CHAPTER 23
Nung bata pa ako, si Valerie na talaga ang gusto ni Dad para sa akin.
Nung bata pa ako, sya ang kauna-unahang babaeng ipinakilala sa akin ni Dad.
Pero, di ko talaga gusto ‘yung babae na ‘yon. Kaya mas pinili kong huwag munang magka-girlfriend kung siya lang din naman ang choice.
Maganda naman siya e. Typical kikay chick sa campus. ‘Yung tipong sa unang tingin, magagandahan ka talaga sa kaniya.
Pero habang nakikilala mo siya, unti unti siyang pumapangit.
Ang tagal kong nagtiis sa kaniya. Ang pagsama-sama sa kaniya sa mall, sa bar, sa bahay nila. Halos ituring niya akong boyfriend. Pero sabi ko, hanggang doon lang talaga kami.
At napapayag ko naman siya.
Hahaha. Blackmail at its best.
*FLASHBACK*
Oath taking na mamaya bakit wala pa si Val. Shit naman! Pano ko ba sasaluhin ‘yung posisyon nya e President ako.
Naka-ilang tawag na ako sa cellphone niya hindi pa rin siya sumasagot. Shit. Ano ba’ng problema niya?
“Where is Valerie? Mr. President you made a promise! Sabi mo, lahat titipunin mo para sa oath taking na ‘to. Pero you disappointed me! Sabi ko kahapon, siguraduhin mong lahat makakapunta but where the hell the vice president is?!”, si Mr. Yap galit na galit na.
Pag nagkataon kasi, mapapahiya siya sa president ng school. Pupunta kasi ito ngayon at talagang sinadya pa ni Mr. Yap na iinvite ito sa prestigious oath taking na ‘to.
May tumapik sa balikat ko.
Si Dustin.
“Dude, a piece of advice. Puntahan mo na si Val sa bahay nila. Ilang minuto na lang oh.”, napatingin naman ako sa relo ko.
Oo nga.
Since 10 minutes away lang naman ang bahay nila Val mula sa school, I drove my way there.
Hindi na ako nag-doorbell. Hindi naman naka-lock ang gate kaya pumasok na ako.
In fact, alam kong hindi naman magtataka ang parents niya. They know me since birth.
Sakto namang walang talo sa receiving area. Kaya umakyat na ako sa palapag kung saan nandoon ang kwarto ni Val.
*knock.knock.knock.*
There was noise.
And I hate the sound of the noise.
And what I hate about the noise is that, it’s making me vomit.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka pinindot ang voice recorder.
HAH!
“Valerie! Bilisan mo diyan sa loob baka nakalimutan mong may oath taking tayo ngayon!”
Natawa ako habang patalikod sa pinto ni Valerie.
At narinig ko naman siyang sumigaw ng, “SHIIIIIIT! Shiiiiiit! Ah, shiiiit!”
***
10 minutes ulit, and I reached the school.
“What noooow Mr. President?!”, nag-aalburutong sabi ni Mr. Yap.
“Ah, Sir. Kindly excuse Valerie for the mean time. But I am sure she’s coming.”
Napahawak na lang si Mr. Yap sa noo niya at saka ito nag-walk out nang padabog.
After somewhat 30 mins or 35, nakita ko si Valerie, nagmamadaling umakyat sa backstage.
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.