13

221 10 2
                                    

I LOVE YOU SINCE THEN/Chapter Thirteen/

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I LOVE YOU SINCE THEN
/Chapter Thirteen/

Habang nasa sasakyan pauwi sa bahay ay saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Nakasandal ako sa upuan habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Katabi ko si Kaiden sa backseat na naka-krus ang mga braso sa dibdib niya, nakatingin lamang siya sa daan. Puno ng katahimikan ang loob ng sasakyan.

Mukhang pati si Mang Nestor ay naramdaman din ang sobrang katahimikan dahil in-on nito ang music player.

Puro nagtataasang gusali ang nadadaanan namin. May mga puno din naman pero hindi 'yon ganoon karami. Namiss ko kaagad ang isla, sayang at pauwi na kami.

Pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay ay agad na akong bumaba. Gayundin ang ginawa ni Kaiden. Nang kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa compartment ng sasakyan ay pinigilan ako ni Kaiden.

"Ako na, I know you're tired."

Tahimik lang akong tumango at sumabay sa pagpasok sa bahay pagkatapos naming mag-paalam kay Mang Nestor. Nang makapasok ay inilapag nito ang bitbit sa couch. Umupo ako sa pang-isahang sofa at si Kaiden naman sa tapat ko.

Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng couch at ipinikit ang mga mata ko. Grabe! Masarap sa pakiramdam ang isang linggong bakasyon ko, namin ni Kaiden sa isla pero talagang nakakapagod.

Unit-unti ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko, humikab pa ako bago tuluyang lamunin ng antok, nawala na sa isip kong umakyat sa kwarto at dito na mismo ako nakatulog.

Nang magising nag-inat muna ako bago sumilip sa labas. Madilim na pala, ganon ba kahaba ang naging tulog ko?

Teka sandali...

Sa pagkaka-alala ko ay nasa sala ako kanina nakaidlip, paanong?

Siguro ay nakalimutan ko lang na umakyat ako kanina at dito talaga ako natulog. Inayos ko ang bahagyang gusot sa hinigaan ko saka lumabas ng kwarto.

Nasa labas pa lamang ako ng pintuan ay naaamoy ko ka kaagad ang mabangong amoy ng pagkain. Ano kayang pagkain 'yon?

Napanguso ako ng marinig ang pagtunog ng tiyan ko senyales ng gutom. Hindi pa pala ako nakakapag-pananghalian. Naglakad na ako pababa at dumeretso sa gawi ng kusina.

Napahinto ako sa paglalakad at sumandal sa hamba ng pintuan at pinanood si Kaiden sa ginagawa niya.

Nakatalikod siya sa gawi at busy sa ginagawa. Sa palagay ko ay hindi niya naramdaman ang presen—

"It's rude to stare." Bigla naman akong napaayos ng tayo nang magsalita siya.

Rude agad? Kailan pa naging rude ang pagtitig?

"It isn't kaya." Saad ko naman.

Humarap siya sa gawi ko, nakataas ang gilid ng kaniyang labi. "So, you admit that you're staring at me." Anito

"Hindi ako nakatitig no!" I defended. Hindi naman talaga! Nagkataon lang na naabutan ko siya sa ganoong pwesto.

"As you said so." Aniya at naglagay ng dalawang plato sa hapag. "Sit." Naupo ako at patuloy lang na pinapanood siya sa bawat kilos niya.

Lalagyan ko na sana ang plato ko ng pagkain nang maunahan niya ako. Sinunod naman niya ang kaniyang plato. Bago siya naupo ay inalis niya muna ang apron na suot.

"I didn't wake you up cause you're in a deep sleep." Aniya

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Animo'y nagningning ang mata ko dahil sa pagkain na nasa harap ko ngayon. Ang sarap!

Nagsimula na akong kumain, panay lamang ang subo ko, para bang hindi ako kumain ng isang taon! Napahinto ako sa pag-nguya at nag-angat ng tingin dahil sa ramdam kong pagtitig ni Kaiden.

Kahit pa nakatingin na ako sa kanya ay hindi niya talaga iniwas ang titig sa akin. "You said staring at someone is rude." I kept a straight face but deep inside nais kong mapangiti ng nakakaloko dahil bigla siyang natauhan at ilang beses kumurap.

Itinuloy ko na ang pagkain hanggang sa matapos ako. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa fridge saka dalawang baso at inilapag ang isa sa harap ni Kaiden.

Nagsalin ako doon bago isunod ang akin at ininom 'yon. Umupo ulit ako at hinintay na matapos si Kaiden sa pagkain niya. Para maisabay ko na sa paghuhugas ng pinagkainan ko.

Habang naghihintay ay inabala ko muna ang sarili, inilibot ko ang paningin sa mga kagamitan na narito. Parang gusto kong baguhin ang pwesto ng ibang appliances na naroon sa cabinet. Pati na rin yung ibang furniture at paintings sa walls.

Kaso baka hindi naman pumayag si Kaiden.

"May gusto kang baguhin?" Nabaling kay Kaiden ang tingin ko nang magsalita siya. Mind reader ba 'tong lalaking ito?

"U -uh, ayos lang?" Tanong ko naman.

"Sure. This is a gift for our marriage. This is your house." Saad niya, "Our house." Dagdag pa niya.

Tumango naman ako at bahagyang ngumiti. "Yeah, our house. Hindi pa naman ako sigurado, next week ko pag-iisipan kung saan ko ililipat ng pwesto yung ibang furniture."

"Okay." Tipid na sagot niya saka nagtuloy sa pagkain.

Nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin. Pero hindi ko iyon pinahalata at nagkunwaring abala pa rin sa pagtingin sa paligid. Nang makita kong tapos na siyang kumain at inilapag ang plato sa lababo ay tumayo na rin ako.

"Ako na ang maghuhugas." Saad ko, hindi na umangal pa si Kaiden. Siya na ang nagluto kaya ako na sa paghuhugas.

Akala ko ay umalis na sa kusina si Kaiden kaya napasinghap ako sa gulat nang humarap ako at naroon pa rin pala siya. Nakatayo, mukhang hinihintay na matapos ako.

"Bakit? May kailangan ka pa ba?" Tanong ko rito. Tumango siya at humakbang palapit kaya naman napaatras ako hanggang tumama ang pang-upo ko sa lababo.

Tumaas ang isang kilay nito, "Bakit ka lumalayo?" Mariin akong napalunok, para akong mauubusan ng hininga sa klase ng tingin niya.

"A -ano h-hindi ako lumalayo." Pautal-utal kong sambit.  "M-may k-kailangan ka ba o may  s -sasabihin?" Tanong ko rito.

"There will be a celebration for my friend's birthday. I'm just wondering baka gusto mong sumama." Aniya, his voice sounded  hoping.

Binasa ko ang labi ko bago nagsalita. "Hindi ba nakakahiya, I mean it's your friend's birthday and he doesn't know me tapos pupunta ako?"

"She knows you." Ha? Paano?

I gave him a confused look. "How did she know me?" Nagtatakang tanong ko.

He chuckled. "Silly. You're my wife, of  course she knows you." He said smiling at me.

Parang gustong kumawala ng puso ko mula sa kinalalagyan no'n. My heart is beating so damn fast and loud!

Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?

_____________________________________

Instagram: maxineee_05

I Love You Since Then Where stories live. Discover now