Ikalimang Kabanata

19 5 0
                                    

Matapos ang ilang araw ay nailibing na si tatay at balik sa pagtatrabaho naman si nanay. Si kuya AN naman ay nagbawas ng subject load niya para raw makatulong kay nanay at naging working student si kuya AN sa Mcdonald's.

Kami naman ni DJ gusto sana naming hindi magkolehiyo muna para makatulong kay nanay pero nag-offer si sir Alex kay nanay ng scholarship sa amin. Kahit saan raw na eskwelahan ay pag-aaralin niya kami pero natanggap kami sa Unibersidad ng Pilipinas. Si DJ sa College of Architecture habang ako sa College of Medicine.

Architecture kasi ang gusto ni DJ habang ako gusto ko maging doktor kaya ang magiging premedicine ko ay medical technology. Napagdesisyunan na lamang ni sir Alex na lahat ng kakailanganin namin para sa pag-aaral namin ay sasagutin niya.

Nalaman rin pala namin na hindi sinabi ni nanay kay Sir Alex yung kondisyon ni DJ. Hindi naman namin tinago na kay DJ ang kalagayan niya at naintindihan niya kami. Si EM naman ay nagdesisyon na magbenta ng mga kung anu-ano sa eskwelahan niya para raw kahit papaano ay makatulong siya sa gastusin sa bahay.

Ako naman nagpapatuloy pa rin na maging drummer nila Dominic dahil hindi na nakabalik yung drummer nila pero hindi na madalas dahil masyado na kaming nakatuon sa kursong tinahak namin. Yung mga allowance ko tinitipid ko pero minsan sumasakit mga buto ko pero dinededma ko. Mas importanteng matapos ko itong pag-aaral.

Lumagpas ang kaarawan namin at ganun pa rin ang sitwasyon ni DJ. Hindi naman kami naghahanda ni DJ kaya ayos lamang. Dumating ang December at papunta na dapat ako sa Divisoria para kunin ang kakanin na ibebenta ni EM nang biglang namilipit sa sakit si EM. Wala ang kanyang kuya AN dahil nasa eskwela at gayun din si DJ kaya nataranta ako at tinakbo sa ospital si EM.

Pagkarating namin sa ospital ay kung anu-ano ang mga ginawa kay EM hanggang sa nadetect na kailangang operahan si EM. Tinignan ko ang pitaka ko at marami na rin akong naipong pera. Bago operahan si EM ay natanong ko pa sa doctor kung magkano ang magiging halaga ng magiging opera ni EM at mabuti na lamang ay maaaring magkasya yung inipon kong pera.

Nakitawag ako sa nurse station ng makita ko ang oras na nakauwi si kuya AN at tinawagan ko siya. Sinabi ko sa kanya ang nangyari at halos wala pang ilang oras ay dumating na si kuya AN.

Oras rin ang tinagal ng operasyon ni EM at nang matapos ito ay dinala kaagad sa kwarto si EM. Nagdahilan naman si kuya AN kay nanay at DJ para hindi kami hanapin ni EM.

"Para kila nanay, tayo na ang bahala kay EM. Manatili ka rito sa ospital at kung may kailangan ka itext mo ako." Sabi ni kuya AN at inabot nito ang cellphone ni tatay. Tumango naman ako at umalis naman siya para siguro hindi makahalata sila nanay.


Dumaan ang ilang araw at nakalabas na ng ospital si EM. Sinabi namin sa kanya na hindi alam ni nanay na naoperahan siya ng appendics para hindi mag-alala si nanay. Nagtanong naman siya kung saan nakakuha ng perang pang bayad sa ospital. Hindi ko sinabi sa kanya na yung ginamit ko ay para pandagdag sa pagpapaopera ni DJ.

Pagkauwi namin sa bahay ay maingat pero bumalik sa dating gawi si EM para hindi mahalata at paminsan-minsan ay ako o si kuya AN ang gumawaga ng mga gawain ni EM.

Naupo si EM sa upuan sa may hapag-kainan habang naghuhugas ng pinggan si kuya AN.

"Mga kuya, alam kong may tumor sa utak si kuya DJ pero ayaw sa akin sabihin ni nanay kung cancerous ba o hindi. Gusto kong malaman." Sabi sa amin ni EM.

"Hindi mo kakayanin kapag nalaman mo." Sabi ni kuya AN.

"Mga kuya para kay nanay gusto kong makatulong." Gitgit ni EM.

"Kuya, tama naman si EM. Kailangan handa rin siya sa maaaring mangyari." Sabi ko naman.

Inilabas naman ni kuya AN ang cellophone ni tatay na ibinigay niya sa akin noong nasa ospital si EM. Mukhang pababasahin ni kuya AN ang pinadala na mensahe noon nung doctor.

Tumagal ng ilang minuto bago nagsalita si EM, "parang alam ko na to dahil hindi sinasabi ni nanay pero alam na ba ni kuya DJ." Umiling naman kaming dalawa ni kuya AN, "pero kailangan niyang malaman."

"Hindi naman natin posisyon yun para magsabi sa kanya dahil si nanay ang dapat magsabi kay DJ." Sabi ko naman kay EM.

"Kuya AN, kinombinsi mo ba si nanay?" Tanong naman ni EM.

"Araw-araw pero wala. Ayaw niyang sabihin dahil alam mo naman si DJ kapag alam niyang mahihirapan tayo hindi niya gustong gawin natin iyon sa kanya."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni kuya AN dahil tama naman siya, kung alam ni DJ na may tumor siya at cancerous pa ito, hindi na niya gugustuhing lumaban para makagaan sa amin. Higit sa lahat ang pera na naiuwi ni tatay kaya siya napatay ay para sa pagpapapaopera ni DJ. Magkakaroon ng guilty feelings itong si DJ na kasalanan niya kaya nawala si tatay. Hindi ko iyon matatanggap kaya hahayaan kong si nanay ang magsabi para maipaliwanag sa kanya na hindi niya iyon kasalanan.

Sa sitwasyong ito si DJ ang nakatago sa dilim, sa totoong kalagayan niya. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sinasabi ni nanay sa kanya para inumin niya ang mga gamot na iyon. Hindi ko rin alam paanong pagkumbinsi ang ginawa ni nanay kay DJ para masusustansyang pagkain ang kainin nito. Siguro ginagamit na ni nanay ang alas niya sa pagiging nanay's boy ni DJ kaya nagagawa niya ito.

"EM, napalitan mo na ba ng gasa?" Pabulong kong sabi at tumango naman siya.

Kailangang palitan ni EM ang gasa na nakalagay sa may tahi ng operation niya at alam kong kapag nagkamali si EM ng pagtapon naiyon ay mabubuking kami ni nanay. Sana na lamang ay hindi niya kinalimutang sa kwarto niya ibabalot niya iyon sa mga papel na ibinigay ko sa kanya at sabay tapos sa basurahan sa may basketball court.

Tatay, parang awa niyo na huwag niyong hayaan na malaman ni nanay ang nangyari kay EM dahil baka hindi na niya kayanin. Dahil ako, kaunti na lamang at hindi ko na kakayanin.

Dumukdok ako sa may lamesa ng hapagkainan at nakakaramdam ako ng lamig. Naramdaman kong may lumapit sa akin at may humawak sa leeg ko.

"Matulog ka na at magpahinga. Mukhang lalagnatin ka pa." Nag-aalala sabi ni kuya AN sa akin.

MananatiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon