Author: Kendingmaxx
Date Started: 02/17/21
Date Finished:
I Love You Since Then
"When I first saw you, then and there I fell." - Kaiden Shan Cohen
Shane Avery Torres was fixed a marriage by her dearly parents to the son of their bestfriend and busi...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Love You Since Then /Chapter Two/
Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo na ako sa kama. Nahiga ako doon habang nakatingin sa kisame ng silid. Komportable na ang suot ko at nakahiga ako sa malambot na kama.
Maraming bagay ang agad naglayag sa isip ko. Kung paano ko sisimulan ang plano ko? Kailan ang tamang tyempo?
Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na talaga ako. Inangat ko ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na simbolo ng pag-iisa namin ni Kaiden.
"Ano'ng buhay kaya ang naghihintay sa akin ngayong kasal na ako?" Wala akong ideya kung tama ba ang desisyon ko. Ang alam ko lang ay ginawa ko ito para sa ikasasaya ng mga magulang ko. Para maisalba ang pinaghirapan nilang kompanya sa loob ng maraming taon. Iyon din ang dahilan kung bakit ako narito, iyon at pagtaguyod nila Mommy at Daddy sa akin. Maliki ang pasasakamat ko sa kanila atayaw kong biguin sila.
Sa lalim ng pag-iisip ay 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Alas-diyes nang magising ako, bumangon ako at nagpunta sa banyo para maghilamos. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay iniligpit ko muna ang aking hinigaan.
Kalalabas ko pa lang ng pinto ay nanuot sa ilong ko ang masarap na amoy ng pagkain. Narinig kong kumalam ang sikmura ko.
"Kaunti lang kasi ang kinain mo kagabi e, tss." Pagsermon ko sa sarili.
"Pero sabi mo busog ka."
"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Si Kaiden lang pala. "Kanina ka pa ba dyan?"
Sigurokung may sakit ako sa puso, madededok ako ng maaga dahil sa kanya!
"Kumain ka na, dinagdagan ko yung niluto ko." Malamig niyang saad at tinalikuran na ako. Hindi man lang sinagot ang tanong ko!
Problema no'n?
Nagluto siya ulit? Yun ba yung naamoy kong masarap? Bumaba na ako gaya ng sabi niya. Gutom na ako kaya bakit pa ako tatanggi?
Nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. May laman na din ang plato ko ng kanin at ulam na niluto niya.
Hmm! Adobo, isa iyon sa mga paborito kong ulam!
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Parang ni isa sa amin ay walang balak na kumibo at magsalita.
Awkward naman ng ganito.
"Masakit pa ba ang mga paa mo?" Siya na ang bumasag sa katahimikan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumango. "Are you sure?" Tanong ulit niya.
Oo nga!
"Yeah." Tipid kong sagot.
"Ganon mo ba ako ayaw kausap?"
"Ha?" Ano bang sinasabi niya?
"Nevermind." Saad niya.
Nauna siyang matapos kumain at iniligpit ang kinainan niya. Iniisip ko na ako ang maghuhugas ng mga plato dahil siya ang nagluto kaya pagkatapos kong kumain ay huhugasan ko na sana ang mga ito pero pinigilan niya ako.
"Just leave it there, ako na ang maghuhugas." Seryoso niyang sabi.
"Ako na para may magawa naman ako tutal ikaw naman ang nagluto ng." Paliwanag ko.
"Hindi na, ako na lang." Matigas niyang saad.
Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala siyang balak na magpatalo. Hinugasan ko ang mga kamay ko at hinayaan na siya na ang maghugas.
Nagtungo na lang ako sa sala para maghanap ng gagawin. Malinis na ang lahat at nakaayos kaya wala ng dapat na gawin pa. Naisipan ko na lang na manood ng tv para hindi ako mabored.
Kung magiging ganito ang buhay ko sa araw-araw baka hindi ko kayanin.
Ganito ba ang buhay mag-asawa? Halos wala ng ginagawa? O baka sa aming lang ganito?
Pumili ako ng movie na nagustuhan kong panoorin. Can't help falling in love ng Kathniel ang napagdesisyunan kong piliin.
They're really a cute couple. Maswerte sila sa isa't-isa, kahit noong mga bata palang sila, you can't really deny the chemistry between the two of them.
Ughh! How I wish!
The way they look at each other. They're good actor and actress as well. They portray the characters given to them very excellent.
I'm in the middle of watching the movie nang maramdaman ko ang paggalaw ng kabilang parte ng sofa na inuupuan ko.
"May I sit?"
Tss! Nakaupos ka na kaya!
"You're sitting already." Mataray na saad ko. He just gave me a chuckle. A very husky one!
Hindi ko alam bakit bigla bumilis ang tibok ng puso ko nang tumabi siya.
Shane! Behave yourself for freaking sake!
"A very adorable couple, right? Kathrine and Daniel? Lucky to have each other."
"Yeah, I can see that." Para niya talagang nababasa ang isip ko.
"That movie, they both fall unexpectedly." Saad niya.
"I know, I've watched that over a million times already." Paliwanag ko habang ang paningin ay nasa tv pa rin.
Can't he just keep on watching?
Bakit ba ako masyadong naiirita? I can't really explain it.
"What if it happens to us?"
Napalingon ako sa gawi niya dahil sa sinabi niya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Sinubukan kong labanan ang tingin niya pero ako din ang unang umiwas.
"Tss, that's lame." I gave him a very sarcastic laugh.
He's making the conversation really awkward. Ako? Mahuhulog sa kanya? Not a chance.
I don't like him, not a bit. And this marriage? It'll be gone soon.