Ika-walong kabanata

24 4 4
                                    

"Sino yun?" Tanong ni DJ sa akin ng makaalis ang anghel na babae.

"Tanda mo yung naospital ka?" Tanong ko naman sa kanya at tinanguan ako. "Siya ang nagbigay ng pera sa akin para mapa-CT scan ka."

"Siya?!" Gulat na sabi ni DJ.


Gusto sanang habulin ni DJ si Aimee pero wala na ito at nakita na namin si nanay. Kausap nito si Sir Alex habang nasa tabi ni Sir Alex ang anak niyang si Sir Xander. Binati naman namin si Sir Alex at sinabihan kaming maghintay muna at pumasok na sila ni Sir Alex at ang anak niya sa loob ng opisina. Habang si nanay naman ay umupo sa upuan niya.


"'Nay, bakit nasa meeting ang anak ni Sir Alex?" Tanong ko kay nanay.

"Si Xander na kasi ang papalit bilang COO ng kumpanya simula sa susunod na buwan." Sabi ni nanay.

"Mawawalan ka na ng trabaho, nay?" Tanong ni DJ. Nararamdaman ko ang kaba sa tanong ni DJ dahil kahit ako ay ito ang kinatatakot namin.


Wala ng maaaring tumanggap kay nanay na ibang kumpanya dahil matanda na rin siya at baka gustuhin ng anak ni Sir Alex ng mas batang sekretarya.


"Hindi pa naman sinasabi ni Xander kung ako pa rin ang sekretarya niya kaya hindi ko rin alam ang tanong diyan mga anak." Malungkot na sabi ni nanay.


Magsasalita na sana ako ng marinig namin sa intercom na tinatawag na kami ni Sir Alex. Kaya tumayo na kami sa kinauupuan namin at pagpasok namin sa opisina ni Sir Alex ay nakaupo ang anak niya sa mahabang sofa habang hawak nito ang kanyang cellphone.


"You both are graduating." Masayang sabi ni Sir Alex. Tumango naman kami. "What will be your plan?"

"I want to push through in medicine." Sabi ko kay Sir Alex. "But I'll be a working student." Dugtong ko.

"I'll take a board exam to be an architect." Sabi ni DJ.

"Good." Nakangiting sabi ni Sir Alex. "But, I recently found out that you are keeping secrets from me."


Kinabahan ako sa sinabi ni Sir Alex dahil dalawa lamang ang sikreto namin at iyon ay ang karamdaman namin. Lumingon ako sa anak ni Sir Alex at nagkibit-balikat ito at paglingon ko kay Sir Alex ay may malungkot itong ngiti.


"Why didn't you tell me that you are sick?" Sabi ni Sir Alex. Napayuko naman ako at naramdaman kong yumuko rin si DJ. "I am not mad, but please tell me everything."

"I am sorry, Sir Alex. We just don't want you to worry." Sabi ni DJ.

"What stage?"

"Stage 2, tumor." Sabi ni DJ at lumingon naman si Sir Alex sa akin.

"Stage 3, leukemia." Sabi ko at yumuko.

"What are the things needed to remove it?"

"Remove the tumor." Sabi ni DJ na medyo mahina na ang boses.

"Bone marrow." Bulong ko naman.


Pinalabas kami ni DJ sa opisina ni Sir Alex at tinawag naman si nanay. Marahil sasabihin rin ni Sir Alex ang nalaman niya. Nagpaalalam naman kami na maglilibot-libot. Pagkarating namin sa Presidential floor ay nakita namin ang bakanteng lugar ng sekretarya ng Presidente.


"May hinahanap ba kayo?" Napaligon kami sa nagsalita sa likuran namin at nakita namin si Sir Kenji - ang may ari ng kumpanya.

"Si Aimee po?" Tanong ko.

"Nasa security office ng kapatid ko may pinahahahanap kasi ako." Sabi ni Sir Kenji. Tumango naman kami saka nagpaalam kung pwedeng hintayin si Aimee at pinayagan kami.


Pagkarating namin sa lamesa ni Aimee ay kitang-kita ang kaguluhan ng lugar ngunit kapansin pansin ang monitor nito na nakalagay ang isang writing website at nasa gitna ang pangalan ni Aimee.


"Manunulat si Aimee?" Namamanghang sabi ni DJ.

"Hindi ko alam." Sabi ko.


Totoo naman hindi ko alam kung anong nangyari kay Aimee sa nakalipas na pitong taon simula ng huli naming pagkikita. Nakita ko namang binabasa ni DJ ang nakalagay roon. Napailing na lamang ako dahil talagang mahilig magbasa ni DJ, mahilig rin naman akong magbasa subalit hindi katulad niya na ito ang naging libangan.


"Wow!" Narinig kong sabi ni DJ.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakabuklat ngayon yung kwento niya. Maganda at may potential." Sabi ni DJ.


Napakunot ng noo si DJ at napahawak siya sa kanyang ulo. Mukhang napwersa na naman si DJ sa pagbabasa. Kinuha ko sa loob ng bag na nakasabit sa akin ang gamot niya at isang tubig saka ibinigay sa kanya. Ininom naman niya ito ng walang angal.


Naging ritual na namin ito sa nakalipas na mga taon. Mga gamot ko ay nasa bag niya at ang gamot niya ay nasa bag ko. Napahawak naman ako sa balikat ko dahil sumasakit na naman ito. Tinignan ko si DJ na nakatingala upang mawala ang sakit ng kanyang ulo.


"May lumabas na ba sa mga resulta ng bone marrow match?" Tanong bigla ni DJ.

"Meron na."

"May match ba tayo?" Tanong ni DJ.

"Hindi." Sabi ko.

"Sayang naman." Komento na lamang niya.


Sana mapatawad ako ni DJ at nagsinungaling ako. Match kami ng bone marrow pero sinabi ko na hindi kami tugma dahil para sa akin hindi ko isasakripisyo ang buhay niya upang humaba ang buhay ko. Kung makakakuha naman sa iba ng match sa kanila ko na lang kukunin.


Kahit si DJ na lamang ang huling taong makakatulong sa akin upang mapahaba ang buhay ko. Hindi ko isasakripisyo ang buhay niya lalo na't alam kong nasa bingit na rin siya ng kamatayan pero nararamdaman ko sa nangyayari sa akin ay ako ang unang mamamaalam sa amin.


Nararamdaman ko na sa aming dalawa siya ang makakatupad ng kanyang pangarap. Magiging magaling siyang arkitekto, magkakaroon siya ng asawa at magkakaroon siya ng kambal na anak. Habang ako panonooring kong makamit niya lahat ng ito.

MananatiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon