DEDICATED TO TWINKLE KISSES =)) HELLO, KID! I COULD STILL REMEMBER YOUR COMMENTS =)) GOD BLESS
[CHAPTER 4] THE REAL SELVES
“Psst water girl!”
O_O
“Tangina mo Ferds” binatukan ko si Ferds na kasalukuyang nasa tabi ko.
Nalaman na ni Ferds na water girl ako at hindi ko alam kung paano.
Kahit nga ‘yung mga tao kanina sa corridor hindi ko din alam kung pa’no nila nalaman e.
Basta sila Stella at Stacy lang ang sinabihan ko.
“Tss. Mike may tenga ang lupa.” --,)
“Okay sige na nga. Nasan nga pala ‘yung lima? Dalawa lang tayo dito ah.”
“Good morning class! Say present if you exist.”
Nagkibit-balikat lang si Ferds sa tanong ko. E sa’n naman mapupunta ‘yung limang ‘yun?
E imposible namang umabsent si Kiko kasi studious ‘yon.
Imposible rin namang hindi pumasok si Art kasi ililibre nya ako ng lunch mamaya.
E si Gigs naman, baka may lakad. Lagi lang namang nasa gaming stations ‘yon e.
‘Yung magkapatid naman, baka naman umabsent lang talaga. ‘Pag kasi tinatamad ‘yung isa sa kanila, tiyak tatamarin din ‘yung isa. -____-
“Miss dela Rosa! You’re absent minded again! I said say present if you’re here!”
-___________- Hay. Si Sir Gatchalian na nga pala ang teacher namin ngayong Trigo. Leshe!
“E di present kung present. Nakita mo namang nandito ako diba?!”
Natutuwa ako kapag nakikita kong naiinis sa akin ang teacher na ‘to eh.
Hindi na muli pang kumibo si Mr. Gatchalian. Siguro, nilagyan nya na ng check ‘yung attendance record nya.
Nakipag-apir naman sa’kin si Ferds at ‘yung iba naming kaklase, wala lang. Hindi na sila nagulat. Halos araw-araw na nila akong naririnig na ganoon sumagot kay Mr. Gatchalian eh.
“So what is our lesson for today? Does anyone know? Any wild guess?” ^____^ Mr. Gatchalian
Tss. Pa’no naman namin malalaman ‘yon e ikaw ‘yung teacher dapat ikaw talaga ang unang makaalam nun e.
“dela Rosa!” natigil ako sa pagkagat ng takip ng bolpen ko. Napagbuntungan na naman ako ng teacher na ‘to.
“Stand and tell us what is our lesson for today!” dagdag pa niya
Tumayo ako at nag-ipon ng maraming chakra.
“Our lesson for today is …”
O_O Gulat na gulat ang bawat isa dahil nagrerecite ako sa oras na ‘to kaya lahat sila nakatingin sa akin.
“… all about”
Lalo pa silang nagulat nang dagdagan ko pa ang sinabi ko.
“… Trigonometry.”
May isang kaklase ko ang pumalakpak…
Hanggang sa sunod-sunod nang nagpalakpakan ang buong section namin.
“Wooooooh!” ^____^ sigaw ng buong section
May kumakalampag sa desk. May sigaw ng sigaw ng ‘wooooh’. May palakpak nang palakpak walang sawa.
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.