Ilang araw na lamang at graduation na namin at laking pasasalamat ko na lang na nakapagtapos na sa pagsusulit si DJ bago siya naospital. Ilang araw na rin siyang nasa ospital at araw-araw dumadalaw ang kambal na Uytingco. Hangga't maaari ay nag-aabot sila ng pera para raw makabawas sa gastusin sa ospital.
Dumating ang graduation namin at tangging si EM lang ang pumunta sa graduation ko. Masakit pero naiintindihan ko naman, si kuya AN may summer job, at si nanay at tatay naman kailangan magtrabaho para may pambayad sa gastusin sa ospital. Nagulat nga ako at nagsabit ng sampaguita si EM sa leeg ko, hindi ko alam paano nakakuha ng pera si EM pero napangiti na lamang ako.
Nakapila kami ngayon para kunin ang diploma namin dahil Dela Cruz ang apelyido ko ay halos nasa unahan ako ng mga nakapila. Hindi ko nga alam paano mangyayari kay DJ dahil siya ang mas una sa akin.
Napalingon ako kay Mrs. Reyes dahil tinapik niya ako sa balikat at sinabi niyang hindi niya babanggitin ang pangalan ng kapatid ko kapag sa oras ng kukunin ang diploma. Nasa special award ang kapatid ko raw at doon na lamang nila babanggitin ang pangalan niya. Ako na lang daw ang kumuha para sa kakambal ko. Tumango na lamang ako dahil iyon lamang ang magagawa ko para sa kakambal ko na nagpapakahirap sa ospital.
Natapos ang pagtawag ng mga graduates na kukuha ng diploma at hindi nga tinawag ni Mrs. Reyes ang pangalan ni DJ pero sa special awards ay tinawag siya at gustong maiyak dahil sa kanyang sinabi.
"Everyone has graduated, but not everyone is here today to get their diploma. One person is at the hospital right now fighting for his life. He is the bass guitarist, a tree activist, a great student, an amazing son, brother and an awesome twin brother to John Dela Cruz. I want his twin brother to get his special award for best tree activist and his diploma, John." Tumayo naman ako at pumunta sa entablado upang kunin ang award at diploma niya. Pagkakuhang pagkakuha ko ay nakarinig ako maraming pumalakpak.
Natapos ang graduation at balak naming dumiretso ni EM sa ospital pero tinawag ako ni Mrs. Reyes at pinakilala ako sa mayor ng Maynila - mayor ng siyudad namin. Ang dami niyang tinanong sa akin at maya-maya pa ay niyaya kami na sumakay sa sasakyan niya para ihatid kami sa ospital.
Pagkarating naman namin roon ay ang daming tinanong ni mayor sa amin ni EM at hindi ko na matandaan yung iba pero dinala niya kami hanggang sa kwarto ni DJ. Nadatnan niya roon si kuya AN at nakipagkamay siya sa kuya ko. Tinignan pa nga niya si DJ na natutulog at tinanong kung may resulta na kung kailangan na operahan ang kakambal ko pero sinabi ni kuya AN nag-iipon pa kami ng pera pang MRI. Tumango lamang si mayor at nagpaalam na siya. Narinig ko pa ngang bumulong siya kay DJ ng get well soon.
Kinabukasan ay masayang sinabi sa amin nila nanay at tatay na konti na lamang at makakapag-MRI na raw si DJ pero laking gulat namin ng may isang doctor na pumunta sa kwarto at sinabing i-MRI na raw si DJ. Tinignan ko si kuya AN pero umiling siya kaya nakakunot ang noo ko.
Wala si EM sa kwarto kaya kinabahan ako kaya nagmamadali akong hinanap siya sa labas at natagpuan ko siya palabas ng elevator at may hawak siyang resibo.
"MRI?" Iyon lang ang tanong ko at tumango si EM. "Sinabi ko kasi sa teacher ko yung nangyari kay kuya DJ kaya hindi ako nakakapasok kaya napagdesisyunan nilang maglikom ng pera para kay kuya DJ at nakalikom sila ng nasa walong-libo. Kaya nagbayad kaagad sila para sa MRI ni kuya DJ at yung sumobra ay ginamit para pambawas ng gastusin rito sa ospital. Binigay na lamang nila yung resibo sa akin."
Hindi ko na kailangan ng ibang paliwanag at niyakap ko nakaagad siya. Hindi ko alam kung paano nila nagawa pero laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil malalaman na kung cancerous ba o hindi ang tumor ni DJ.
Matapos ang MRI ni DJ ay nagising na siya kinabukasan at may ngiti siya sa labi. Inabot ko naman sa kanya yung diploma niya at yung award sa kanya. Nagpasalamat naman siya sa akin at humingi rin siya ng tawad pero hindi ko tinanggap ang tawad niya dahil hindi niya kasalanan ang nangyari.
Ilang araw na hindi dumating ang doctor matapos ang MRI ni DJ pero sabi nila nanay at tatay alam na nila ang resulta. Mukhang ayaw nilang paalam sa amin. Nakalabas na ng ospital si DJ at hangga't maaari hindi siya pinakikilos nila nanay at tatay dahil nahihilo pa rin siya. Nakita ko ring may resetang ibinigay kay nanay ang doctor bago makaalis si DJ sa ospital.
Alam ko naman na kapag gustong sabihin ni nanay at tatay sasabihin naman nila. Kaya hinayaan ko na lamang sila. Napalingon kami ni DJ sa may pintuan ng sumilip si kuya AN. Inabot na lang niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko ang text message ni Dominic sa akin.
"Wala kaming drummer dahil nasa probinsya. Gusto mo ikaw? May gig kami sa Morato sa susunod na linggo, ikaw kaagad ang naisip ko dahil medyo malaking pera ang bayad. Makakatulong iyon sa kapatid mo."
Iyon lang ang sinabi ni Dominic sa kanya at tinignan ko ang kuya AN ko at sinabi niya sa akin na desisyon ko pa rin iyon pero alam ko naman raw kung ano ang sasabihin niya. Nagreply naman ako sa text ni Dominic at mabilis itong nagreply na nakalagay kung saan magkikita at anong oras.
Tanong naman ng tanong sa akin si DJ kung ano yun pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo dahil ito na pagkakataon ko para makatulong sa kanya at sa mga magulang ko. Gagawin ko ito para sa kakambal ko para kahit papaano ay may magawa ako para sa kakambal ko.
I want to make sure that he will live. Whatever it takes, he will live.
![](https://img.wattpad.com/cover/159925441-288-k837069.jpg)
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.