Pagkarating ko sa ospital ay nagpapasalamat ako kay Erika at dumiretso ako sa may cashier para ibigay ang sampung-libong upang mabawasan man lang ang babayaran nila tatay at nanay.
Pabalik na ko sa kwarto ni DJ ng nakasalubong ko si kuya AN at nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil kinakabahan ako na maaaring nakita niya ako sa cashier.
Papasok na ko sa kwarto ni DJ ng hatakin ako ni kuya AN at tinanong ako kung saan ko nakuha ang pera. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya subalit hindi ko alam na sasabihin pala niya kila nanay at tatay na may isang anghel na babae ang tumulong sa akin.
Kinabukasan ay nakapag desisyon si kuya AN na personal na magpasalamat sa tumulong sa amin para kay DJ kaya pumunta kami sa pinagtatrabahuhan ni nanay at nakita ko si Erika. Tinanong naman namin siya kung nasaan si Aimee - yung babaeng nagbigay sa akin ng pera.
"Nagwithdraw siya sa laban kanina at sabi ng coach niya nakaconfine raw." Iyon lang ang sinabi ni Erika at nagtanong naman kami ni kuya AN kay Erika kung saang ospital nakaconfine ang babae dahil nagpumilit naman si kuya AN para mabisita namin siya. Sinabi naman ni Erika kung saang ospital ito naglalagi.
St. Luke's Hospital
Pangalan pa lamang ng ospital ay mukhang pang mayaman na ang mga pasyenteng naroon. Mabuti na lamang ay disente ang itsura namin ni kuya AN kaya dumiretso na kami roon. Laking pasasalamat na rin namin kay Erika dahil sinabi niya kung anong room number si Aimee.
Pagkarating namin roon ay dumiretso kaagad kami sa nurse station kung saan yung room number na iyon at nakangiti naman ang nurse sa amin.
"Buti naman may dumalaw na sa kanya." Nakangiting sabi ng nurse.
"Wala po bang dumadalaw sa kanya ngayon?" Tanong naman ni kuya AN.
"Naku, laging naoospital siya at laging walang bumibisita sa kanya tanging mama niya lang ang kasama niya. Ngayon wala siyang kasama dahil pupunta raw ng paaralan yung mama niya para kunin yung mga kailangang takdang-aralin ni Aimee." Sabi naman ng nurse.
Pagkarating namin sa may tapat ng kanyang kwarto ay iniwanan na kami ng nurse. Si kuya AN naman ang nagbukas ng pinto at natagpuan namin si Aimee na naglilipat ng channel gamit ng remote control. Lumingon siya sa amin at napakunot ang kanyang noon.
"Hi." Pagbati ko sa kanya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Siya lamang ang nakita kong may sakit na naospital na may matamis na ngiti sa bibisita sa kanya.
"Uy, kamusta na kakambal mo? Napa-CT scan na ba?" Iyon ang bungad niya sa akin. Mas inalala niya pa si DJ kaysa sa kalagayan niya.
Anong klaseng tao ito? Mas importante sa kanya ang iba kaysa sa sarili niya.
"Mamaya yung schedule niya ng CT scan. Ikaw anong nangyari sayo? Parang kahapon lang okay ka lang." Sabi ko naman at napansin ko si kuya AN na naglilibot ng tingin.
"'Wag mo kong intindihin. Ganito naman ako lagi, buwan-buwan akong nasa ospital kaya sanay na ko."
"May sakit ka?" Tanong ko naman sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya.
"Matagal na to kaya 'wag kang mag-alala. Nasobrahan lang ako sa pagpractice kahapon eh hindi ako pwede ng extreme exercise." Iyon lamang ang sinabi niya at hindi na ko nagtanong dahil baka naiilang siyang magsabi.
Pinakilala ko naman ang kuya AN sa kanya at nakangiti siya. Manghang-mangha pa siya sa mga pangalan namin dahil halos lahat raw ng paborito niyang bible name ay pangalan namin.
Nagpasalamat naman kami ni kuya AN sa kanya at sinabi niyang gusto niyang makatulong. Nagpaalam naman kami kaagad sa kanya para makapunta na sa ospital. Pagpunta namin sa kwarto ni DJ ay nandoon na ang doctor habang tulog pa si DJ.
Mukhang tapos na ang CT scan ni DJ at lumabas na ang resulta. Kinakabahan ako.
May nilabas ang doctor na isang film na makikita mo ang bungo ni DJ at hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi ng doctor maliban sa isang bagay.
"... yung anak niyo may three centimeter tumor at kailangan namin ng ibang test para malaman namin kung pwedeng hayaan siya o kung ito ay isang cancerous."
Iyon lamang ang sinabi ng doctor pero ang mga magulang ko ay umiiyak na parang mamaalam na ang kakambal ko. Si EM naman ay yumakap kay DJ at nararamdaman kong umiiyak rin ito. Alam kong buhay ang kakambal ko at alam kong mabubuhay siya pero sa situwasyon namin alam kong maaaring mawala iyong pag-asa na iyon.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong ipapakita kong emosyon sa pamilya ko. Tinignan ko si kuya AN at kitang-kita kong hindi niya pinapakita sa mukha niya ang emosyon nagusto niyang ipakita pero nakikita kong nakakuyom ang kanyang kamay na parang doon niya nilalabas lahat ng kanyang emosyon.
Halos ilang oras rin ang nakalipas at umalis si nanay para raw makahanap ng mauutangan gayun din si tatay. Si EM naman ay nakahiga sa sofa kwarto ng ospital habang si kuya AN naman ay naririnig kong tumatawag sa mga kaibigan niya para makahingi ng kahit anong halaga ng pera para makatulong kay nanay.
Alam kong wala akong maitutulong pero lumabas ako at pumunta sa nurse station para makapagpaalam kung pwedeng makitawag. Tinawagan ko naman ang kilala kong maaaring makatulong sa akin.
"JJ, napatawag ka?"
"Nasa ospital si DJ, brain tumor raw sabi ng doctor." Tuloy-tuloy kong sabi.
"Alam na nba ng mga kabanda mo?"
"Wala rin silang pera. Hindi naman yun kailangan ko, kailangan ko ng lakas. Kasi awang-awa na ko sa magulang ko, pati sa kakambal ko. Anong gagawin ko, Dominic?"
"Saang ospital siya nandoon?" Tanong naman ni Dominic.
"Pupunta kami ng banda. Diyan ka lang, huwag na huwag kang aalis."
Binaba ko naman ang tawag at medyo nakahinga ako dahil kahit papaano nakahingi ako ng mahihingahan sa kalabang banda pa namin. Hinding-hindi ko makakalimutan itong ginawa niyo para sa akin Dominic and Dennis Uytingco.
Ipinikit ko ang mata ko at nakita ko na naman ang matamis na ngiti ni Aimee. Kahit nasa ospital na siya at isa siyang pasyente, wala sa kanya yun at inalala niya pa ang kakambal ko.
BINABASA MO ANG
Mananatili
General FictionMananatili ka ba kung alam mong hindi buo ang pagkatao ko? Mananatili ka ba kung alam mong maaari akong mawala? Mananatili ka ba kung sakalin sumusuko na ako? Ako si John Dela Cruz at ito ang storya ng buhay ko.