12

166 18 0
                                    

I LOVE YOU SINCE THEN/Chapter Twelve/

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I LOVE YOU SINCE THEN
/Chapter Twelve/

"Pat!! Lamunin na sana ako ng lupa!" Saad ko at nagtakip ng unan sa mukha. Nang makabalik ako sa kwarto ko ay sinalubong agad ako ng sandamakmak na tanong ni Pat.

Sinabi ko sa kanya na sa kwarto ni Kaiden ako natulog kagabi nang malasing ako, hindi ko malaman ang pinakikita niyang expression. Nakangiti siya pero may gulat sa mukha niya.

Umupo siya sa gilid ko, hawak ang phone niya at nagta-type. "Pat!" Nakangusong tawag ko. Parang hindi naman'to nakikinig e, tsk! "Anong gagawin ko? Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya." Napahilamos  ako ng mukha.

Nakangiti siya habang umiiling, lalo tuloy akong napanguso.

"Anong bang kinahihiya mo dyan ha?"

"Iyon ngang ikinuwento ko! Sabi ko na nga ba e, hindi ka naman nakikinig habang nagsasalita ako." Humalikipkip ako sa kama ko.

"Nakinig ako sira, sa mga sinabi mo wala namang dapat ikahiya tss!"

"Hindi mo ako naiintindihan e! Nalasing ako t -tapos, tapos sa kwarto ni Kaiden ako n -nagising." Tapos wala pa akong maalala sa mga pinaggagawa ko! Nakakahiya talaga!

"Mabuti nga at sa room ka niya nakatulog kagabi, isipin mo na lang kung sa iba. Mas nakakahiya 'yon. At saka girl, asawa mo siya. Normal na mag-alala siya kaya sa kwarto niya ikaw dinala." Paliwanag niya.

"Nag-aalala siya?" Napangiti ako sa isiping iyon. Kahit pa madalas ko siyang tarayan at napagsalitaan ko pa ng mga hindi magagandang salita, nag-aalala pa rin siya.

"Aba oo, ako nga rin sobrang worried nang hindi kita makita pagkatapos ng party." Yung kilig kong hanggang langit biglang parang lumagpak ng sobrang lakas sa lupa.

Oo nga, kahit naman siguro iba na may mabuting kalooban e ganoon din ang gagawin. At saka bakit naman siya mag-aalala e arranged marriage lang pala ang ganap sa relationship namin.

"Hindi ka ba talaga pwedeng mag-extend kahit ilang days pa?" Parang paslit na ayaw akong paalisin ni Pat. Kailangan ko na kaseng umalis, tapos na ang bakasyon ko. Hays

"Huwag ka ngang ngumuso dyan, para namang huling bakasyon ko na." Saad ko. "Sa susunod, promise." Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya.

Yumakap siyang muli at nagsalita. "Talaga lang ha? Paniguradong busy ka na nyan kase kasal ka na."

"Baliw ka." Tinawanan ko siya, ganito siya tuwing natatapos ang bakasyon ko. Kulang na lang e umiyak. "Siya nga pala, ayos ka lang ba kahit nandito si Vonn?" Tanong ko nang naghiwalay kami ng yakap.

"Tsk! Pake ko naman sa kanya? Naka-move on na ako." Taas noong aniya.

"Ay weh, sure na yan?" Nakangising saad ko sa kanya.

"Ewan ko sayo! Sige na nga, uwi na." Natawa naman ako, parang kanina lang ayaw akong pauwiin.

"Tingnan mo'to, kanina ayaw mo akong umalis. Ngayon pinagtatabuyan na ako. Kurutin ko singit mo dyan e!"

"Ikaw din ha, balitaan mo ako kapag hulog ka na sa asawa mo." Tiningnan ko siya ng masama. Sa akin pa napunta ang topic. Hanep!

Nagyakap muna ulit kami bago ako naglakad sa gawi ng bangkang sasakyan papunta sa kabila.

"Shane!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tumawag sa akin. Tumakbo siya papunta sa akin.

"Oy Tyrone." Nakangiti kong bati.

"Hey! Aalis ka na? Silly me, it's obvious." Bahagya akong natawa sa kanya. Siya din ang sumagot sa tanong niya.

"Tapos na ang bakasyon ko e."

"Sayang naman, I enjoyed getting along with you." Bakas ang bahagyang lungkot sa ekspresyon ng mukha niya.

"Same to you." Ani ko

Tiningnan ko siya dahil biglang may pilyong ngiti ang mukha niya. "Bakit ganyan ka makangiti?" Takang tanong ko.

"We're friends already right?"

Tumango ako, "Oo naman."

He took his phone mula sa bulsa ng shorts na suot niya. "Can we exchange numbe—"

"Naghihintay na si Manong." Bahagya akong napaigtad nang marinig ang baritonong boses ni Kaiden sa likuran ko. Eto talagang lalaking 'to parang kabute!

"Ha?" Tanong ko.

Walang mabasang emosyon sa mukha niya habang nakatitig sa akin. Pagkatapos ay lumampas ito sa gawi ko at matalim ang tingin sa direksyon ni Tyrone.

Nang lumingon ako kay Tyrone ay nakangisi ito na animo'y nang-aasar.

Pagkatapos tapunan ng matalim na tingin si Tyrone ay lumipat ulit ang tingin niya, sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Sa bangka na nasa dalampasigan at inihahanda na ni Manong Trenor.  "Uhm, Tyrone aalis na yung bangka." Imporma  ko. "Nice meeting you." Magiliw na saad ko.

"Yeah, hope to see you again. Shane." Kumindat pa ito bago naglakad palayo sa amin. Binalingan ko naman si Kaiden na madilim ang mukhang nakatanaw sa papalayong si Tyrone.

Nang wala na sa paningin namin si Tyrone ay ibinalik niya ang tingin sa akin, "Baka gusto mo pang mag-extend para mas matagal pa ang happy moments niyo?" Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi niya.

"Happy moments? Ano bang sinasabi mo—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nilagpasan na niya ako at naglakad sa gawi ng bangka. "Aba!"

"Ano bang problema ng lalaking 'yon?"

Sinundan ko siya dahil pareho lang naman kami ng sasakyang bangka. Hindi na ako nagtanong pa, sabay kaming umalis ng bahay kaya kailangan sabay din kaming umuwi para hindi makahalata si Mommy.

__________________________________________

A/N: Hi mga vro!  Happy Wednesday ^_^ Hay Salamat at nakapag-ud na ulit ako. Naglayas yung utak ko these past few days HAHAHAHAHAH. ENJOY READING, COMMENT AND VOTE IS HIGHLY APPRECIATED. STAY SAFE, THANKS LOVELOTS ♥️

Instagram: maxineee_05

I Love You Since Then Where stories live. Discover now