Ikaanim na Kabanata

21 3 1
                                    

Linggo ngayon at walang pasok si nanay at lahat kami sa bahay. Si DJ ay nasa kwarto pa rin at nakahiga, si kuya AN naghahanap ng mapagkikitaan at si EM ay nasa kwarto niya. Habang ako ay naglalagay ng mga damit sa kwadro namin.


"Mamamatay ata ako ng maaga." Biglang sabi ni DJ at napalingon naman ako sa kanya. Hawak niya ang isang gamot at nakatingin siya rito. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa may higaan niya.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko. Nilingon naman niya ako na parang sinasabing hindi ko siya maloloko. "Hindi ka mamatay ng maaga. Tandaan mo yan."

"JJ, marunong naman akong maghanap. Nakita ko sa internet yun mga gamot na iniinom ko. Nasabi niyo na rin na may tumor ako pero hindi niyo sinabi kung cancerous ba o hindi." Paliwanag ni DJ.

"Dahil si nanay ang kailangan magsabi sa'yo."

"Ikaw ang kakambal ko, sa hirap o sa ginhawa dikit ang kaluluwa at puso natin. Sabihin mo na."

"Nung nalaman ko pa lang nasasaktan na ako paano pa kaya kung alam mo? Mas nasasaktan ako."

"Pero mas nasasaktan ako kapag hindi niyo sinasabi."


Napabuntong-hininga na lamang ako at sinabi sa kanya ang totoo. Tumango naman siya at sinabi kong magpagaling siya siya at gagawin namin ang lahat para maging maayos siya. Aayaw sana siya pero hindi iyon natuloy ng biglang pumasok si kuya AN sa kwarto.


"Si nanay nakay EM." Biglang sabi niya at umalis ito kaagad.


Lumingon naman ako kay DJ at sinabi kong humiga lamang siya pero hindi siya nakinig at sumunod siya sa amin. Kitang-kita ko na pinagagalitan ni nanay si EM. Bumulong ako kay kuya AN kung anong nangyayari at sinabi naman niya na nakita ni nanay na nagbibihis raw si EM at napansin ang gasa nito kaya nagtanong. Hindi pwedeng magsinungaling na si EM kay nanay dahil hindi titigil si nanay hanggat hindi . Lumingon siya sa amin at tinignan niya muna ako tapos si bumaling siya kay kuya AN.


"Saan niyo nakuha ang pera pang opera kay EM?" Tanong ni nanay. Pumikit ako at saka nagsalita, "Naipon siya nanay."


Lumingon si nanay sa akin at nagulat na lamang ako niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko na lamang rin siya dahil kahit hindi niya sabihin alam ko sa yakap niya ay nagpapasalamat siya.


Lumipas pa ang ilang buwan at naging maayos na ang lahat maliban sa isa, yung balikat ko laging sumasakit tapos paminsan ay nakakaramdam ako na parang nilalagnat pero binaliwala ko na lamang uminom ng paracetamol.


Dumaan ng ilang buwan at nag-eensayo muli kami para sa banda ng biglang nabagsak ko ang drum stick.


"Okay ka lang?" Tanong ni Dennis sa akin. Tumango naman ako pero hindi naniniwala si Dominic sa akin.

"Magpacheck-up ka na kaya para alam mo kung anong problema. Lagi ka na lang nakakahulog ng kung anu-ano at hindi ka ganyan, John."

"Kailangan namin ng pera pang-opera kay DJ." Sabi ko.

"Pero mas nahihirapan kayo kapag lumala iyang nararamdaman mo. Tandaan mo, brain tumor ng kakambal mo cancerous at kambal kayo." Sabi ni Dominic sa akin.


Nang gabing iyon ay naririnig ko si DJ na may kinakabisado pero maya-maya ay biglang titigil kaya pumasok na ko sa loob ng kwarto namin at nakita ko siyang nag-aaral. Mukhang hirap na hirap siya sa kanyang inaaral. Hinawakan ko na naman ang nanakit kong kamay.


"Parang napapadalas yang pananakit ng balikat at kamay mo." Puna ni DJ. Kahit rin pala siya napapansin na rin iyong pananakit ng mga buto-buto ko.

"Wala ito." Tinignan ko ang hawak niya. "Ano iyang kinakabisado mo?" Tanong ko naman habang umupo sa may higaan niya. Pagkita ko ito ay sulat niya na may mga pangalan namin. "Bakit mo kinakabisado mga birthday namin at pati kamatayan ni tatay?" Tanong ko naman dahil alam kong alam niya iyang mga bagay na iyan.

"Nagbirthday si EM ngayon, di ba?" Tanong niya.

"Binati mo naman siya ngayon." Tanong ko.

"Kasi narinig kong binati mo siya." Sabi ni DJ at yumuko siya. Maya-maya ay nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. "Wala akong kwentang kuya." Bulong niya pero narinig ko.


Tinapik ko naman siya at sinabing hindi totoo yun. Dahil panigurado naman kung hindi dahil sa sakit niya ay siya ang unang-unang babati kay EM. Ganoon niya kamahal si EM at alam ko ring naiintindihan ni EM iyon.


Paggising ko kinabukasan ay nagpansin kong may pasa ako sa aking braso. Inisip ko naman kung saan ito tumama pero hindi ko matandaan kaya hinayaan ko na lamang at dumiresto sa kusina upang makapag-agahan ng tinignan ako ni kuya AN.


Nakasuot siya ng kanyang OJT nursing uniform at nakatingin siya sa pasa ko. Hindi ko naman pinansin si kuya AN dahil ganyan lagi siya. Maya-maya ay nakita ko namang dumating sa hapag-kainan si DJ at napatingin rin siya sa aking pasa.


"Ang laking pasa niyan, DJ. Saan 'yan tumama?" Tanong niya sa akin.

"Pagkagising ko meron na. Hayaan niyo na baka hindi ko lang matandaan kung saan ako tumama."


Hanggang natapos ang pagkain namin ay iba pa rin ang tingin ni kuya AN sa akin. Papunta na ako sa kwarto ng makasalubong ko si nanay.


"JJ, nilalagnat ka at namumutla." Sabi ni nanay habang sapo-sapo niya sa akin leeg.

"Pagod lang ito nanay. Ipapahinga ko na lang ito." Sabi ko na lamang at nagpaalam na papasok na ako sa kwarto namin ni DJ.


Habang naglalakad ako papuntang kwarto ay nararamdaman ko ang tingin ni nanay. Pagkahiga ko sa kama ay napapikit ako.


Ano bang nangyayari sa akin? Lagi na lang masakit katawan ko, nabitawan ko pa minsan mga hawak ko. Madalang ring nilalagnat ako tapos ngayon may pasa na ako na hindi ko alam kung saan ko ba nakuha.


Tama ba ang kambal na Uytingco na magpagamot na ako? Pero paano kung katulad ni DJ ang sakit ko? Madadagdagan pa ang problema ni nanay at ni kuya AN. Iniisip ko pa lang pero kinakabahan ako.


Nakarinig ako ng may pumasok sa kwarto pero hindi ko na lamang pinansin dahil ang sama ng pakiramdam ko.


"Pag-uwi ko magpacheck up tayo, JJ. Simtomas yan ng isang sakit. Para makasigurado tayo magpatingin ka na sa doktor." Sabi ni kuya AN.


Lalo akong kinabahan marahil alam kong maiisip ito ni kuya AN dahil nursing ang kinuha niyang kurso. Ako na nga lang kinakabahan na dinagdagan pa ni kuya AN.

MananatiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon