11

163 21 1
                                    

I LOVE YOU SINCE THEN/Chapter Eleven/

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I LOVE YOU SINCE THEN
/Chapter Eleven/

Nakapikit pa rin ako habang humihikab, kanina ko pa naririnig na tunog ng tunog ang phone ko. Inabot ko 'yon at sinagot, hindi ko na tiningnan pa ang caller id.

Inaantok pa ako, aga mambulabog!

"Oy babae! Nasaan ka? Bakit wala ka naman sa kwarto mo nang puntahan kita?" Nilayo ko sa tainga ang phone dahil sa lakas ng boses ni Pat. "Oy, alalang-alala na ako!"

Naupo ako sa kama na nakapikit pa rin, napahilot ako sa sentido ko dahil parang pinupukpok ng bato ang ulo ko.

"Ano bang sinasabi mo Pat? Natulog ako sa kwarto ko, tsk! Bakit ka ba sumisigaw, ang aga-aga pa e." Kakamot-kamot ako sa batok ko habang nagsasalita. "Urgh! Ang sakit ng ulo ko!" Ungot ko pa

"Ayan, ikaw naman ang may kasalanan kaya masakit ang ulo mo, hindi pala iinom ah." Naiimagine ko siyang umiiling-iling sa kabilang linya. "At saka loka, saan ka natulog? Nako Shane, lagot ka talaga sa akin!"

Kinusot ko muna ang mata ko bago tuluyang imulat 'yon. "Nandito nga ako sa kwar—" Nanlaki ang mata ko ng ma-realize na, wala nga ako sa kwarto ko!

Tumayo ako at inilibot ko ng tingin sa silid, alam kong isa lang rin ito sa mga kwarto ng resort pero

Wala akong makitang gamit ko!

'P -pat, nasaan ako?" Nanginginig ang boses kong tanong.

"Ano bang? Ewan! Nasaan ka ba?"

"H -hindi k -ko nga k -kwarto 'to, Diyos ko po."

"Omg! Shane, ano bang ginawa mo kagabi?"

"H -hindi ko alam." Napaupo ako ulit sa kama. Ngayon lang rumehistro sa isip ko kung bakit iba ang amoy ng kwarto nang magising ako. "Tatawag ako, aalis lang ako dito."

"Nako talaga Shane, tsk!" Huling saad niya bago ko ibaba ang telepono. Bumaba naman ang tingin ko sa katawan ko, nakahinga ako ng maluwag dahil 'yon pa rin ang damit na suot ko.

"Ano bang ginawa ko kagabi?" Napasabunot ako sa buhok ko, "Loka ka Shane!"

Kahit medyo masakit ang ulo ko ay inayos ko ang gusot sa damit ko, kinuha ko ang sandals ko at bag bago tinungo ang pinto palabas sa silid na 'yon.

Naging maingat ang bawat paghakbang ko upang walang makarinig sa akin.

"You're awake." Napahinto ako nang marinig ang boses mula sa maliit na kusinang naroon. Dahan-dahan akong pumihit para harapin ang pamilyar na boses. "Good morning!" Nakatingin ito sa akin at may ngiti sa labi. Nandoon siya sa hapag at sumisimsim ng kape.

"G -good morning." Hindi ko siya magawang tingnan ng deretso dahil sa hiya. "I, I -I'm sorry." Halos pabulong ko ng sabi.

Paano ako makarating dito sa unit ni Kaiden? Gaano ba ako kalasing kagabi?

"Sit." Saad niya at hinila ang kaharap na upuan sa hapag.

"Ha?" Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Parang nabalot ang buong katawan ko sa hiya.

"Sit and eat first," Nang makaupo ako ay may ipinatong siyang gamot sa tabi ng plato ko. "Gamot yan para sa hangover."

"T -thank you." Tumango siya bago ako talikuran, pahakbang na siya ng tawagin ko siya.

"Need something?"

"D -did I do a -anything bad last night?" Imbis na sagutin ay ngumisi siya sa akin.

"You can't remember?" Natatawa niyang tanong.

Inirapan ko naman siya, "I wouldn't ask if do." Napakagat labi ako, what did I do last night? I feel ashamed! "So, mayroon ba? Did I do something hilarious? Oh my!" Mariin akong napapikit.

Umiling naman ito. "You did something but don't worry, it's not to be ashamed of." He said as if he's remembering a scenario in his head. "Actually, you're being a cute baby last night."

Napayuko ako at tinakpan ang mukha ko, I know how red my cheeks are right now. Damn it! And wait, did he just called me cute? Cute baby?

"And you kis—"

"Stop please, nakakahiya."  Pigil ko sa kanya, ayaw ko ng marinig. Gusto ko na lang magpalamon mula mismo dito sa kinauupuan ko.

"Okay, kumain ka na. Good morning again." He said before entering the room I slept in last night.

Nagsimula na akong kumain ng agahan na nakahain. May sinangag, fried egg at bacon. After eating, ininom ko ang gamot na binigay ni Kaiden. Hinugasan ko ang pinagkainan ko bago nagtungo sa salas.

Magpapaalam na ako at magpasalamat na rin. Mabuti na lang at siya ang kasama ko kagabi ng malasing ako. Baka kung iba 'yon ay mabalot ako sa sobrang takot at kahihiyan sa paggising ko. Wala akong maalala sa mga pinaggagawa ko kagabi.

Bakit ba naisipan kong magpakalasing ng sobra kagabi?

Teka, tama naalala ko ang dahilan ng pag-inom ko ng sobra kagabi. Si Kaiden, at yung kasama niya. Tsk! Shane napakababaw mo naman!

E nakakairita kase sila kagabi, lalo na yung babaeng halipar—bakit ba galit na galit ako masyado? Shane, kalma.

Napatayo ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Kaiden. Iba na ang suot niyang damit ngayon. A white tropical leaf print shirt na bukas ang dalawang butones.paired with green shorts. He's holding a sunglasses on his left hand and his phone on the right.

He looks damn hot! Nah ah Shane, you're not falling for his hotness. No!

I cleared my throat before talking, parang may nakabara don na kung ano. Ang hirap magsalita, "I -I'm leaving. Thank you pala sa kagabi," I bit my lower lip because I feel really ashamed! "Sa mga ikinilos ko last night, I'm sorry, I was just drunk."

I looked at him in the eyes, he's just there standing, looking intently at me. This is awkward. Inabot ko ang wallet, phone at jacket ko and I face him again. "Yung jacket mo pala, nakuha mo na right?"

"Yeah, nasa akin na." He went towards me and fixed a few strands of my hair, tucked it in my ear. That literally made me stilled. Nasa harap ko siya ngayon, the spaces between us is so little.

I can smell his manly perfume, I remembered his room, his scent envelops the entire room. "Don't get drunk like that again. You're making me worry."

Hindi pa man ako nakakarecover sa pagkabigla dahil sa ginawa niya kanina ay eto na naman siya. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napaigtad ng ilapit niya ang mukha sa aking leeg.

"W -what a -are you d -doing?" I couldn't help but stutter while speaking. Parang nanuyo ang lalamunan ko nang maramdaman ang mainit niyang huminga sa leeg ko. Para niyang inaamoy 'yon.

"You need a bath." He casually said, napaatras naman ako dahil sa sinabi niya. Inamoy ko ang sarili at tama siya, kailangan ko nga ng ligo.

Amoy alak ako! Damn! Nakakahiya!

"I n -need t -to go. Thank you ulit." Mabilis akong lumabas sa kwarto niya at tinungo ang daan papunta sa sarili kong kwarto para maligo at mahimasmasan sa pagkapahiya ko.

Urgh! Nakakahiya talaga!

__________________________________________

A/N: Hi mga vro, pasensya na at ngayon lang nakapag-ud. Di ko kinaya ang sakit ng ulo ko, saka buong katawan. Hinang-hina ako HAHAHAHHAHA. Pero kahit paano ay ayos na naman ang pakiramdam ko:)) Hope you enjoy reading! Comment and vote is highly appreciated, Thanksss, Lovelots ♥️

Instagram: maxineee_05

I Love You Since Then Where stories live. Discover now