[CHAPTER 20] WTF.
Adam’s POV
“Mahal kita”
“… Mike”
Dude, ang cool naman ng daydreaming ko. Madaling araw na ata. Napakaimposible talaga ng mga panaginip.
Hahaha. O baka lashheeeng lang talaga ko.
Nananaginip ata ako ng gising. Puta! Si Sean, sabe oh: Mahal kita Mike.
Puta! Bangungot ata ‘to. Wahahahaha!
“Ma-mga dudesshh *hik* nananagi-ginip tayo.”, sabi ko sa kanila.
Napatingin naman sila sa akin.
“Bak-baka nga dude.” – Ryan
“Gagooo, hindi.” – Lee, kasabay nito ang bigla niyang pagdukdok sa mesa.
Lasheng na. Gago ka ah. Kala mo ang tibay mo.
“… totoo ‘to Adam. Totoo ‘to.” – Dustin
Pakyu. Ba’t naman ako maniniwala sa’yo. Lasheng ka na din e.
Haaaay. Pakshet. Gush-gushto ko na umuwi. Lash-lasheng na ako.
*hik*
***
“Mga dude kumusta kayo? ^______^”
Mga anak ng tinapakan naman oh. Di man lang ba kayo sasagot?
“Wag ka ngang maingay diyan! Kita mong naglalaro e!” – Ryan.
“Tangina ka Adam. 500 nakasalalay dito.” – Lee
Naglalaro na naman sila ng NBA 2k12 sa PS3. Magaling!
Si Dustin naman nakahiga lang sa kama niya, nagssoundtrip.
Nak ng! Mga alas-tres na rin ako nakauwi kagabi. Nag-cat nap lang ata kami nang mga 45 mins. Tapos, uminom ng kape at inihatid kami nung driver nila Dustin.
Humiga rin ako sa kama habang nakahiga si Dustin.
“Bwisit. Di mo man lang ba ako kikibuin? Hayup ka ah!”
Tiningnan lang ako nang masama ni Dustin.
Ay puteeek! Akala ko naman may maaabutan akong matino dito.
Nasa’n si Sean? Sa tingin ko siya lang ang makakausap ko nang matino ngayon e.
“Mga gunggong nasan si Sean?”, sabi ko sa kanila.
“Nakita mo ba? Wala diba?” – Ryan
Tuwang tuwa si Lee habang may hawak na 500 pesos.
“Wala pa si Sean dito. Hindi pa siya dumarating. Baka nananaginip pa rin na magkasama sila ni Mike. Ulul. WAHAHAHA!” – Lee
Napahinto naman kaming tatlo at tumingin kay Lee.
“Huh?” sabi ko.
“Akala ko ba panaginip lang ‘yon?” – Ryan
“Mga bobo ba kayo? Nagkausap-usap pa tayo kaninang madaling araw tapos nananaginip?” – Lee
Wala akong masabi.
Biglang tinanggal ni Dust ‘yung headphones niya.
“We weren’t daydreaming. Lahat ng narinig natin mula kay Sean, sinabi niya talaga ‘yon.”
Umupo naman ulit ang dalawa sa sahig.
“Luuuuuuh.” – Ryan
“Tatanga niyo. Pengeng isa pang limandaan, Ryan. Sa’yo din Adam.” – Lee
“What?” sabi ko na lang.
“Yeeez. Alam kong mahirap paniwalaan pero gano’n talaga. Malay ba natin kung ano’ng nagustuhan ni Sean do’n sa ermitanyong babae na ‘yon.” – Dust
Waha. Ermitanyo.
Di naman mahirap mahalin ‘yon si Mike.
Babae siya. Hindi siya tomboy. Nagsisisi nga ako nung sinabihan ko siyang tomboy dati.
Masyado niyang pinapangalagaan ang pagiging babae niya. Kaya ko napatunayang hindi nga siya tibo.
Isa pa, nung kinurot niya ako nung isang araw? Nakita ko naman ‘yung sweet side niya.
Sweet side na marahas. Ay basta.
Iba talaga siya sa mga babae.
Pinahanga niya ako when I tried to get her but she played really hard to get. Bihira na lang kasi sa mga kababaihan ngayon ang tatanggi sa kapogian ko e. Siya nga lang ata ang tumanggi. Bwisit.
Lumalapit na nga ang damo sa kabayo ayaw pa niyang tukain. Ay, bwisit.
“Bwisit kayo. Ba’t niyo ba ‘yon pinaguusapan?” – Lee
“Wala lang. Alam naman natin kung ano ang taste ng Dad ni Sean sa mga babae. At sa palagay ko, hindi si Mike ang gustong babae ni Tito Rod para kay Sean.” – Dust
“Sus. Ganon din naman kami. Ganon din iniisip namin.” – Lee
Haaaay. E ano naman sa kanila kung mahal ni Sean si Mike?
Ako nga hindi ko napapayag maging girlfriend ‘yon, mapasagot niya pa kaya ‘yon? E mas pogi nga ako sa kaniya e.
“Sus. Guys sa tingin niyo ba sasagutin ‘yon ni Mike?”
“Ba’t naman hindi? Pag nagkataon siya pa magiging first love ni Sean, matalino na mayaman pa at athletic.” – Dust
“At gusto siya ni Valerie.” – Lee
“At gusto ni Sean si Mike.” – Ryan
Napatingin naman kami sa sinabi ni Ryan. Para kasing may pino-point out siya.
“Shet! Pag nagkataon mas magagalit pa si Val kay Mike!” – Dust
=___________= Oo nga. Di ko ‘yon naisip.
“Good morning. Sorry I’m late. May I come in?”
Sa labas ng pinto ng kwarto ni Dust, nakatayo si Sean.
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.