Author: Kendingmaxx
Date Started: 02/17/21
Date Finished:
I Love You Since Then
"When I first saw you, then and there I fell." - Kaiden Shan Cohen
Shane Avery Torres was fixed a marriage by her dearly parents to the son of their bestfriend and busi...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I Love You Since Then /Chapter One/
"Ang sakit na ng paa ko." bulong ko sa sarili ko.
Kanina ko pa suot 'tong napakataas na heels na 'to. Hindi ko naman pwedeng hubarin pa dahil kailangan pa namin magpunta sa reception.
Kainis!
Nang makarating sa reception ay sinalubong kaagad kami ng mga kakilala at ang iba ay business partners ng parents naming dalawa. Ngumiti naman ako sa kanila.
I need to be like this for another freaking hour! God, help!
Hindi ko na maramdam ang mga paa ko, sa tingin ko dahil sa sobrang pangangalay. Muntik pa nga akong matumba habang papunta kami sa upuan namin, buti na lang at nasalo ni Kaiden ang beywang ko.
Hanggang ngayon ay nakapalibot pa din ang kamay niya doon. Sinubukan kong alisin pero lalo pa niya itong hinigpitan. Dikit na dikit tuloy ang katawan ko sa kaniya.
Feel na feel mo ha!
Sinimulan na ang program at sinerve na din ang mga pagkain. Tango at ngiti lamang ang tugon ko sa mga taong bumabati sa amin.
"Okay, Mr. And Mrs. Cohen will now do the dance! Let's give a round of applause to the married couple! Our newlyweds!"
Sayaw na lang yan Shane! Kaya mo pa yan!
Inilapit ni Kaiden ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. "Makakasayaw ka pa ba?" Tumingin naman ako sa kaniya at nagtama ang paningin namin, agad akong umiwas.
Tumango ako. "Kaya ko."
Inilahad niya ang kamay niya at inalalayan ako patungo sa gitna. I heard a soft music played, I put my hand on Kaiden's shoulders at ang kaniya naman ay sa aking beywang.
Sinabayan namin ang musika, napatitig ako sa kanyang mukha. He has a thick line of brows, medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis at..
mapulang labi, malambot sa pakiramdam.
Naisip ko tuloy, siya ang first kiss ko. Siya kaya sino ang first kiss?
Tss! Ano bang pakialam ko kung sino man yong una niyang nahalikan?
"Alam ko namang gwapo ako, pero baka matunaw ako niyan sa pagtitig mo?" Grabe ang confidence ah!
"Tss, mayabang."
"Anong mayabang ka diyan? Marami ang nagkakandarapa dahil sa mukhang 'to!" nagyayabang niyang sabi.
"Hindi ako isa sa kanila." deretsong tugon ko.
"Alam mo bang napakaswerte mo na dahil ganito kagwapo ang pinakasalan mo?" Banat niya.
Pinaikutan ko siya ng mata. "Mas gugustuhin ko pang maikasal sa pulubi." banat ko pabalik.
"Sorry na lang yang pulubi na yan kase sa akin ka ikinasal." Ngumisi pa siya.