[CHAPTER 18] OOPS.
“Mike dear, bakit mo siya sinampal? Alam mo ba na tinitingala siya ng mga babae sa school?” Stacy
“Beybe Mike hindi mo ba sila kilala? Ang alam mo lang Power Rangers sila? Tss. Hay nako. Gusto mo bang ikwento namin sa’yo?” Stella
“Wala naman akong pakialam kung sino sila o ano pang mga pangyayari sa buhay nila.” Sabi ko sa kanila.
Nandito kami ngayon sa sala. Mamayang gabi pa siguro sila uuwi.
“Okay, kahit na. Ikekwento pa din namin.” Stella
Bago sila magkwento, dinala na ni Manang ‘yung mga meryenda namin sa mesa.
“Okay. Simulan natin kay Sean.” Stacy habang sumusubo ng pop corn “Si Sean, ang President ng Power Rangers at laging nasa Top 1 sa star section. Lahat nasa kaniya na. Brains. Athletic. Matangkad. Maputi. Very handsome look. Ang pintas lang sa kaniya, MASUNGIT.”
Huh? Hindi naman masungit si Sean ah --,)
“No girlfriend since birth pero madaming nagkagusto sa kaniya. Patay na patay nga sa kaniya si Valerie Fernandez eh. Yung vice president nung Power Rangers. Kaya lang hindi siya pinapatulan ni Sean. Masungit eh.” Stella
LOL. Patay na patay pala si Valerie do’n sa lalaking ‘yon? Tss.
Humigop muna sila ng juice.
“Manang pakikuha ‘yung brownies!”
“Next. Si Dustin Vaughn Kendrick Gonzalez. Crush na crush na naming magkapatid si Dustin baby since birth! KYAAAAAH!” Stella
Parang nagulat naman si Yaya sa pagtili ni Stella
“Dustin is a hottie. Siya ata ang pinaka-hunk sa Power Rangers and maharot type ‘yon eh. KYAAAAAH!” Stella
Napahawak naman ako sa tenga ko.
“Alam mo ‘yung parang ano. AHHHH. ‘Yung parang ano, suplado type pero hinahayaan niya lang magpakabaliw sa kaniya ‘yung mga babae. So hindi pala siya suplado KYAAAAAH!”
“Ano ba Stella!” sabi ni Stacy
“Hahaha. I’m so sorry sissy. I just can’t help but… KYAAAAAH!” Stella “Pero here it is! Si Dustin Vaughn Kendrick Gonzalez ay isang matapang as in matapang na poging lalaki. Kaya nga crush na crush ko ‘yon eh. Kasi Beybe Mike, parang feeling ko kapag naging kami, parang. Ano. You know that. Ahhh. ‘Yung parang knight in shining armor ganun ^//////^” kilig na kilig si Stella
“Wag ka na mangarap. Dahil paglalaruan ka lang naman nun kung sakali man.” Stacy
Tss. Di naman siguro ganon si Dust.
“Next. Adam Navarro. Shit that man. Sobrang hot. Imagine. More than thirty na siguro naging fling niya dito sa school. At ‘yung mga flings na ‘yun, mga muse sa iba’t ibang section. Every year ‘yan, annually. So, ‘yon. Playboy siya pero kahit pa kalat ‘yon sa school, hindi pa din siya tinitigilan ng mga babae.” Stacy
“Stella, abot mo ‘yung brownies.”
Iniabot naman ni Stella.
“Laging may nagsstalk sa kaniya. Kung babae nga lang ‘yon baka na-rape na ‘yon eh.” Pagpapatuloy niya
“Next, Ryan Vance Yu. As what his position tells us. ESCORT of the POWER RANGERS. Nagkaron lang siya ng isang girlfriend. Si Francheska Morales. Nung nagbreak sila, split din ang heart ng lolo mo. Nag-emo ang puso pati ang isip. Pero, he’s the good boy sa Power Rangers. Opposite siya ng lahat ng lalaking nabanggit namin.” Stella
Kaya na-stock siya sa isip ko eh. Unique personality.
“Then, si Lee. Actually, siya ‘yung pinakamaloko sa Power Rangers at vibes na vibes sila ni Adam. Marami na ring naging chick ‘yon pero hindi lang halata kasi parang isip bata na ewan. Ay, basta. Wala naman kaming paki don --,”
“Last but not the least. Si Jet. Pero may girlfriend na siya. Taga-ibang school eh. Pero kapatid siya ni Ryan. I’m not interested to him. Ang tagal na nila nung girlfriend niya. Baka sila na talaga magkatuluyan. Di matibag tibag eh. Jet is also handsome kaya lang taken na nga.”
“Bakit? Single ba ‘yung lima?” tanong ko.
“Oo!” chorus
“Ah okay.” Sabi ko
“Kunwari wala kang paki. Baka mabalitaan na lang namin, may ano ka sa kanila.” Stella
“May ano?!”
“May utang. Bakit? Masama magkautang?!” Stella
Humigop kami ng juice.
“Pero *burp* Excuse me. Mike dear, what we’re trying to point out here is, be careful. Kapag sinaktan mo sila, physically, at nakita ka ng mga admirer nila, they are packs! Wala kang laban. Girl power sila. Please be careful.” Stacy
“Tss. I know you’re behind my back always. You won’t let that happen, right?”
“Sana lang lagi kaming nasa tabi mo. Pano na lang kung wala kami. That’ why you should be careful.”
Nag-nod lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
“Chocolates na lang dinner natin Beybe Mike.”
Wow! Demanding ‘yung bisita ko ah? --,)
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.