[CHAPTER 7] START OF SOMETHING NEW
MIKE’s POV
Nandito na ako ngayon sa labas ng gate ng bahay namin. Hinihintay ko si Dustin. Hindi ko kasi alam kung sa’n gaganapin ‘yung sinasabi niyang training seminar. Hindi naman ako maka-angal dahil reputasyon ko ang nakasalalay kung sakaling maging water girl ako. Kapag nalaman nila na nasa good moral seminar lang ako, at least maiisip nilang gusto ko lang magbago.
*beep.beep*
Araaay! Ang sakit naman sa tenga!
“Hoy bilisan mo nga!”
Sumilip si Dustin mula sa kotse niya at parang galit na galit. Medyo magulo pa nga ang buhok niya e. Parang bagong gising.
Pinakita ko lang sa kaniya na naiinis ako pero di na ako sumagot para walang away. Pumasok na ako sa loob ng kotse.
Pagkasara ko ng pinto, “Pasensya na kung pinag-intay kita ha. Na-late kasi ako ng gising.”
Bigla namang calm ‘yung mood nya ngayon. Nag-nod lang ako at nagdrive na siya paalis.
“Mike, ngayon pa lang sinasabi ko na. Kapag pumasok ka na sa OGMT, kailangan magsakripisyo kang maging mabuting tao.”
HAAAAA! Ano’ng sabi niya?! >_____<
“So are you saying that I’m not good?” nakakunot na sabi ko
“Di naman sa gano’n. Basta, you’ll now learn how to be good.”
“Oo na lang.”
Nagdrive na ulit siya.
**OGMT Center
Pagkapasok pa lang namin ni Dustin sa loob, nakaramdam agad ako ng kaba. Parang may gumuhit sa dibdib ko. Lamig na lamig ‘yung pakiramdam ko.
Isa itong medyo maliit lang na building pero may 5th floor at may underground din.
Sa reception huminto muna kami.
“Sir Dustin nasa 3rd floor po si Sir Gonzalez. Sa office po niya.” Sabi nung receptionist
Nag-nod lang si Dustin.
“C’mmon.” Matipid niyang sabi sa’kin
Nag-elevator kami papunta sa office ng Dad ni Dustin. Pupunta daw muna kami dun para makilala ng Dad niya ang bagong recruit.
“So, here she is Dad.” Naunang pumasok si Dustin at ‘yan ang bungad niya sa Dad niya
“Morning!”, sabi ko sa Dad niya.
Tinanggal naman ni Gonzalez the Father ang salamin niya sa mata.
“Morning? Walang good? Haha. C’mmon here iha. Have a seat. ^___^”, masayang bati sa akin ni Gonzalez the Father.
“Dad, this is—“
“No, let her introduce herself to me. ^___^”
Grabe, hindi pa din nawawala ‘yung ngiti ni Gonzalez the Father --,)
“Uy, pakilala mo daw sarili mo.”, sabi sa’kin ni Dustin with matching tapik sa balikat.
Tiningnan ko nang masama si Dustin. “Nakakaintindi ako ng English.”
Tumawa naman ulit yung Dad niya.
“Gonzalez the Father, bakit parang ang saya saya niyo sa buhay niyo? Hindi ba nakakangawit ngumiti at tumawa? -____-“ tanong ko kay Gonzalez the Father
Sa halip na sagutin ako nang matino ni Gonzalez the Father, tumawa ulit siya nang pagkalakas lakas.
“Hoy, Dustin may pagkabaliw ba lahi niyo? Sa kanya ka ba nagmana?”
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.