06

208 36 0
                                    

I Love You Since Then/Chapter Six/

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I Love You Since Then
/Chapter Six/

Dinala ako ni Pat sa isang garden na nandoon sa likod ng mansyon nila. Doon kami madalas tumambay at magpicnic noon.

"Okay ngayon, tell me, how are you?" Para siyang paslit na excited sa isang kwento.

Huminga ako ng malalim at inangat ang kanang kamay ko na may singsing sa harap niya. "I'm married na." Mapait akong napangiti. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan akong magsalita. "I should be happy right? Dahil ang ikasasaya ng parents ko, ay ikasasaya ko din dapat. Make sense." Nag-umpisa ng mag-init ang pisngi ko at ang pagpatak ng kanina pang nagbabadya kong luha.

"I can't say No to them so I'm aware na mangyayari ang kasalan. Alam mo ba, Mommy planned this week for our supposed to be honeymoon? Nagplano si Kaiden kaya eto, nandito ako." Natawa ako sa mga nangyari ng kasama ko pa siya kanina.

Ang pagdadahilan na naiihi, pagsisinungaling sa driver namin.

"E nasaan si Kaiden kung ganon?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya. Hindi naman kami nagsabi sa isa't-isa kung saan namin balak gugulin 'tong linggo na ito.

"Pwede bang humingi ulit ako ng pabor?" Tiningnan ko siya ng mata sa mata.

Tumango siya at ngumiti sa akin, "Oo naman, kahit ano."

"I don't really want to talk about the marriage for now." Saad ko.

"Okay, sure. Shh tahan na. We'll just going to enjoy your whole week vacation." Pag-aalo niya.

Minutes passed before we decided na pumasok na sa loob. Nakahanda na ang mesa nang makapasok kami, nakasalubong namin si Tita Paige."C'mon let's— hija what happened?" Alalang tanong nito, napansin yata niya ang pamumugto ng mga mata ko. Umiling lang ako at sinabing ayos lang. Nakita kong sumenyas si Pat kay kita kaya hindi na rin ito nagtanong pa.

Nagsalo-salo kami sa mga masasarap na pagkaing nakahain. Common dishes ang mga nakahain sa amin. May seafoods din since ang pinakapinagkukunan ay ang dagat.

Pagkatapos kumain ay magkwentuhan at kanustahan pa kami. We talk about a lot of things. Tita Paige and Pat obviously tryin' to avoid the topic that I dislike. The marriage, my marriage.

After lunch, they told me na magpahinga muna ako dahil panigurado pagod ako sa naging byahe ko, Pat leads me to the guestroom to rest. Nagpasalamat ako sa pagpayag nila na magstay ako dito. "No worries." 'yon ang naging tugon nila sa akin.

When I entered the room, naamoy ko kaagad ang lavender scent sa buong kwarto. 

Tirik pa rin ang araw sa labas ng bintana kahit malapit na sumapit ang hapon. I walk around the room, there's a life-size mirror on the left side of the bed at sa kanan naman ay ang nightstand kung saan nakapatong ang lampshade, I put my sling bag beside it at naupo sa malambot na kama.

Bukas ang pintuan sa teresa kaya maririnig ang tunog ng paghampas alon at ng hangin. I inhaled and exhaled at ipinikit ang mga mata ko.

A peaceful place.

Nahiga ako at ngayon ay nakatulala lang sa kisame ng kwarto. Nagsimulang maglayag ang isip ko sa maraming bagay.

I wonder where Kaiden is now. Is he enjoying?

Wala akong alam na kahit anong personal na impormasyon tungkol sa kanya. I just woke up and voila! It's my wedding!

I'm still thankful dahil wala akong masasaktan sa pagpayag ko sa kasal.

What I mean is that I'm single ever since. I'm 24 but still can't imagine myself sa isang relasyon. And now, I'm not in just a simple relationship, I'm married.

What about Kaiden? If somehow he has a girlfriend before marrying me. Hindi ko alam ang mararamdaman ko para don sa babae.

Kaiden is good-looking, It's undeniable. Kaya hindi na ako magtataka kung may girlfriend siya.

Shane! It's not your problem kung mayroon man! Stop!

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala 'yon sa isip ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa kisame ng kwarto, hindi pa rin ako makatulog.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nagbukas ng Instagram para magpaantok. Nag-sscroll lang ako sa feed ko, there are a lot of my friends congratulating me and Kaiden.

"Couldn't be happier for you two."

"Wishing your every happiness together!"

"Best wishes for a fun-filled future together!"

"Best wishes on this wonderful journey as you build your new lives together!"

Hindi ko ipagtataka na marami ang mga bumati. Our parents invited a lot.

A photo of me, Kaiden and our friends caught my attention. Nakatag ang iba sa kanila kabilang ako...

At si Kaiden.

@KaidenShan

I don't know what's with me that I click on his name and stalked his profile. Well, wala naman sigurong magsama right?

9 posts, 4, 356 followers, 336 following

Hindi pala siya mahilig magpost masyado.

The first photo is him in his graduation, wearing an academical dress and academic cap, his biggest smile as well. He look really happy.

"We know what we are, but know not what we may be."

The other photos is him with his friends. Mayroong nasa beach side sila, and some are tourist spots.

Then there's this one, he's wearing a black v-neck shirt and denim jeans.  I wonder what occasion he went.

The last picture was our wedding day. Nakapalibot ang braso niya sa beywang  ko and I was just there, good thing I still contain my smile!

"To have and to hold, as long as we both shall live." Says the caption, it's as if we're really in love with each other.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang dalawin ng antok at nakatulog.

Happy Reading:)
_____________________________________

COMMENT AND VOTE YOUR FEEDBACKS ABOUT THIS CHAPTER, THANKS, LOVELOTS ❤️

Instagram: maxineee_05

I Love You Since Then Where stories live. Discover now