Ika-sampu na kabanata

24 3 1
                                    

Ilang araw nanatili sa ospital si Aimee at nakalabas rin siya ng walang problema. Hindi rin nagpakita sa ospital ang pamilya niya kaya marahil ay hindi muna siya papasok sa opisina pero laking gulat ko ng makita ko siyang palabas sa opisin ni Sir Alex ng dalawin ko ang amo ng aking ina.


Ngumiti lamang siya at umalis na, na kinagulat ko. Ibang Aimee ang nakita ko ng araw na iyon.


Pagpasok ko sa loob ng opisina ni Sir Alex ay pinag-usapan lamang namin ang plano niyang ipagamot kami gamit ng brain surgery kay DJ at bone marrow sa akin. Alam naming match kaming dalawa at ayaw rin ni Sir Alex na ipangahas si DJ gayung tumor ang kailangang tanggalin rito na maaaring humantong sa kanya sa pagiging lantang gulay na katawan.


"John, I am still finding a match for you since your chemo is not working. But, I know you have a match already." Sabi sa akin ni Sir Alex.

"Please don't tell DJ. I know if he finds out that we are matched, he will be a donor. He's been through alot." Pakiusap ko sa lalaking kaharap.

"I know. But, just so you know he is currently suspicious that you both are a match."


Tumago na lamang ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. Nagpaalam na akong umalis at gusto ko sanang puntahan si Aimee subalit hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya dumiretso na lamang ako sa bahay.



Pagdating ko sa bahay ay naroon ang kambal na Dennis at Dominic.na kausap nila ang kakambal ko. Nagtataka naman ako dahil ni minsan ay hindi bumisita ang dalawang ito sa tahanan namin kaya nakakapagtaka.


"May problema ba?" Tanong ko kaagad sa dalawa. Iniwan naman kami kaagad ni DJ at umupo ako sa iniwanang upuan nito.

"Pagkatapos ng pasukan pupunta kami ng Dubai at baka mawala ang banda. Kaya inaalala ka namin." Sabi sa akin ni Dominic.

"Ayos lang, matatapos ko naman na ang pagiging medtech. Pwede akong pagsabayin ang pag-aaral at trabaho." Sabi ko sa kanila.

"Sigurado ka? Balita namin mag-aaral ka pa para sa board exam mo, saka ka lang magiging lisensyado." Sabi naman ni Dennis na halata sa mukha ang pag-aalala.


Alam kong nag-aalala ang kambal dahil sa ilang taon ay sila at ang bandang binuo namin ang kasama ko. Sila ata ang mas nakakaalam ng nararamdaman ko kaysa sa pamilya ko.


"Maraming paraan naman para kumita ng pera at saka malapit na ring matapos ng high school si EM, at tulad namin pag-aaralin siya ni Sir Alex kaya hindi kami mahihirapan."

"Yung sa gamot lang kayo mahihirapan." Sabat ni Dominic na hindi mo kita sa mukha ang pag-aalala pero rinig mo naman sa tono ng kanyang boses.

"Si Sir Alex na rin ang bahala. Kaya ayos lang. Nakausap ko na rin naman yung anak ni Sir Alex na hindi raw niya papalitan si nanay dahil maggamay ni nanay ang posisyon ni Sir Alex kaysa sa kanya. Tapos sa susunod na mga buwan si kuya AN naman makakapunta na ng Japan. Makakaluwag na rin kami kahit papaano."

"Basta kung may kailangan ka, magsabi ka lang. Alam mo naman ang number ni mama." Sabi ni Dennis.

"Oo naman. Salamat sa ilang taong pagtulong sa amin." Sabi ko.


Tumayo sila at nagpaalam ng aalis. Pagkarating ko sa taas ay narinig ko si DJ na may kausap at nakikipagtawanan. Mukhang si Aimee ang kausap nito, dahil ito lamang ang nagbibigay sa kanya ng tawa na puno ng saya.


Kahit anong mangyari ay laking pasasalamat ko kay Aimee dahil sa kanya nagkakaroon ng pag-asa ang kapatid ko at sana ganun rin ang kapatid ko sa kanya. Paghiga ko sa kama ay eksaktong natapos ang usapan nila DJ sa telepone at nilingon niya ako na may lapad sa labi.


"Wala naman tayong pasok bukas, 'di ba?" Tanong niya sa akin.

"Ang alam ko wala akong pasok, ikaw ba wala?" Umiling naman siya sa akin sa tanong ko. "'O yun naman pala. Anong meron sa tanong mo?"
"Iyaya kasi tayo ni Aimee na pumunta sa Cavite. Road trip lang raw kasi gusto raw niyang bumili ng marshmallow na may palaman, eh sa Cavite raw masarap yun."

"Yun lang ang pa kay natin sa Cavite?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmm, ipapakilala raw niya tayo sa kaibigan niya. Yung isa sa mga reader ng nobelang sinulat niya."

"Marami siyang pinakilala sa chat group natin, sino doon." Tanong ko naman.

"Yung Hanna raw."

"Baka naman isipin nung tao na manyakis tayo at kasama natin si Aimee tapos ipakikila siya."

"Hindi naman tayo mukhang manyakis, ah."

"Hindi nga mukha lang tayong tambay sa kanto."

"Anong meron, mukha namang hindi judgemental yung Hanna. Nakausap na natin siya isang beses."

"Oo na sige na. Mukhang gustong-gusto mong makilala, eh." Sabi ko sa kanya dahil mukha namang gustong-gusto niyang makilala itong Hanna na ito.


Kinabukasan ay nagkita na lamang kami nila Aimee sa Glorietta at doon sumakay ng bus papuntang Cavite. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nalaman na kahit iligaw si Aimee ay makakauwi dahil ang hilig magtanong.


Sa tuwing pagtatanong niya ay malapit ko ng marinig ang ¡Hola! Soy Dora! na nasa tono pa ni Dora. Ngayon pa at may sakbit siyang itim na bag, nakapantalon at t-shirt siya, kulang na lang talaga ay may bangs ang kanyang buhok at Dora na siya.


Pagkarating namin sa Cavite ay bumababa kami sa isang fast foods dahil doon raw kami kikitain ng kaibigan niya. Masaya kaming nakikipagkwentuhan at nakikipaglokohan sa kanya na hindi namin namalayan ang oras hanggang sa nagsalita si Aimee nandiyan na raw ang kaibigan niya.


Luminga-linga ako sa paligid at napansin ko ang isang babae na mas bata sa amin ng ilang taon ang edad, may usot itong shoulder bag at palinga-linga rin. Nang mapatingin siya sa gawi namin ay tumayo si Aimee at sinalubong niya ito ng yakap. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung puso ko biglang tumibok ng napakabilis.


"Guys, si Hanna." Pagpapakilala ni Aimee ng pagkarating niya sa harapan namin.


Una anong pinakilala ni Aimee susunod naman si DJ. Nakangiting nakipagkamay sa akin si Hanna pero biglang piniga ang puso ko ng lumingon siya kay DJ na may kakaibang ngiti at iningning ang mga mata.


Nilingon ko naman ang kakambal ko at walang kakaibang ngiti ito o anu man pero sa unang pagkakataon, hiniling ko na sana ako na lang siya dahil siya ang taong tinitigan ng maigi ng babaeng nagpatibok ng aking puso.

MananatiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon