extraction ng bone marrow at pagtanggal ng tumor ko, at pwede raw. Isasabay nila ang extraction sa pagtanggal ng tumor ko sa susunod na buwan. Nasabi ko na rin kay Sir Alex at payag siya. Hindi ka pwedeng humindi dahil ako ang donor kaya sa susunod na buwan parehas tayong mako-confine para sa tumor ko at para sa bone marrow transplant mo." Sabi lang niya at iniwanan niya na ko na hindi ko man lang nagawang kumontra sa sinbabi niya.
Magkasama kami ngayon ni Aimee at naglalakad-lakad sa Megamall at nagkukwento siya sa akin tungkol sa isang lalaki at gusto raw niyang malaman kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang lalaki pero hindi ako makapagbigay ng saloobin ko sa kinukwento niya dahil hindi pa rin mawala sa utak ko ang sinabi sa akin ng kakambal ko.
"Ako ang nanghihingi sa'yo ng payo pero bakit parang mas kailangan mo ata?" Biglang tanong niya.
"Patawad. Ano ba yun tanong mo?" Tanong ko naman sa kanya. Ayokong ikwento sa kanya na nag-away kami ng kakambal ko.
"Nag-away kayo ni momsie?" Tanon niya.
Momsie ang tawag niya kay Hanna at mabuti na lang talaga at hindi Popsie ang tinawag niya sa akin kasi baka gawin ko siyang popsicle.
"Hindi kami ni Hanna ang nag-away."
"'Edi sino ang nakaaway mo? Don't tell me si DJ?" Gulat niyang tanong sa akin.
Tumango naman ako at kinukwento naman sa kanya ang nangyari. Seryoso siyang nakikinig at alam kong may sasabihin niya pagkatapos kong magkwento. Nilingon niya ako ng matagal bago siya nagbuntong-hininga.
"Parehas kayong tama pero mali na tinago mo sa kanya na match ako ng bone marrow. Oo, natatakot ka baka pumayag siya pero sana sinabi mo pa rin para kahit papaano handa ka sa maaring mangyari. Ngayon, dahil hindi mo sinabi nagulat ka sa mga ginawa niyang hakbang para sa bone marrow transplant mo."
"Ayoko lang naman magsakripisyo siya para akin."
"Pero nagsakripisyo ka rin para sa kanya. Kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may sinakripisyo ka sa kanya, ate rin ako at may mga bagay akong sinakripisyo para sa kapatid ko."
"Sa tingin mo dapat na hayaan ko na lang na gawin niya ang extration ng bone marrow niya para sa akin?"
"I am sure naman na sinabi na sa kanya ng doktor kung ano ang pros and cons ng gagawin niya at kahit naman sabihin mong 'wag panigurado igigitgit niya. Hello, stubborn kaya kapatid mo."
Matapos ang pangyayaring iyon ay umuwi kaagad ako at napagdesisyunan kong tawagan si Hanna dahil medyo gabi na rin ay hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tawag ko. Hindi rin ako mapakali ng hindi ko makita ang kakambal kong nasa kwarto ko kaya hinanap ko siya sa buong kabahayan at natagpuan ko siyang kausap si EM. Nanghingi naman ako ng paalam kung pwede kong makausap si DJ at mabuti na lamang pumayag siya at binigyan kami ng privacy ni EM.
Tama naman kasi si Aimee, dapat sinabi ko pa rin na match kami para naman nasabi ko kaagad sa kanya na huwag siyang magdonate, kaya humingi ako ng tawad kay DJ kung at pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako naglihim sa kanya at humingi siya rin ng tawad sa pangunguna sa balak niyang maging donor ko pero hindi pa rin raw niya babawiin iyon.
Dalawang buwan matapos ang pag-aaway namin ay nadito kami ngayon sa ospital at sa isang private room kami dinala ni nanay dahil nakaipon na rin raw siya sa lahat ng binibigay ni kuya AN sa trabaho niya.
Kinakabahan ako sa magiging operasyon ni DJ hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, pero itong kakambal ko parang wala lang sa kanya. Hanggang sa oras na ng operasyon niya, ilang oras rin tumagal iyon pero halos isang oras lamang ay dumarating na ang isang doctor at nilagay na sa akin ang nakuha nilang bone marrow kay DJ.
Ilang oras pa ang tinagal ng operasyon ni DJ hanggang sa nilabas na ang kakambal ko at sinabing natanggal na ang tumor sa ulo nito. Hihintayin na lamang siyang magising para masabing matagumpay ang operasyon niya.
Nakatulog na ko't lahat ay napansin ko si nanay na halos naiiyak at maya-maya pa ay dumating ang mga doktor at nurse sa kwarto namin at kung anu-ano ang pinaggagawa nila sa kakambal ko.
"Anong nangyayari?" Tanong ko habang pinipilit kong tumayo.
Nanghihina akong umupo sa higaan ko at balak kong tumayo pa papunta kay nanay pero pinigilan ako ng isang nurse at may isa pang nurse ang nagharang ng kurtina sa pagitan namin upang hindi ko makita kung anong nangyayari.
"Anong nangyayari?" Tanong ko ulit pero nakaderekta ang mga mata ko sa doktor na naiwan sa tabi ko at may tinitignan siya sa IV ko.
"May tinitignan lang sila sa kakambal mo, wag kang mag-alala." Sabi niya.
Pagkaalis na pagkaalis ng kamay niya sa IV ay nararamdaman kong nahihilo na ako at bumabagsak na ang aking mga mata pero bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay narinig ko pa ang sinabi ng doktor.
"We need to closely monitor your son, Mrs. Dela Cruz pero sa ngayon kailangan natin ang mga aparatong ito dahil mahigit bente-kwatro ng hindi nagigising ang anak mo... I am sorry, currently he is in comatose."
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.