14

224 11 2
                                    

I Love You Since Then
/Chapter Fourteen/

Wearing a knee length light blue off-shoulder dress paired with an ankle strap flats, I looked at myself in the mirror, I smiled. Pretty! Ito ang isinuot ko since it's my style at komportable din ako sa ganito.

Hindi na ako naglagay ng makapal na makeup dahil gabi na at para hindi na rin hassle kapag inalis ko mamaya bago matulog.

Inilagay ko ang phone at wallet sa dadalhin kong sling bag pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

I thought hihintayin ko pa si Kaiden na matapos sa pag-aayos pero mukhang nauna pa siya kaysa sa akin.
I saw him sitting on the couch, hindi man lang ako nito nilingon dahil busy sa pagtitipa sa phone niya. Tsk! Gusto ko pa namang malaman ang tingin niya rito sa suot ko.

Is it necessary Shane? Munting tanong sa isip ko.

Nang tuluyan na akong makababa ay tumikhim ako, nag-angat siya ng tingin sa akin bago tumayo. "You're done." pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko, "Let's go?" He asked.

I put a few strands of my hair at my back at kunwaring inayos ang dress na suot ko. I waited for him to say something but I got nothing but a confused look from him.

"Tss!" Mahina kong usal at napairap na lang sa hangin.

Wala talaga? Okay nevermind.

"Let's go." Sabi ko at nauna nang lumabas.  "Asa pa Shane, sige." Feeling ko nag-mukha lang akong baliw sa harap niya kanina.

Ano bang inaasahan ko? That he will compliment me like a loving husband and say I'm the most beautiful woman in the world?

Gosh Shane! Shame on you!

Your husband is undeniably handsome. Hindi na kataka-taka na maraming magagandang babae na ang dumaan sa paningin niya noong hindi pa kayo kasal.

Surely prettier and sexier than you.

"The hell I care." I whispered and rolled my eyes in annoyance. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat at sasakay na sana nang marinig ko ang boses ni Kaiden.

"Shane." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "You look lovely in that dress." He said and smiled.

I felt my heart beat skipped for a moment. Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya. Humigpit ang hawak ko sa pintuan ng kotse para pigilan ang sarili na takpan ang mukha ko sa hiya, ramdam ko na kase na parang may mainit na bagay na dumikit sa pisngi ko at ngayon ay pulang-pula na iyon.

I cleared my throat as if something was clogged there. "T -Thank you." Hindi ko maiwasang mautal dahil sa hiya. Mabilis akong sumakay sa kotse at agad na sinara ang pinto para hindi na makita pa ni Kaiden kung gaano ako may hawig sa isang kamatis ngayon.

Kanina nag-eexpect ka ng compliment tapos ngayon...para kang sasabog d'yan Shane.

Seconds after ay sumakay na rin siya. Tumingin na lang ako sa bintana para doon ituon ang atensiyon ko at mawala na ang kaninang pakiramdam ko. Para kaseng lason 'yon sa sistema ko at malakas ang epekto sa akin.

Binuhay na ni Kaiden ang makina, lumingon ako sa kaniya ng hindi pa rin kami umaabante pero nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya pinihit ko ang ulo ko pabalik.

Wrong move!

Sa pagpihit ko ay sumagi ang labi ko sa labi ni Kaiden. "A -Ano bang g -ginagawa mo?" Halos isiksik ko na ang sarili sa upuan habang nakatakip ang isa kong kamay sa labi ko.

I Love You Since Then Where stories live. Discover now