15

240 11 0
                                    

I Love You Since Then
/Chapter Fifteen/

Hindi ko na nabilang kung ilang baso na ang nainom ko but my vision is getting blurry at nararamdaman ko na ang pagkahilo.

I glanced at Taline, she's still having a story time tungkol sa childhood memories nilang dalawa ni Kaiden. Great, just great.

Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi naman ako interested tungkol sa mga bagay na 'yon but that would be mean.

"We used to play at the park near our houses," used to, bakit ko ba kailangang makinig sa throwback stories niya? Tch! "And then tita and mom would scold us kase pareho kaming pawisan dahil sa paglalaro." sumulyap siya kay Kaiden at nahuli 'yon ng mga mata ko.

Yeah right, childhood bestfriends.

I sipped on my drink again, hindi na 'yon mapait sa lalamunan ko. Siguro dahil kanina pa ako umiinom. Kanina pa rin si Kaiden na pasimple na kinukuha ang iniinom ko saying na baka malasing ako. Hindi ako pumayag, hindi pa naman ako lasing ano.

Nakatulog na si Aila kaya hinatid na siya ng boyfriend niya sa guest room. That girl is so drunk, I can already imagine her face bukas ng umaga dahil sa hangover.

"That's enough drinking." I heard him say pero hindi ko ito pinansin. I once again sipped on my drink. "Shane." He called in a monotonous voice.

Whatever Kaiden, gusto kong uminom. Naiinis ako.

"I can manage my drink." I replied at tipid na ngumiti sa kaniya pagkatapos ay bumaling ulit kay Taline. She's obviously eyeing the both of us. "Magkwento ka pa Taline, I'm curious kung gaano kasayang makasama at maging kababata ang hubby ko." I'm not.

"Sabay din kaming mag-aral ng lessons o kaya kapag may incoming examinations. He's so smart like as in kaya sa kaniya ako nagpapaturo sa topics na hindi ko maintindihan, and he's talented too. A lot of girls swoon over him kapag nasa paligid siya."

Mukhang isa ka nga doon sa mga babaeng 'yon.

"We're going home. My wife is already drunk." Tumunghay ako sa kaniya nang tumayo siya, tinaasan ko siya ng kilay. Ako lasing?

"I'm still good, I'm not drunk." I defended. " Don't listen to him."

"Shane, masanay ka na kay Kaiden ganyan talaga siya. He always worry too much." Natatawang saad ni Taline kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ganon pala, I'll take note of that."

Kilalang-kilala niya pati pag-uugali nitong si Kaiden. Cute.

Tumayo ako at agad na nakaramdam ng hilo. Naghanap ako ng pwedeng makapitan para bumalanse pero si Kaiden na mismo ang kumuha ng aking kamay at inihawak sa kaniyang braso.

Nagpaalam na kami pagkatapos ay umalis na rin. Habang naglalakad palabas ay pinipilit kong ituwid ang mga binti ko dahil pasuray-suray na ang lakad ko.

Drink responsibly ka pa kanina Shane.

Kaiden stopped walking kaya napahinto din ako at nagatatakang tumingin sa kaniya. "What?" I asked a little bit peevish now.

I wanted to go home and sleep already!

He pressed his lips firmly and hesitancy is evident in his eyes. "Are you mad?"

I furrowed at his question. "Mad about what?" Mahina kong hinilot ang sentido ko.

Argh! That drink is a total pain in my head!

"I told you, drink moderately. Your tolerance on liquor is low. Bakit ka ba uminom ng ganoon karami? Do you have a problem?" Sinimangutan ko siya. Really now? 

"Nahihilo na nga ako't lahat, sesermonan mo pa ako." Tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa kaniya. Grabe talaga siya, daig pa ang mommy sa pagsermon. Hindi naman talaga ako dapat iinom ng marami kanina. I just got irritated sa hindi ko malamang dahilan.

Ayaw ko ng isipin pa, lalong sumasakit ang ulo ko. I walked towards the car and tries to open the door but it's locked.  Oo nga pala, kay Kaiden pala ang sasakyan na ginamit namin papunta dito.

I was about to go back para sabihin na bilisan niya maglakad dahil nahihilo na talaga ako but as I turn around ay bumangga lang ako sa dibdib nito. He's so tall, hanggang sa ilalim lamang ako ng kaniyang baba.

I look up at him and made an eye contact, a blurry one.

Mahina kong siyang tinulak para umatras ng kaunti. "Move away, ang lapit mo e." Paanas kong sabi.

It's as if I'm getting out of breath kapag malapit siya sa akin. My heart just won't beat in a normal speed. Kinakabahan tuloy ako, paano kung naririnig din ni Kaiden kung gaano kalakas 'yon? Nakakahiya.

Pinagpasalamat ko ng sumunod ito at binigyan ng distansya ang pagitan namin. "I feel like you're irritated over something." Aniya, I kept quiet.

Over someone, actually.

"Gusto ko ng umuwi at matulog." I sighed, I shouldn't be acting this way. Para akong kasintahang nagseselos— hindi dapat. "I'm sorry kung sa'yo ko naibunton ang pagkairita ko. Let's just go home, please." I softly said.

"Okay." Saad niya at tumango.

Habang nasa daan kami ay naglakbay din ang isipan ko sa ilang katanungan.
Bakit ba ako naapektuhan sa ideya na sobrang close ni Kaiden at Taline noon?

I'm irritated over the past that Kaiden, a man my parents decided me to tie a knot with, a man I just freaking met months ago, have with another girl? How petty could this situation of mine be?

"Shane." I heard him call, nilingon ko siya at hinintay na magsalita.

I saw him throwing side glances at me mula pa kanina pero hindi ko na lang pinansin. "Mind telling your husband what's bothering you? I'd been calling you pero ngayon ka lang lumingon."

Oh, I'm too drown in my thoughts hindi ko narinig ang pagtawag niya.

"You." Wala sa sariling sagot ko.

You, my husband. You're the one that bothers my mind.

"Me?" His forehead creased.

Damn, hindi dapat yon lalabas sa bibig ko!  "Y-yes ikaw, kinakamusta ka ni M-mom sa akin. Hindi ko lang nasabi the other day." I awkwardly smiled.

When we got home nagbihis ako ng pantulog at nahiga na agad sa kama. I felt so drunk.

And its my fault.

Maglalayag na sana ang isip ko sa isang panaginip nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tinatamad na akong igalaw ang katawan ko para tumayo kaya hinayaan ko na lang. Baka si Kaiden 'yon at may kukunin lang.

"Are you still awake?" I responded with a muffled voice. I can hear his steps but I don't know where he is kaya pinilit kong iangat ang ulo ko para lingunin siya.

Nasa tabi ito ng aking kama at may hawak na basong may tubig. "Drink this first before you sleep. It'll lessen the hangover when you wake up in the morning."

My drunken eyes met his, I surveyed his whole face. He appeared unsettled, and his gaze was drawn to the cabinets.

Tinarayan ko siya kanina at ilang beses tinalikuran yet here he is, worrying about me having a hangover when I wake up in the morning. Akala ko maiirita ito dahil sa mga pagtataray ko sa kaniya.

I was jealous of his relationship with Taline, sa kaniya ko naibunton ang pagkairita ko.

Wait, wait, wait! What did I just said?

_______________________________________

Instagram: maxineee_05

I Love You Since Then Where stories live. Discover now